Miguel “Hoy! Ano ba?!” Hindi ko siya pinansin at saka nauna na. Kanina pa iyang babae na iyan talak nang talak. “Hindi mo talaga ako papansinin?” Bahala ka riyan. Ayaw ko talaga sa lahat iyong nabibitin ako. Sa lahat ng oras, ngayon pa talaga kung kailan may alone time kami. Bwisit talaga! “Miguel kasi!” Naiinis na siya sa akin. Eh sa naiinis din ako sa kaniya. “Hoy! Sige, huwag mo akong pansinin,” pagbabanta pa niya. Maya-maya ay wala na akong marinig na nagrereklamo mula sa likuran ko. Ayaw ko man pero marahan ko siyang nilingon para malaman kung ayos lang ba siya. Napasimangot na lamang ako nang makita na nasa grupo siya ng mga kalalakihan. Kinakausap siya at tingin ko ay nais magpa-picture sa kaniya. Halos takbuhin ko ang pagitan namin. “Can we take a picture?” “Uh-” ngu

