SIGURADO na si Fely na si Jorge ang kaluluwang gumagambala sa kanya. Noong una pa lamang ay napaka-misteryoso na ng pagkatao nito. Tila ang dami nitong alam. Kailangan na niyang patigilin ito sa pang-gugulo sa kanya dahil hindi siya makakapag-concentrate sa paghahanap sa bangkay ni Ruvina kung palagi siya nitong ginugulo! Ayon kay Lola Tasing ay kailangang maalalang muli ni Jorge kung paano ito namatay at iyon ang kanyang gagawin. NANGINGINIG ang mga kamay niya habang nakadungaw siya sa ibaba mula sa roof top. Mataas. Siguradong mamamatay siya oras na tumalon siya mula sa roof top. Pumakabila siya sa railings upang ihanda ang sarili sa gagawin niyang pagtalon mula roon. Hindi na niya kaya! Gusto na niyang wakasan ang kanyang buhay. Dahan-dahan ay lumuwag ang kamay niya sa pagkakahawak s

