Nagmamadali akong umuwi sa apartment at naghanda ng ilang damit ko. Mabuti na lamang talaga at hinatid ako ni Kylie. Hinihintay niya rin ako, hindi ko alam kung anong anghel ang bumulong sa kan’ya at sobrang bait niya sa akin ngayon. Siguro nga ay ginagawa niya lang talaga ito para kay Sanjoe pero kahit ano pa mang dahilan niya ay nagpapasalamat ako. “Magpapaalam lang muna ako sa kapatid ko,” sambit ko habang nasa sasakyan kami ni Kylie. Tinaasan niya ako ng kilay pero pinagbigyan naman niya ako. Alam ko namang kakayanin na ni Sanya ang ilang araw o linggo na wala ako. Araw- araw ko naman siyang tatawagan sa mga araw na wala ako. Nang makarating na kami sa eskuwelahan ni Sanya ay nakiusap ako sa guard na papasukin ako para makausap ko sandali ang kapatid ko. Mabuti na lang at pwede nam

