Chapter 16 – I Love You

1957 Words
Bless Princess Pov “Wala ka ng pakilam doon!sino ba kita ha?! Wala ka lang naman sa buhay ko!” Malakas na sigaw ko sa kaniya. Alam ko naman na iiwan niya rin ako kaya niya ako nilalambing para hindi ko mahalata katulad noon. Pigilan ko man ang aking damdamin ngunit pilit itong kumakawala lalo na at kaharap ko na siya ngayon. Ang nasa isip ko ngayon ay uunahan ko na siya at ipapakita ko sa kaniya na wala na siyang aasahan pa sa akin.Nakita ko na nasaktan siya sa aking sinabi, lumayo ako sa kaniya ng konti at hihithit na sanang muli sa akong sigarilyo ng agawin niya ito sa kamay ko at itapon sa nakabukas na bintana. At dahil sa ginawa niya ay humarap ako, sisigawan ko na sana siyang muli ng salubungin niya halik ang labi ko. Hindi na muli akong nakapalag pa dahil maging ang aking magkabilang bewang ay hawak niya at madidigin na pumipisil doon, halos maubusan na ako ng hininga sa klase ng halik niya na napakarahas at pamisan-minsang kamakagat pa. Hindi ko siya matulak at kahit na anong palag ay hindi ko na magawa dahil nauubusan na ako ng hangin sa katawan. Maging ang sarili kong dugo mula sa aking labi ay nalalasahan ko na dahil sa rahas ng kaniyang halik. Ang tangi ko lang nagawa ay ang lumuha at mukhang naramdaman niya iyon dahil tumigil siya ‘tsaka niya isinandal ang kaniyang noo sa akin. Ang kaniyang isang kamay na nasa aking bewang kanina ay inilagay niya sa aking pisngi at humaplos doon. “Ginagalit mo ako baby,” Malambing na bulong niya sa akin, pinupunasan din ng kaniyang hinlalaki ang luha na tumutulo sa aking pisngi. Pinunasan din nito ang dugo sa gilid ng aking labi mula sa kaniyang pagkagat kanina. Matapos no’n ay hinalikan niya ang sugat na nilikha niya sa gilid ng aking labi at malambing na nagsalita. “Sorry baby, nagalit lang ako dahil sa sinabi mo hindi ko na uulitin,”Malambing pa niyang sabi. Sasagot na sana ako ng biglang sumikip ang aking dibdib sumunod ang aking paghinga tanda na inaatake na naman ako ng aking hika. Habol-habol ko ang aking hinga na nagtungo sa aking side table at dali-dali kong binuksan ang aking lampshade at mga drawer para mahanap ang aking inhaler na nalimutan ko kung saan ko nailagay. “Baby nasaan ang inhaler mo?”Natatarantang tanong niya at nakihanap na rin siya na halos halughugin ang buong drawer ko. Hindi ako sumagot sa kaniya dahil hindi ko na kaya ang kapos ng hinga pero kahit na gano’n ay pinipilit ko pa rin ang aking sarili na mahanap ang aking inhaler. “Nandito,” sabi ni Iann ‘tsaka siya umupo sa kama bago niya ako hinigit papaupo sa kandungan niya. Saka niya ako tinulungan na inilapat ang inhaler sa aking ilong. Pagkalapat na pagkalapat ng inhaler sa aking ilong ay bumalatay agad ang ginhawa sa aking paghinga. Patuloy lang ako sa pagsinghot ng aking inhaler at hindi iniinda kung ako man ay nakaka-kandong sa kaniya. Ako ang may hawak ng inhaler habang siya naman ay patuloy ang kaniyang isang kamay na humahaplos sa aking buhok na mas nakakadagdag kalma sa akin. Nakaalalay rin ang isa niyang kamay sa aking bewang para hindi ako mahulog sa pagkaka-kandong sa kaniya. Isinandal din niya ang ulo ko sa kaniyang dibdib na mas nakapagbigay sa akin ng komportable. Tinataniman niya rin ng minsanang mumunting halik ang aking ulo at noo. “Ikaw naman kasi baby eh, napakatigas ng ulo mo. Naninigarilyo ka pa hindi ba bawal sa’yo iyon?”Malambing na sermon niya sa akin hindi ko siya pinansin at pumikit na lang dahil sa pagod ko kanina sa paghinga ay ninanamnam ko ang ginhawa na hatid ng inhaler sa aking paghinga at luwag sa dibdib. Hindi ko namalayan na sa paglalambing niya at pagpapakalma sa akin na iyon ay nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan. Hindi ko rin alam sa aking paggising ay may malaking magbabago sa buhay ko. “Iann ibinagay namin ang buong tiwala namin sa’yo!pero sinira mo!” Galit na sigaw ni Papa. “Tito pananagutan ko naman po ang anak niyo, puwede po bang huwag kayong sumigaw at baka magising si Bless. Nagpapahinga pa po siya dahil inatake po siya ng hika kagabi,” Pakiusap naman ni Iann. “Sinira mo ang tiwala namin sa’yo Iann, manliligaw lang ang paalam mo sa amin pero bakit mo ginapang at alam mo naman na nag-iisang babaeng anak ko lang iyan!” Tuloy na sigaw ni Papa. At dahil pagkakagulo na iyon ay nagising ang diwa ko at agad kong iminulat ang aking mata. Unang bumungad sa akin si Iann na nakadukwang patagilid sa akin habang nakikipag-usap kayna Papa na nasa may pintuan at madilim ang mukha. Ang kaniyang itsura ay parang iniingatan niya na magising ako. At dahil doon ay agad akong nataranta. ‘Bakit nakahubad si Iann sa tabi ko?!’ Pakiramdam ko rin sa aking sarili ay wala rin akong saplot at ng tingnan ko nga sa ilalim ng kumot ay wala nga rin akong saplot ni isa. Napabalikwas ako ng bangon dahil doon, itinapis ko ang kumot sa aking dibdib. Nalilito ako kung bakit nandito ako sa ganitong sitwasyon. “Anong nangyayari?!” Natataranta na sabi ko sa kanila. Madilim ang mukha ni Papa na tinapunan ako ng tingin bago nagsalita. “Sarili mong kalukohan hindi mo alam!” Galit na galit na turan niya sa akin, si Mama naman ay tahimik lang na umiiyak sa tabi ni Papa at ang dalawa kong Kuya ay seryoso ang tingin nilang parehas sa amin. “Papa hindi ko alam kung bakit kami nakaganito!” Pangangatwiran ko sa kaniya. Tumingin ako kay Iann na ang tanging nakatabon lang sa pang-ibabang katawan ay ang kumot na nakasobra sa kumot na nakatakip sa katawan ko. “Iann ano ba?bakit tayo nakaganito ha?!magsalita ka naman wala namang nangyari hindi ba?!”Mangiyak-ngiyak na tanong ko sa kaniya. Tumungo lang siya bago ako hinapit papalapit sa kaniya. Naiiyak na ako dahil sa aking sitwasyon ngayon kong alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi na lang ako umuwi. Sana hindi na lang ako nakatulog kagabi at napa-alis ko siya dito sa kuwarto ko na hindi na niya nagawa ang palabas na may nangyari sa amin. “Pananagutan kita Bless, hindi naman kita pababayaan eh,” Malumanay na paliwanag niya sa akin. “Anong pananagutan wala namang nangyari sa atin ah?!ano ba Iann?!” Malakas na sigaw ko sa kaniya. Hindi lang siya manluluko, sinungaling pa. Hindi siya nagsalita kaya bumaling ako kay Mama para magpaliwanag “Mama walang nangyari sa amin ni Iann, maniwala po kayo!” Umiiyak na sabi ko, hindi ko akalain na sa pagkagising kong itong ay may problema na kaagad na darating sa akin. “Anak dapat lahat ng desisyon mo sa buhay ay pinapanindigan mo,”Tumingin siya sa aking kumot kaya tumingin din ako roon at mas lalong bumuhos ang aking luha na may pekeng mantsya ng dugo roon. “Anak binigay mo na sa kaniya ang bagay na importante sa ating mga babae kaya kailangan makasal ka na kay Iann kasi siya na ang nakakuha nito,” Wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak dahil talagang plinano na ni Iann ang lahat ng ito. Bakit kung may nangyari man talaga sa amin ay nakapasok sina Mama sa kuwarto na ito eh tandang-tanda ko pa na ini-lock niya iyon kagabi. May nalalaman pa siyang pahalik-halik sa aking noo at payakap-yakap pa siya sa bewang ko para ipakita niya kayna Mama na talagang ginusto namin ang nangyari pero sa kabilang banda ay siya lang ang may gusto nito. “Magbihis kayo at mag-uusap tayo sa ibaba.” Pinal na sabi ni Papa bago sila umalis sa aking kuwarto at padabog pa niyang isinara ang pinto. At sa pagbagsak ng pinto ay siya ring pagbagsak ng mundo ko at mas lalo akong napahagulgol dahil doon. Hindi man lang ba sila naniniwala sa akin na pati ang aking paliwanag ay hindi man lang nila pinakinggan at naniwala kaagad sila sa isang palabas na ito?! “Shhhb baby, hindi naman kita pababayaan eh…nagawa ko lang ito kasi sa sobrang pagmamahal ko sa’yo,”Madamdamin na sabi niya at isinandal ang kaniyang noo sa balikat ko. Lumayo naman ako sa kaniya habang umiiyak pa rin, tinanggal ko rin ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking bewang. “Ayoko sa’yo! Napakawalanghiya mo! Ano ba ang makukuha mo sa akin kapag ginawa mo ito?!Ha?!” Galit na galit na tanong ko sa kaniya.Pilit naman niya akong hinahawakan pero lumalayo ako sa kaniya at hinahampas ko ang kamay niya. Wala akong pakialam kong hikain ako pagkatapos nito ang importante sa akin ngayon ay mailabas ko ang galit ko sa kaniya kasi pakiramdam ko ay sasabog na ako sa galit at sa lahat ng problema na ito. “Baby, makinig ka muna sa akin please,”Nagsusumamong sabi niya at may tumutulo na ring luha sa kaniyang mata. “Ayoko!Bakit mo ba ginawa sa akin ito ha?! Eh ano kung makuha mo ako?! Iiwan mo rin lang naman ako tulad ng dati?!”patuloy ko pang sumbat sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo kahit na tumutulo ang kaniyang luha at natigilan din siya dahil sa aking sinabi. “Ano akala mo hindi ko alam na iiwan mo rin ako?! Nadinig ng dalawang tenga ko na sabi mo kay Papa ay magse-seaman ka ulit!Ano iyon babalik mo ulit ang loob ko sa’yo tapos iiwan mo na lang ulit ako ng hindi ka nagpapaalam?! Ayoko na Iann! Ayoko ng maiwan nakakasawa na!”Humagulgol na sambit ko sa kaniya at wala na akong lakas na itulak siya ng mahawakan niya ako sa aking magkabilang pisngi at tinitigan niya ako sa mata. “Baby makinig ka, hindi na kita iiwan muli at kung ano man ang narinig mo sa pag-uusap namin ni Tito Edward ay mali ang pagkaka-intindi mo,” Malumanay na paliwanag niya habang hinahaplos ang magkabilang pisngi ko gamit ang kaniyang hinlalaki at inaalis din niya ang mga luha na tumulo sa aking mata. “Oo babalik ako sa aking trabaho pero hindi ibig sabihin na iiwan kitang muli at sasakay na akong muli sa barko, magta-trabaho ako bilang taga-pamahala ng kompanya na iniwan ni Papa sa amin. Hindi na kita iiwan muli hindi ba ipinangako ko na iyan sa’yo?” Malambing na tanong niya sa akin. At dahil sa sinabi niyang iyon ay nabawasan na ang bigat ng aking dibdib. “Paano ako makakasiguro na totoo iyang sinabi mo, eh sinungaling ka naman eh sabi mo nga dati dadating ka sa birthday ko pero malaman-laman ko eh umalis ka na at iniwan mo na ako.” Sumisinghot-singhot na panunumbat ko pa sa kaniya. “Baby iyon naman ang una at huling pagsisinungaling ko sa’yo bakit dati ba may natandaan kang nagsinungaling ako sa’yo maliban doon?” tanong niya sa akin. Napaisip ako sa kaniyang sinabi at ayon nga sa aking pagkakatanda ay iyon lang ang una niyang pagsisinungaling sa akin. Kaya nga hindi ako sumuko noon sa pag-iintay sa kaniya kasi alam kong tumutupad siya lagi sa kaniyang pangako at hindi siya nagsisinungaling sa akin. “Wala!” sagot ko. “O hindi ba nagsasabi ako ng totoo ‘tsaka,”may inabot siya mula sa bulsa ng pantalon niya na nasa ibabaw kama”Ito oh kaya nga ginawa ko ito kasi ng wala ng mahabang ligawan pa dahil akin ka na at sa’yong-sa’yo rin ako,”inilagay niya ang isang engagement ring sa aking palasingsingan at hinalikan niya ang kamay kong may singsing. “I love you,”Malambing na sabi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD