Chapter 15

3924 Words
Nema Mahihinang yugyog sa balikat ko ang nagpagising sa akin. Kinusot ko ang mga mata ko. What's just happened? Unang nakita ko mukha ni Andrie nakangiti siya sa akin.. I mentally cursed my self. Ang guwapo talaga ng lalaking ito. Lalo pa yatang nadagdagan pagiging gwapo nito. Kaya halos kabaliwan sya ng halos lahat ng babae sa school campus noon dahil he had it all,looks wealth and Charisma. Naalala ko si Angelo sa kanya. Andrie is older version of my son Tumikhim siya kaya nahimasmasan Ako sa tila mahikang biglang bumalot sa akin ng masilayan ko Ang mukha nya. Mabilis akong napatuwid ng upo. Oh my god! I slept at sa balikat pa niya. "Fix your self we just arrived" Mabilis kung inayos sarili ko. Di ko alam gaano katagal ako natulog sa balikat niya. I think it's long enough para di ko namalayang dumating na kami. Ang natatandaan ko sobrang takot ko kanina habang umaangat ang sinasakyan naming chopper pataas ng pataas . Nalulula ako at bumabaliktad ang sikmura ko habang paliit ng paliit mga nakikita ko sa baba. Nanlamig uli ang pakiramdam ko Kaya ipinikit ko ang mga mata ko Natatandaan ko. Hinila ako ni Andrie sa balikat niya. Hawak niya ng mahigpit kamay ko Kaya unti unti nawala ang takot na nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob..hanggang tuluyan kong maramdaman na tinatangay ako ng dilim. Inilibot ko ang paningin ko. Nasa airport kami kung di ako nagkakamali. Mabilis kung tinanggal ang setbelt ko nagtataka ako dahil wala na akong headset. Di ko natatandaang tinanggal ko yun. Nauna ng bumaba si Andrie. Dala dala nito ang laptop ko at mga gamit ko.. I took a heavy sigh. Recently puro buntong hininga na lang ang nagagawa ko Pakiramdam ko para akong isang plastic na bote na tinatangay ng agos. Wala akong nagagawa sa sitwasyon ko dahil wala akong choice. Just like before, Bakit sa mga katulad kung mahirap mailap Ang salitang choices? Bumaba ako at sumunod sa kanya Kinausap niya sandali ang dalawang pilot at nagbigay siya ng instructions sa mga ito panay lang ang tango ng dalawa. I just wondering sadyang may mga taong isinilang tulad niyang mula ng magkaisip hanggang ngayon mga utos lang ang sinusunod at pinakikinggan ng karamihan. Pagkatapos ng pag uusap nila nilingon niya ako may lalaking lumapit sa amin ibinigay niya dito ang mga gamit ko. Mabilis na dinala ito ng lalaki sa naka parking na Toyota FJ Land Cruiser.  Iba talaga ang impluwensiya ng mga Lorenzo. Kahit saan yata sa dulo ng mundo sila pumunta may mga alagad silang nakasunod at handang magsilbi sa kanila. Hindi lingid sa akin kung ano ang estado ng mga Lorenzo sa Lipunan. They basically owned the Multi Billion Business Empire globally. His Father, Michael John Lorenzo is Known for being ruthless business tycoon. Nagulat pa ako mula sa malalim na pag iisip when Andrie grabbed my waist. Hinila niya ako palapit sa naghihintay at nakabukas na sasakyan. "Hop in hahatid tayo sa Port then we will going to ride a boat to the project location" Tumango lang ako. Akala ko ba 3 hectares beachline ang sabi niya. Expected ko sa Coron proper tlga yun dahil ayon sa kanya Coron Palawan. How come na nandito kami sa Busuanga? Nagresearch ako regarding Coron ganun ako pag dating sa Project location. Nagrereseach tlga ako para may sapat akong kaalaman. The Ride towards the port was quite a Journey. I think saka na ako magtatanong releted sa trabaho pag dumating na kami. It's 10 mins drive papunta sa Port. Kaya saglit lng dumating na kami. Mabilis na bumaba si Andrie at binuksan ang pintuan sa side ko. Namangha ako pagbaba ko. Di ko alam na ganito kaganda ang dagat sa Busuanga Palawan. Maliit lng ang port. Kinuha niya sa backseat ang laptop ko at mga gamit ko. May naghihintay na speedboat sa amin. Binati ng lalaki si Andrie . Ngumiti lng ito at nilingon ako Inilahad nito ang kamay sa akin.. Atubili pa akong abutin ito. Aware akong di maganda ang dulot ng pagkakaroon namin ng connection through body contact Dahil tinatraydor ako ng sarili kong katawan. Binalaan ko na ang sarili ko ano man ang nararamdaman ko sa lalaking ito kailangan kong pigilan For pete's sake! Ikakasal na ito. 'COME HERE NEMA" Malamig nitong sabi sa akin. Andrie has his Duality attitude.one moment I can see the passion towards his eyes and the next thing parang malamig pa sa iceberg Ang mga tingin nito. Napilitan akong abutin mga kamay niya para makasakay ako sa Speedboat.. Pagsampa na pagsampa ko sa boat mabilis kung hinila ang kamay ko. Nakita kong lalong dumilim at lumamig ang awra nito. Di ko siya pinansin sa halip itinuon ko pansin ko sa mga maliliit na islang natatanaw ko sa unahan Ipinasya kong umupo kinuha ko sa bag ko ang camera ko. Kailangan ko ito para makakuha ako ng shots sa location. Isinukbit ko sa leeg ko ang camera Aware akong nakatingin lang sa mga kilos ko si Andrie nakikita ko ito sa sulok ng mata ko "How long it takes to arrived on the exact location? "30 minutes Miss Sandoval " Medyo malakas na sigaw nito sa akin dahil medyo may kalakasan Ang engine ng Speedboat. "So its quite far from Busuanga Proper?" Tanong ko uli. "Yes" "I thought the location is in Coron" "Yes sa Coron nga the location is part of coron kaya lang walang Airport sa Coron at busuanga ang pinakamalapit na Airport dito " " I see" Di na kami nag usap uli dahil halos di kami magkarinigan dahil sa engine ng Speedboat. Nilanghap ko ang sariwang hangin.. So fresh. Nakakamiss ang ganito. Kailan ba ako huling lumanghap ng sariwang hangin na ganito mula sa dagat? Mula ng pumunta ako sa America wala na sa agenda ko ang salitang unwind at pamamasyal. Kahit na buntis ako noon. Nag aral pa din ako. sa huling semester ko sa 3rd Year college Tumigil muna ako dahil malaki na tiyan ko. Tumaggap ako ng Online Tutoral. Habang nasa bahay ako. Sobrang hirap ng kalagayan ko noon Pero di ako isinuko ni anti arlene Nang makapanganak ako. Nagpatuloy ako sa pag aaral Gabi ang kinuha kong schedule Wala kasing mag aalaga kay Angelo noon maliit pa siya at di ko pwdeng basta basta iwan lang. Kaya si Anti naman ang nag aalaga sa kanya sa gabi habang may pasok ak since Maghapon ang trabaho niya. After almost 30 mins may natatanaw na akong puting buhangin at kulay berdeng maliit na isla.  Kinuha ko ang Camera ko. I took different shots. Lalo pa akong namangha ng mapalapit na kami. This is Paradise in Earth! Di ko mapigilang mapamangha. Pagdaong pagdaong namin mabilis akong bumaba. Inilibot ko ang mga mata ko sa paraisong nasa harapan ko.  Ang ipinakitang picture ni Andrie sa akin noon sa laptop nya ay kuha dito. 'This beautiful 50-hectare island is known as the jewel of Busuanga's bays I bought this Property about 6 months Ago worh of 200 million pesos" Andrie said. Nasa likod ko na pla sya diko kasi namalayan dahil nalibang ako sa ganda ng lugar. It's a Heaven in Earth. Napalingon ako. Namangha ako sa lawak nito at namangha ako sa halaga nito. Pero mas namangha ako sa kay Andrie gusto kong matawa dahil bitbit nito ang mga gamit ko. Dahil sa sobrang excitement nakalimutan ko ng ibaba. Kinuha ko sa kanya ang sketch pad ko.. "So Mr. LORENZO what is your plan" "As i've said I want to built a Vacation House here probably 5 to 5 Villas with cottages and complete facilities" Inilobot ko uli ang mga mata ko sa kabuan ng isla. I mentally imaginating the possible Place to built the said Villas. "I want a modern designs Miss Sandoval kaya sayo ko ibinigay ang project na ito dahil nakita ko ang mga nagawa muna and it's Quite Impressive" Di ako sumagot because back on my mind. I'm visualizing the scenario. I'm currently thinking about the possible lay out and designs when suddenly he ask me a question. "Do you really wanna know Ms.Sandoval bakit gusto kong especial ang project na ito para sa akin?" "Why?" Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Dahil kahit di niya sabihin alam ko na ang kasagutan. "Because It will be my wedding Venue" Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. I swallowed hard. Then i cleared my throat. Biglang sumakit ang bahagi ng dibdib ko. But I'm not gonna show it to him. Never! Ngumiti ako. Kahit masakit pinilit kong maging masaya. He is my client and he is my boss! And this is part of my job. "Well Congratulations in Advance Mr.Lorenzo Wish you all the best, Dont worry..I'll do my best to to meet your expectations and I'll make your Wedding venue perfect" Masigla kung sagot sa kanya binigyan ko sya ng matamis na ngiti at mabilis akong tumalikod. Baka makita nya ang mga luhang nagbabadyang bumagsak Mula sa mga mata ko ang hirap pa lng magsalita ng kasinungalingan kong iba naman ang sinasabi ng nasa puso mo. Mabilis akong naglakad sa ibang bahagi ng Isla. "You don't really care do you?! Narinig kong sigaw niya .kahit malakas ang hampas ng alon narinig ko pa din yun. Napilitan akong huminto at nilingon ko siya. Madilim ang mukha nito habang nakatingin sa akin.. Ano ang dapat kong isagot? I do care because i love him? I do care because I feel hurt right now? but showing him,that I am hurt and affected would be the last thing on mind.. hinding hindi ko ipapakita sa kanyang nasasaktan ako I cry for him 5 years ago. That night na umalis ako papuntang America. I cried a bucket of tears for John Andrie. Because I knew..some parts of my heart, I left with him. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ano ba ang pinagsasabi nito? He is getting married. At ayaw ko ng makialam. Trabaho kaya nandito ako. Yun ang itatak ko dapat sa utak ko. Once again. I took a very deep breath para maibsan ang paninikip ng dibdib ko. Pero nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa mga balikat ko iniharap ako. I saw Andrie's gaze. He is looking at me intensely. Without any warning. His lips collide mine. Nanlaki ang mga mata ko.. Pilit kong siyang itinutulak pero unti unti para akong nanlalambot. Until i found myself responding. Unti unti kong nabitiwan ang pen at sketch pad na hawak ko at bumagsak sa buhangin. My hand is voluntarily holding into the back of his head. Ano ba ginagawa ko? He is getting married! Shit! Sa huling naisip ko..bigla akong natauhan para akong binuhusan ng nag yeyelong tubig. Inipon ko lakas ko at mabilis na kumalas sa kanya..hindi niya napaghandaan yon kaya nabitawan niya ako. "This is All wrong" Di natin dapat ginawa toh Mabilis kong pinulot ang pen at sketch pad ko. Walang lingon akong naglakad. I want to slap my self for being so weak and stupid. Wake up Nemalyn. Dreams are far from Reality. And John Andrie was part of your dream. ❤❤❤️ Nema It's been a week mula ng manggaling kami sa Palawan. All in all di naman exactly nalibot ko ang boung isla dahil may kalawakan ito pero Nakabuo na ako ng scenario sa isip ko kung paano execute ang plano at designs. After the kissing incident between Andrie and Me. Pinilit ko ng umiwas Nakikipag usap lang ako pag regarding sa project Ayaw ko ng makipag usap regarding sa past namin yes natatandaan niya yun? What's the point? Past is Past. Kaya idinistansya ko sarili ko dahil alam ko pag natangay ako. Ako lang yung masasaktan I'm just being realistic! Wala kaming imikan hanggang pag uwi namin. Siguro na realized niya ang sinabi kong di tama ang ginagawa namin. Ipinikit ko nga mata sa boung biyahe namin mula Busuanga hanggang Manila. I was bit scared and nervous but they said to conquer your fears you must face it.. Kapansin pansin din pananahimik ni Andrie. Di rin ako kinausap sa kabuuan ng biyahe namin. Tahimik lang din ito walang emosyon ang mukha at laging tikom lng ang mga labi nito. Di ko alam kung ano ang nasa isip nito.. Although He keep gazing at me the entired trip. Nagkaroon lng kami ng conversation nung dumating kami sa helipad. He was insisting na ipahatid ako pero tumanggi ako. Dahil ayaw ko ngang magkaroon siya ng access sa sekreto ko about Angelo. Isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho Sketching ,designing and planning. Kailangan kong matapos ang drafts dahil next week na ang nakatakdang presentation ko kumakalam sikmura ko Ni di ko napansin na di na pala ako kumain ng lunch. Di ko namalayan ang paglipas ng oras. Maybe because I'm too busy and my mind was occupied by so many things. Wala si Cass na kasama ko kumakain ng lunch sa Company Canteen. I'm so thankful for Cass. She helped me out. Her idea was brilliant. Pero 3 days na siyang out of town kasama sila ng mga Senior Architects At boung team nila pumunta sa Doha Qatar. JAL won a Bid for Multi-billion Shopping mall project sa Doha Qatar And Cassandra was one of the selected Architect na kasama sa team ng JAL. Nakakalulang project kaya masayang masaya ako para kay Cass she deserves that. Being an architect isang karangalan na magkaroon ka ng project international.. Napabuntong hininga ako..habang nakatingin sa monitor di na gumagana ang utak ko dahil siguro sa gutom. I almost finish the third and last draft Naka schedule ang presentation next week kaya kailangan kong galingan ang trabaho. Since solo ko ang project solo ko lahat ng paghahanda sa presentation From slides to notes.. It's my first project ever here in JAL. On that presentation.. I need to present the drafts ,Illustrate and generate the design proposals to the board and to the Engineers. Ilang beses na ako dumaan sa presentation sa previous work ko sa Ohio Mostly mga big project yun. Pero ngayon kabado ako. What if di nila magustuhan ang mga designs ko at ang mismong proposal projects lalong lalo na si Andrie. Kaya kahit sa bahay dala dala ko parin ang trabaho ko..l Behaved naman si Angelo. Never niya ako binigyan ng sakit sa ulo. Tuwang tuwa ito dahil may bago daw siyang kaibigan sa school na nagbigay sa kanya ng maraming laruan.. Sabi niya kamukha pa nga daw ni Captain America.. Nakakatuwa ang pagiging obsessed ng anak ko kay Chris Evans. Well who doesn't?? Dahil naging sobrang busy ko na nawalan na ako ng panahong alamin sino ang bago niyang kaibigan.. I blow a heavy air out of my lungs. Nakakapreassure yung ganito Tapos may gumugulo pa sa isipan ko. Di ko maintindihan ang sarili ko part of it parang gusto kong makita si Andrie. Did I miss him? Naalala ko ang kissing scene namin sa Palawan. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. All these years.. Lagi kong itinatanong sa sarili ko kong magkakaroon pa ba ako ng isa pang chance na mahalikan ng mga labing yun. Well..Nagkaroon nga ako pero alam kong mali yun.hindi tama dahil ikakasal na siya. Tiningnan ko ang orasan sa phone ko.. 4:00pm na. Ipinasya kong iligpit ang mga gamit ko. Uwi na ako. Nag promise ako kay Angelo ipagluluto ko siya ng spaghettie Ayaw kong nagtampo siya sa akin.. At isa pa kailangan ko munang dumaan sa Puregold para bumili ng mga sangkap para sa Spaghettie. Mabilis akong sumakay ng elevator Baka gabihin ako.. Ang haba pa naman ng pila sa MRT. Kung magbubus ako aabutin ako ng siyam siyam bago makarating sa Quezon city dahil sa bumper to bumper na trapik sa kahabaan ng EDSA.. Ngumiti ako sa dalawang guard ng papalabas na ako sa building.. Medyo kalayuan din kasi ang JAL sa Ayala MRT Station kaya kailangan sumakay ng taxi hanggang doon.. I'm about to call the incoming taxi when all of a sudden isang itim na sports car ang huminto sa harapan ko..  Aston Martin! Mabilis na bumaba ang driver. It's him.. Andrie Lorenzo.. Di ko maintindihan ang sarili ko. Samot sariling emosyon na nman ang lumukob sa akin. After sa PALAWAN ngayon lang uli kami nagkitavmag iisang linggo na yun.. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko.. For Seconds magka ugnay lang ang mga mata namin. "Get in the car Nemalyn" Malamig niyang sabi With an authoritive aura..habang papalapit siya sa akin. Parang de javu lang ang nangyari. Naulit lang yung unang beses na sinundo niya ako sa cafe shop sa harap ng University namin noon para pumunta kami sa Tagaytay. "No It's Ok..I can manage" Tanggi ko hinding hindi ako sasakay at magpapahatid sa kanya.. Baka tuluyan ng mangyari ang kinatatakutan ko.. Ayaw na ayaw kong magkaroon siya ng access sa anak namin. Pero salubong ang kilay nito at mabilis na kinuha sa mga kamay ko mga gamit ko.. Itinapon nito sa likod ng driver's seat.. Kaya wala akong nagawa. Atubili akong sumakay sa kakabukas niyang pintuan ng Passenger side.. Mabilis itong sumakay at walang salitang nagdrive.. "Just drop me there at Ayala station sakay na lang ako ng MRT" Di pa din ito umiimik. Ni hindi nga ako nilingon man lang.. Nagpapanic na ako. Di niya ako pwedeng ihatid.. Pumikit ako at sumandal. Pilit akong nag iisip ng pwde kong idahilan para malusutan ko ang sitwasyon.. Think Nema..Think! Nakahinga ako ng maluwang ng huminto kami sa isang Restaurant.. Walang salitang bumaba ito sa sasakyan at mabilis na binuksan ang pintuan sa side ko.. Mabilis akong bumaba.. Sumunod na lang ako sa kanya Sinalubong kami ng isang lalaki. nakangiti ito habang inaakay kami sa isang pang dalawahang mesa. The place is quite Cozy. malamig sa mata ang ambience.. Mukhang very private na tao lang ang mga customer at mga bigatin.  Inabutan kami ng tig isang menu ng waiter.. Atubili kong binuksan ang sa akin Ano naman kasi pwde ko iorder sa ganitong oras halos lumuwa ang mata ko sa presyo ng mga pagkain. " Don't bother,I'll order yours" Di ko siya pinansin ngumiti ako ng matamis sa waiter na nakatayo.. "I'll take one Espresso regular with rapsberry cheese cake thats All..thank you" Tumango ang waiter at isinulat ang order ko.. "2 orders of chicken Panini - Oven-roasted chicken breast topped with smoked Gouda cheese, bacon & special sauce on sourdough bread. Kung anu ano pa ang inorder nito at bawat order ay dalawa.. Seriously? Paano niya maauubos yon? Magalang na nagpaalam ang waiter Nang makuha lahat ng orders namin.. "So Miss Sandoval How is the Project? Tumingin ako sa kanya ng diretso. "So far so Good.. It almost done..Actually I've already finish the First draft..and the Second draft and the third i think by this weekend matatapos ko na din.." Tumango lang ito habang nakasandal sa upuan nito. He is staring at me with a smirk from the corner of his damn sexy lips Bigla akong nakaramdam ng kaba Pilit kong pinapatatag ang sarili ko.. I know he is trying to intimidate me.. "If you want i can show you the two designs so if you dont like it i can still change it" 'Dont bother Nemalyn I can wait until the presentation" He sit straight dahil dumating na mga order namin.. At sa dami ng pagkain nagulat ako.. "Eat your lunch Nema its late I dont know whats wrong with you and you even skipping your lunch" For a second di ako nakaimik.. Paano niya nalaman na di pa ako kumakain ng lunch.. Di naman sa balak kong mag hunger strike.. Nakalimutan ko lng talaga kanina dahil may hinahabol akong deadline sa sarili ko.. Ganun ako pagdating sa work. I'm setting a deadline for my self.. I took a heavy breath Dahil gutom ako di na lng ako umimik Ipinasya kong kumain para wala ng maraming usapan.. Paminsan minsan napapasulyap alo sa kanya.. God. Through the years Lalo yatang naging gwapo ang lalaking ito. Everything he did.. He look so sexy.. Even on his easting gesture... "You can stare me as long as you want Nemalyn It's free" Bigla nitong sabi sa akin. Nahuli niya yata ako sa panaka nakang pagsulyap ko sa kanya habang ngumunguya ito. Nakaramdam ako ng hiya. Feeling ko dulo lng ng buhok ko di namula.. "I'm not staring" Depensa ko sa sarili ko.. "OK sinabi mo eh" Ngumisi ito at uminom ng tubig.. "So Nema..How are you after all these years?" Bigla akong inatake ng kaba. Heto yung iniiwasan ko ang magkaroon kami ng topic regarding sa past namin.. "Good" I answered quickly and short. "So why you left that day? Tanong nito uli. matagal bago ako sumagot..nag isip muna Ako. "It's according to my Plan Mr.Lorenzo everything was settled bago nag cross ang landas natin" "So kaya pala pinapaniwala mo akong ibibigay mo ang passport mo sa akin sa School" He drop his fork and knife suddenly. He is looking at me intensly. "What's the big deal about it Mr.lorenzo? As far as we remember we dont have any relationship.ayaw ko ng ulitin ang dahilan kaya tayo umabot sa ganung sitwasyon dahil alam kong alam mo naman ang dahilan diba? Nakita kong naikuyom niya ang kamao sa mesa.. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa akin.. "Keep your mouth shut Nemalyn" Mariin nitong sabi sa akin. Nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya nasa mukha nito ang pagbabanta.. Ibinaba ko ang knife at fork na hawak ko nawalan ako bigla ng gana.. Ano ba ang problema niya. Bakit pinipilit pa niyang balikan ang nangyari sa amin 5 years ago.. Mabilis akong kumuha ng pera sa bag ko at inilapag sa mesa.. It's 2,000 pesos.. Iiwan ko talaga siya.. Pagkakataon ko ng makatakas sa kanya, Mag wawalk out queen ako. Nagbabaga ang tingin nito sa perang nilapag ko sa mesa.. "I'll go ahead Mr.Lorenzo thank you for the ride and for the lunch" Dinampot ko ang purse bag ko.. "Try to walk from me even one step Nemalyn..I'm telling you..Di mo magugustuhan ang magiging consequenses" Nakipag sukatan ako ng titig sa kanya.. Kung mayron man akong natutunan mula ng tumira ako sa USA yun ay ang pagiging fighter ko. Inaamin ko nanghihina ako pagdating sa kanya pero kailangan kong lumaban para sa anak ko.. "5 years ago I already suffered from the consequences Mr. LORENZO Nothing's is new" Ngumisi ito at mabilis na tumayo dinampot nito ang 2000 bill sa mesa at mabilis na hinablot ang pulso ko. Tinawag niya ang Waiter.. Mabilis pa sa kidlat ang waiter ng lumapit sa amin. "SIR" "Sabihin mo kay Matt singilin ako personally sa mga charges namin dito" "Yes Sir" Ngumiti at tumango ang waiter.. Mabilis niya akong hinila palabas ng restaurant. "Bitiwan mo nga ako" Pilit kong hinihila ang kamay ko dahil masakit na sa higpit ng pagkakahawak nito. Parang wala itong narinig mabilis nitong binuksan ang pintuan at itinulak ako papasok.. Mabilis itong sumakay at pinaharurot ang sasakyan.. "Ibaba mo ako.uuwi na ako" Singhal ko sa kanya gusto ko ng maiyak. Samot sariling emosyon na nararamdaman ko.. "Shut up" Mariin nitong lingon sa akin.. "You told me while ago..you already suffered the consequences back then and there's nothing new about it..So let me tell you there's more additional Nemalyn..you want to try it? Umurong ang dila ko bigla akong napipi sa mga sinabi niya.. From his cold and mad stare..bigla itong napalitan ng lust.. And he is smirking at me Nanghina ang mga tuhod ko. I'm so dead. seriously dead
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD