Chapter 4 Jeannette POV
Hindi ko kayang magtagal dito, bukas na bukas ay aalis ako magpapaalam ako ng maayos kesa sa tuluyan akong mawalan ng ulirat .
Agad akong bumangon at tinungo ang pinto.
Muntik ng lumuwa ang puso ko sa gulat nang pagbukas koy nandoon siya nakatayo at matamang nakatitig sa akin, kung nung unay halos ma statwa ako ,ngayoy d ko na dama ang mga paa ko, waring namamanhid ang bou kong katawan dulot ng pagsalubong ko ng mga titig niya. Hindi ako makapag salita, ang lapit lapit niya sa akin, sa unang pagkakataon ay nakita kong muli ang pag aalala sa knyang mga mata , napapitlag nalang ako nang hawakan niya ang aking noo.
"You don't feel well, You're having a fever"
Kunot noo niyang sabi, sumilay ang kagalakan sa nalilito kong puso, para akong kinuryente nang maramdaman ko ang palad niyang pinatong saking noo. Nag sasalita siya ngunit d ko na maintindihan unti unting lumalabo ang paligid at nararamdaman kong nawawalan ng lakas ang aking mga paa, matutumba ako, napapikit nalang ako ng tuluyan ko ng maramdaman ang malalakas niyang mga bisig na yumayapos sa akin, damang dama ko ang init ng kanyang katawan at mabagal niyang pag hinga kasabay non ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso
"Iniii--wan mo ko" mahina kong sabi at
yun ang huli kong sambit bago tuluyang mawalan ng malay.