Tila nakakulong ako sa isang silid at unti-unti iyong sumisikip, nauubos ang hangin na pwede kong langhapin. Hindi ako makahinga habang nakikita ko ang mukha ni Freed sa malaking tarpaulin na nasa harapan ng mansyon. “What’s wrong with you?” Nag-aalala nang tanong ni Kylie. Litong-lito itong lumapit sa akin, pilit niya akong tinayo mula sa pagkakabagsak ko. Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya, patuloy lamang ako sa aking pag-iyak. Ang sakit-sakit, b-bakit naman ganito magbiro ang tadhana? Bakit naman tila ba tuwang-tuwa ang tadhana na pagluan ang buhay ko? “Ano bang problema?” Mahinahon nang tanong ni Kylie nang maitayo na niya ako. “S-Si Freed…” sambit ko sa pagitan ng aking mga hikbi. Kumunot ang noo niya, tila ba hindi niya nauunawaan ang sinabi ko. “Oo nga si Tito Freed na

