Chapter 6: First Crush

1687 Words
Miguel "Go team! Go fight!" Matapos naming sabay-sabay na isigaw iyon ay itinaas namin ang mga kanang kamay namin na kanina lang ay magkaka-patong habang nakabuo ng isang malaking bilog. Pumito na ang referee tanda na simula na ng laro. Pasok ako sa first six kung kaya ay maglalaro na ako agad. Unang araw ng sports fest at may schedule na kami agad. Inilibot ko muna ang paningin ko at nakita ang barkada namin sa isang sulok at may mga dala pa silang popcorn at drinks. Ano ba naman ang mga 'yan. Aakalain mong manunuod lang ng sine. Ang lalakas ng trip. Killian is now with them dahil bukas pa ang laro nila. May isa pa akong inaasahan na susuporta sa laro ko pero mukhang wala naman siya. Nangako pa ang bratinella na iyon tapos wala naman. Samantalang hindi na magkamayaw sa sigawan ang paligid. Kalaban namin ay ang Engineering department. Isa sila sa magagaling sa sports sa buong University pero dahil gwapo ako, hindi nila kami matatalo. Noong simula ay natambakan na nila kami nang ilang puntos pero dahil nga sa gwapo ako ay nanalo kami sa unang game. Naglinis muna ako bago nagtungo sa kung nasaan ang tropa. Hinihintay nila ako. Oo, ganyan sila ka-sweet sa akin. "Saan na tayo?" Salubong ko ng makarating sa pwesto nila. "Maglilibot lang kung saan may magandang ganap, pre," Juan answered me. Siya ang nasa dulo kaya tumabi ako sa kaniya. Sa kanilang lahat, maliban kay Killian, siya ang pinaka-close ko. Maiinggit ang ibang tropa pero siya ang tinuturing kong best friend. He is a very down to earth man but I know how how he is sad inside. I know his story. But still, it's my story to tell. I hope one day, he'll be complete again. Inakbayan ko siya at humarap, nilingon silang lahat na nakahilerang nakaupo sa pinakababa ng bleachers. "Hindi niyo ba ako iko-congratulate mga pangit?" "Sino ka?" tanong ni Killian. Siraulo talaga ang isang ito. Pinsan ko ba talaga siya? Ni minsan ay hindi man lang ako sinuportahan nito. Nakakasakit sa puso. "Walang dahilan para i-congratulate ka Miggylito," pakikisali naman ni Lothaire. Isa pa ito. Tumawa lang ang natira. Natawa na lamang din ako at minura sila. Wala talaga akong mapapala sa mga ito. "Anyway, bakit hindi pa tayo lumalakad? Maglilibot pa tayo diba?" "May hinihintay pa," tugon ni Diego sa tanong ko. "Who?" Nagkibit-balikat na lamang si Diego. Ang gandang kausap grabe. Nasisira ang kagwapuhan ko dahil sa mga ito. "Oh, andyan na pala 'yung kapatid mo pre. Hindi niya yata kasama ang kaklase niya?" Dalton said to Killian. Tumayo ang pinsan ko at sinundo si Bryar sa may entrance. Kumaway pa ang babae na may malaking ngiti sa labi. Ang saya-saya niya, hindi naman nanuod ng laro ko. Siya pa ang nagsabi na manunuod siya. Gusto kong magtampo pero masisira naman ang ka-gwapuhan ko dahil doon kaya, huwag na. She is wearing a high-waist denim pants and a white fitted top with a black boots as her shoes. Naka-bag rin siya na Hawk backpack na kulay pink at blue. Pati sa pagsusuot ay halata na agad ang kaartehan niya. Napa-ismid naman ako at umirap nang pa-sikreto. Sumunod na rin kami dahil wala naman na kaming gagawin pa rito. Nang makalapit si Killian ay hinalikan siya ni Bry sa pisngi. Inakabayan siya ng kuya niya at hinarap sa amin. She knows the boys already because every time we will have a celebration at home, they are always invited. Masyadong malalakas kina Tita at kay Mom. Lagi pang may mga pabalot kapag umuuwi. Ang kakapal. "Hi baby Bryar!" bati ni Dalton at akmang yayakapin si Bry ng hilahin ko ang damit niya at si Killian naman ay sinangga ang dibdib nito sa tangkang paglapit. "What the-" reklamo niya pa. Inismiran ko na lamang siya at sinangga sa balikat. Nagkaniya-kaniya namang bati sina Juan, Lothaire at Haines. "OMG, kuya Miguel!" Eksaheradang sigaw niya nang makita ako. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at hinintay ang sasabihin. Tampo ako pero hindi ko sasabihin. "Hindi ako nakapanuod ng game niyo. Hindi kasi kami agad pinayagan manuod dito," paliwanag niya. "It's okay," maiksi kong sagot dahil hindi ko naman alam ang isasagot sa kaniya at saka, naiintindihan ko naman. If that's the real reason, then I don't have any reason to get upset. "Did you won?" "Ano pang aasahan mo dyan? Talo sila Bry," sagot ng pa-epal na Killian at sinegundahan naman ng nga ulupong. Mga walang hiya! Bakit sila ang mga kaibigan ko? "Really?" Sa akin siya nakatingin ng isatinig niya iyon. "What do you think?" tanong ko pabalik, may kasungitan. "Why are you asking me? Eh hindi nga ako nakapanuod kaya malay ko ba," maarte niyang sagot at inirapan pa ako. Ang lakas talaga ng loob ng batang ito. Nagtawanan silang lahat. Pinapahiya pa niya ang kagwapuhan ko. "Manang-mana sayo yang kapatid mo Ki," komento ni Juan at dinilaan ako. Aba't! "Bryar lang sakalam," Lothaire commented playfully. "Nagpapapansin lang 'yan kasi napapalibutan na naman siya ng mga panget na kagaya niyo," nang-aasar kong sagot na damay silang lahat. Binatukan naman ako nang isa-isa ng mga ulupong. Matapos ang tagpong iyon ay lumakad na kami at naglibot. Ang mga booth ay nangangalat lang sa paligid. May nadaanan na kaming booths ng mga palaro pero dahil ang premyo lang din naman ay mga pagkain at teddy bears ay hindi na kami pumasok. Nang mapadaan kami sa department ng Technology ay may bigla na lamang humuli sa mga kasama ko. Naiwan lang kami ni Bryar. "Sorry po mga Kuya. Napagutusan lang po." At doon nalaman namin na Jail Booth pala ang kanila. Bwisit naman oh. Nakasuot kasi sila ng itim. Mga pangit talaga ang mga ito. Pare-parehas pa na mga nakaitim. Nakasuot ako ng gray na damit at puti naman kay Bryar. Tinawanan ko na lamang sila. "Pre! Tubusin mo kami pre!" Tinawanan ko na lamang sila. "Huwag niyo na silang palabasin," natatawa kong kausap sa mga nanghuli sa kanila. Nakaani na naman ako ng malulutong na mura mula sa kanila at limang middle finger mula sa kanila. Natawa ako. Mga ulupong talaga. "Hanggang anong oras kaya sila doon kuya? I should have wore black top also." "Why? Gusto mong makasama sila sa loob?" "Because those guys who caught them are too gwapo," she happily said. If it weren't too over exaggerated, her eyes are turning into a heart shape. "Am I not enough?" I unconsciously asked. Hindi ko rin alam kung ano ang ibig sabihin ko roon. "What?" "I mean, naga-gwapuhan ka agad sa mga iyan eh mas gwapo pa ako sa kanila. Mga kulang sa hilod ampots." "Bla... bla... bla... Why don't you just tour me here instead of bragging how gwapo you are," masungit niyang suhestiyon at hinila pa ako. Nahihila na ang collar ng damit ko dahil sa lakas ng pagkakahila niya. Lintik naman talaga ang babaeng ito. Nahuhubaran na ako. Buong pwersa akong tumigil kaya napatigil din siya. "Fine. Where do you want to go?" napipilitang tanong ko habang inaayos ang nahilang tela. "You decide," sagot niya. Ang hirap talagang kausapin din ng isang ito. Inilibot ko na lamang siya sa kabilang department building dahil baka mahuli rin kami sa jail booth. While walking, she is holding my arm with her both hands as she would point everything that she will saw. Parang bata. Malawak ang ngiti sa labi at wari mo ay nasa isang museum kami kung mamangha siya sa paligid. "Kuya, who's that?" she asked when she saw the statue of the founder of this school. Ipinaliwanag ko naman sa kaniya at para siyang batang tango nang tango. Kapag ganito ay naku-kyutan ako sa kaniya. Nakakapit pa rin siya sa braso ko. "Teka, bakit ba nakakapit ka pa rin? Para kang bata." "Baka kasi may biglang manghuli eh. At saka look oh, they are looking at us," sagot niya na parang nagsusumbong sa kaniyang tatay. Natawa na naman ako. I'm used to this but I know Bryar is a very conscious person especially in public. Lumapit ako sa tainga niya at bumulong. "Because you are with me." "So?" she asked, clueless and looking so innocent. "Ang gwapo ko kasi," pagmamayabang ko pa. "Edi wow! Maybe because I'm pretty?" Where did she had the guts to say that? Nakukuha na yata niya iyon sa akin. Nang mapadaan sa department namin ay marami ang bumabati at tumatawag sa akin. May iilan ding nagpapapansin sa kasama ko. Ano ba naman ang mga ito? Pati bata ba naman? "Don't smile at them," I said to her. "Bro!" tawag sa akin ni Jordan. Damn. Type nga pala nito sa Bryar. s**t! I shouldn't have brought her here. So stupid, Miguel. Nakipagfist bump siya sa akin at sinagot ko naman iyon. Mag-isa lang siya. "Ipakilala mo naman ako," bulong nito sa akin. Wala na akong nagawa pa at hinarap siya kay Bryara. "Bro this is Bryar and Bry-" Pagkaharap ko sa kasama ko ay nakatitig lang ito kay Jordan na nakangiti sa kaniya. The hell? "Bry..." pagkuha ko sa atensyon niya. Nakuha ko rin naman agad at pumormal ang mukha niya. "This is Jordan, kasama ko sa volleyball at kaklase namin nina Ki." Inilahad ni Jordan ang kamay niya sa babaeng maarte. Tinaasan ko si Bryar ng kilay. Alam na niya ang ibig sabihin non. Kumaway lamang siya, "Hi po, Kuya Jordan. Nice meeting you po." Napapahiyang inayos ni Jordan ang kamay niya at ibinalik sa bulsa niya. Nice one Bryar. I taught her that. Do not shake hands with a stranger. "Anyway, we have to go bro. See you when I see you." Nang makalayo ay naupo muna kami sa bench na walang tao maliban sa amin. "What was that?" I asked pertaining to her reaction a while ago. Reaksiyon na kilig na kilig at parang na-starstruck pa. "What?" she innocently asked. "Mukha kang tanga kanina." "Seriously kuya? You're too mean. It's just that he is so gwapo. He looks like my ideal bad boy." "So?" She shrieked and giggles. Napapantastukuhan akong tumitig sa kaniya at hinintay ang sasabihin. "I think I have my first crush na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD