Miguel
Isang araw na lamang at magsi-simula na ang sports festival namin. Kaninang umaga matapos ang practice, ay pinauwi na kami ni coach upang makapagpahinga raw kami. Excused na rin naman kami sa klase kaya walang problema.
Ngayon ay narito ako sa kwarto ko at nakahilata habang nagbabasa ng notes na ibinigay ng aming mga guro. Hindi man halata pero napakahalaga para sa akin ng pag-aaral. Kahit ang pinsan ko na si Killian ay ganoon din. Maging ang mga kaibigan namin simula ng mag-first year college ay pag-aaral ang isa sa top priorities. Sina Juan, Dalton, Haines at Lothaire.
Hindi ko sila nakakasama nitong nakaraan dahil hindi sila sumali sa team ng volleyball o kaya ay sa basketball. They appreciate the sport and know how to play it but joining in a competition is not their thing. Maybe now, they are preparing for the booth or helping with our teachers as they prepare for tomorrow.
Nang matapos sa pagbabasa ay natulog muna ako dahil pagod din talaga ang katawan ko.
Hindi pa siguro nagtatagal ang tulog ko nang bigla na lang akong nakarinig ng sunod-sunod na katok sa aking pintuan.
Umungol lamang ako at dumapa.
Mas lalong lumakas ang katok kaya naman nagpasya na akong sumagot at kung hindi ay baka masira na ang pintuan ko ng dahil sa kung sino man ang nasa likuran ng pintuan na iyan.
"What?" I asked lowly while my voice is still hoarse but enough to be heard by whoever is outside. I am sure it is not my Mom nor my Dad. They are still at the company. It's just 2 in the afternoon.
"Kuya Miguel!"
At ngayon alam ko na kung sino ang pumutol sa tulog ko. Ang spoiled brat kong pinsan na si Bryar.
"I'm sleeping. What do you need?" I asked again, still lying on my stomach.
"Let's make a banner for kuya!" Nakasigaw pa rin niyang sagot. Hindi lang spoiled, maingay rin. Ang sakit sa tainga ng boses. Mabuti na lamang at kahit papaano ay naprotektahan ng pinto ang eardrums ko.
"Seriously? You want me to help you make a banner?"
Sa akin pa talaga siya magpapatulong gayong isa rin ako sa maglalaro at dapat niyang igawa nito.
"Yes! Who else would help me? Come on! Get out na or you want me to pull you out of bed?" That's how spoiled she is.
"Sandali. Iidlip pa ako. Manuod ka nalang muna riyan sa living room, Bry. I'm tired," sagot ko at pumikit ng muli.
"Oh, okay. I forgot that you are also tired na. Sorry for disturbing you. I'll just make it myself then. Rest well, kuya," malungkot niyang saad. Now I can imagine how sad her face is. Nako-konsensya naman ako.
Parang biglang nawala ang pagod ko nang tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan ng aking kwarto.
"Wait up! Who says I won't help you? Gawin na natin ngayon. Ano ba 'yan?" Hinihingal kong tanong dahil sa biglaang pagbangon at pagtakbo.
"Well, you need to get changed first. Don't tell me you want me to see your big tummy the whole time, kuya?" Tanong niya na may halong pandidiri.
She looked at me like she is so disgusted with my body. Big tummy. Haaah! Yes I don't have abs but my tummy is not big though. Masyado lang talagang maarte ang babaeng ito.
"At least I have a big--" pinutol ko ang sasabihin ko dahil alam ko na marumi ang pag-iisip ng batang ito.
Nanlaki ang mga mata niya, bumaba sa kung nasaan ang aking mahiwagang armas at bigla na lamang nagtatakbo pababa sa living room.
"Oh no! Shut up! Get changed and I'll wait for you in 1 minute!" Nagsisisigaw niyang komento.
Natawa naman ako. I have a big heart dapat iyon eh pero dahil marumi nga ang isip niya ay hindi ko na problema iyon.
Pero nang maalala ko kung paanong lumipat ang paningin niya sa baba ko ay bigla akong napalunok. Agad ko namang iwinaksi iyon sa isipan ko at nagsuot ng damit at jagger pants dahil naka-boxer lang ako.
"So?" Salubong ko ng makarating sa living room.
Nakakalat na ang mga gagamitin namin. I don't know how to make this but I think I can help her with the cuttings and pastings.
"Tulungan mo akong mag-gupit ng letters tapos ako na ang bahala na mag-design. Basta iyon na muna ang gawin mo. Ilagay mo rito ang mga nagupit mo na okay? Ayusin mo ha," paliwanag niya pa na katulad ng strict namin na professor sa isa naming subject. Akala mo ay bata ang kausap.
"Yes, Mam," walang gana kong sagot at kinuha na ang gunting.
"Kuya!" Sigaw niya ng magsimula akong mag-gupit.
"Ano na naman po, Mam?"
"You shouldn't cut it that way. Ganito dapat o. Look," she said as she demonstrated me how it should be done.
Bumuntong hininga na lamang ako at ginawa ang ipinakita niya. Nasisira ang kagwapuhan ko ng dahil sa babaeng ito.
Dumaan pa ang ilang minuto na pinupuna niya ang ginagawa ko at wala naman akong magagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya.
Gusto kong isatinig kung may balak pa ba siyang igawa ako ng ganito. Ito ang unang beses na mapapanuod niya kami.
"Wala ka man lang bang pa-meryenda, Mam?" nangaasar kong tanong dahil sa buong oras namin sa paggawa ay kung hindi pagpuna sa gawa ko ay nagaasaran naman kami.
"Nagpahanda na ako kay Manang. Dadalhin na rin iyon dito mamaya."
Napatawa naman ako. "Wow naman. Bahay mo? Lakas natin ah!"
Binatukan niya ako at pinukpok pa sa ulo ng glue. "Bahay ko rin ito sabi nina Tita Mommy 'no. At saka ano naman? Eh tinanong ako ni Manang kung ano ang gusto kong meryenda eh. Masama? Masama?"
Grabe. Minsan talaga napapatanong ako kung sino ang mas matanda sa amin. Mukhang mas kailangan ko siyang sundin kaysa ako ang sundin niya.
"Hindi po, Mam. Hindi po." Halos mapairap na ako nang sagutin ko siya.
Kung dati noong bata pa siya at bago pa lamang kaming nakakasama, halos hindi na ito makapagsalita dahil sa pagkamahiyain pero ngayon, tingnan mo naman kung gaano ka-arte at ka-spoiled. Sasakit talaga ang ulo mo.
Tinutulungan ko na siyang magdikit ng biglang tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng couch.
Dahil ako ang nakasandal sa couch at malapit sa cellphone niya ay ako na ang kumuha. Nakabukas pa rin ang screen dahil sa notification kung kaya ay nakita ko ang dahilan kung bakit iyon bumukas.
"Who's that?" Tanong niya habang nagdidikit.
Hi Bryar! Got your number from a friend. This is Paolo from the other section. Hope you'll save my number and reply with my message.
Nang hindi ako narinig na sumagot ay naramdaman ko na tumingin siya sa akin. "Why are you reading it?" Bigla niyang tanong at lumapit sa akin.
"May nagtext mula sa unknown number," masungit kong sagot sa kaniya.
Hindi ko naman siya masisisi kung may magtext nga sa kaniya dahil hindi naman siya ang nagbigay noon. Ang nakakainis lang ay itong mga lalaking supot na gustong sumalakay kay Bryar. Mga kulang pa sa paligo tapos kung maka-porma, akala mo ikaka-gwapo na nila.
"I didn't gave my number," mabilis niyang sagot pagkakuha ng cellphone at tiningnan ang text message sa kaniya.
Napansin ko na nanlaki ang mga mata niya at napatabon siya sa bibig na mukhang pinipigilan ang nais kumawala sa bibig niya. Hindi ko alam kung kinikilig o natatawa siya.
"What's with that reaction little girl?"
"It's Paolo. O.M.G!"
"Seriously? What's with him? Crush mo?"
"Of course not. Crush ni France. Iyong lagi kong kasama," paliwanag niya na may halong pagtawa.
Akala ko ay masisira na naman ang kagwapuhan ko dahil sa baka may nagugustuhan na itong babaeng ito. Mai-stress na naman ako kakaisip kung paano siya ilalayo sa mga lalaki.
"That's good. You have a crush na sa school?"
"Wala noh. They are not my type, Kuya."
"Good. Marami pa ba ang nagti-text sa iyo? Palitan na kaya natin 'yang number mo?"
"Huwag na. OA much? I won't reply anyway."
"Then block them. May I see the messages," sabi ko at inilahad ang aking kamay.
Mukha pa siyang nagdadalawang isip pero ng taasan ko ng kilay ay ibinigay din niya. Kapag ganito kasi ang usapan ay dapat ako ang masusunod bilang Kuya niya.
Hi Miss beautiful!
Pwede ba akong tumawag?
Ang ganda niyo po.
Crush ko po kayo.
Pansinin niyo naman ako crush!
Ilang lang iyan sa mga nabasa ko mula sa iba't ibang number. Hindi ko na itinuloy dahil mukha ngang hindi iyan papansinin ni Bryar. Halatang mga supot pa eh.
"Tell me if you already has a crush. I need to know that guy."
"I told you, I won't like any men. Maybe in the future but not now."
Hindi na ako sumagot at itinuloy na ang ginagawa.
"Ikaw ba, Kuya? Wala ka pa ring girlfriend o nililigawan?"
"Wala."
"Alam mo ba, lagi kong naririnig sa mga kaklase at mga senior high school na babae na type ka nila. Sobrang kinikilig pa sila. Kung alam lang nila na wala kang abs," nangaasar na naman niyang turan.
"Abs don't matter okay? And I don't like those girls in your batch. They're too young and easy to fool."
Napansin ko na napatigil siya ng kaunti pero kalaunan ay umubo siya at nagsalitang muli.
"Oh. Okay. Ang feeling mo naman. Hindi ka naman ganoon ka-gwapo," tugon niya at tumalikod na sa akin para ipagpatuloy ang aming ginagawa.
Sinabi ko lang naman na ayaw ko sa mga kasing-edaran niya na babae tapos nilait na niya ako. Hindi raw ako ganoon ka-gwapo. That's what I hated the most. Sa gwapo kong ito?
Mga babae talaga. Ang hirap makuha ng timpla.