MALAMIG. Nakapikit si Fely ngunit gising ang kanyang diwa. Hindi niya alam kung nasaan siya ngunit talagang malamig. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagulat siya nang malaman niyang nasa ilalim siya ng tubig. Nararamdaman niya na kinakapos na siya ng hininga kaya lumangoy siya paibabaw. Habol ang hininga niya nang umultaw na ang kanyang ulo sa tubig. Ikinampay niya ang kanyang kamay kasabay ng bahagyang pagpadyak ng kanyang mga paa upang manatiling nakalutang sa tubig. Pamilyar sa kanya ang kinaroroonan niya--- ito iyong balon kung saan niya nakuha iyong kalansay! Anong ginagawa niya dito? Papaano siya napunta sa balon? Pagtingin niya sa itaas ay may nakita siyang taong nakasilip. Hindi niya mawari kung sino ito. Hindi niya masabi kung babae ba ito lalaki dahil sa madilim. "T-

