"ISA ba sa inyo ang pumatay kay Patrick? Kayong tatlo ang humabol sa kanya, diba?" tanong ni Portia kina Aldous, Renz at Yvette. Nasa bahay sila ng una. "I don't know. Basta nang hindi na namin siya nakita, naghiwa-hiwalay na kami. `Di ba, guys?" sagot ni Yvette na sinang-ayunan agad ng dalawa. Hindi na nagsalita pa si Portia. Palaisipan talaga sa kanya ang pagkamatay ni Patrick. OKUPADO ang isipan ni Fely nang umupo siya sa kanyang table sa faculty. Isang linggo na pala ang nakakalipas simula nang mamatay si Patrick. Hanggang ngayon ay wala pa ring suspek sa pagpaslang dito. Marami ang haka-haka ngunit walang kahit isa ang makapagpatunay. Noong isang linggo lang din ay nakapagbigay na siya ng hibla ng buhok ni Mama Fatima niya sa mga pulis. Iyon ay upang malaman niya kung mag ma-match

