Bryar Hapon na at balak muli naming magliwaliw ni Miguel sa dagat. Nagdadalawang-isip pa ako dahil nga nariyan na naman si Paulo. Mabuti na lamang at naisip ko sina France na yayain ngayong araw para hindi kami mahalata. “Why are you distancing yourself to Miguel, Bry?” Napansin na yata ni France ang aking inaakto. Walang kibo lamang si Miguel habang nakaupo kami sa sun lounger. Katabi ko si France, tapos ang asawa niya saka si Miguel sa kabilang dulo. “Paulo saw us kanina noong umuwi tayo galing sa pagbili ng mga souvenirs.” Napatagilid siya, paharap sa akin. “Seryoso?” “Yes. Seryoso ako.” “Oh sh*t! Anong sinabi mo?” “That I am in a vacation with my family. Tapos nagpaalam na rin ako kaagad dahil diba, masama ang timpla ng lalaking iyan kanina.” Ibinulong ko lamang iyon at saka

