Nagising ako na puro puti ang nakita ko agad naman napatakbo si Andrie at Jason sa akin.
"Thanks god, Your awake, Jason call the doctor Faster"Nagmamadaling utos niya kay Jason. Kaya agad naman kumiripas ng takbo si Jason
"Andrie anong nangyari?"nanghihinang tanong ko. Natahimik naman Ito."Hmm, Martina ang doctor nalang ang mag sabi sa‘yo"Ani nito at hinaplos ang aking buhok
Tumango ako at mariin ang pagkatitig sa kanya,hapdi at sakit ang naramdaman ko ngayon
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at bumungad sakin ang doctor at ito ay lumapit sakin.
"I'm happy for you, because your awake" but- "Naputol ang sasabihin niya ng bigla akong sumingit.
"But! Ano doc?!"Medyo napasigaw kong sambit "I'm sorry Miss del ffiero nakunan ka kasi"Malungkot niyang sabi. Nagulat ako sa aking nalaman."A-ako na kunan" Ani ko at tinuro ang sarili. Wala ako sa sariling napahiyaw sa sakit
"Ahhh,*Sob* hik* bakit ganon ba't ganon"Sigaw at iyak kong sabi. "Hindi ko man lang nalaman na nagdadalang tao pala ako nung araw na'yon.
Hindi ko man lang naalagaan ang sarili ko para sa magiging anak ko. Kasalanan ko to Sana di nalang ako sumama!"Sigaw ko dito sa loob at akmang lalapitan ulit ako ni Andrie ng "Plzz huwag kang lumapit, huwag niyo akong kaawaan"Mariin ang pagtitig ko sa kanila habang walang humpa'y ang pagtulo ng aking mga luha.
Sana hindi nalang ako nabulag sa pagmamahal niya. Sana hindi nalang ako sumama
Edi sana nandito pa ang anak ko
"Okay na sana kong iiwan ako ng ama mo pero pati ikaw iniwan mo rin ako"Tila nababaliw na ako dito. Pinatahan nila ako at hinihimas ang aking likod. Ang sakit lang kase. Kaya pala parati akong dumuduwal nung mga araw na lumipas dahil binibiyaan pala ako ng Angel pero sinayang ko lang,pagod naako, pagod na pagod
*Sob* "Ayaw ko na, sana dumating 'yong araw na tanggap ko na ang lahat"Huling babi ko bago nawalan ng malay.
Cathy POV
I'm Cathy Morales kasalukayan akong nagiimpake ng mga gamit ko, well doon nakasi ako titira sa bahay ni mike total aalis naman 'yong kawawang asawa niya
Napatawa nalang ako sa naisip ko
"Poor Martina kawawa ka naman"bulong ko habang palabas na ng pinto. Naabutan ko ang amo ko na nakaupo sa sofa habang umiinom ng cafe
Yes ,tama ang nabasa niyo hindi talaga ako mayaman nagpapangap lang ako at sa bahay Ito ng amo ko. Simula nung kami na ni mike hindi ko talaga siya pinapasok dahil ayaw kong malaman niya na Isa lang akong hamak na kasambahay dito
Isa lang akong kawawang babae dati
Pero nung dumating sa buhay ko si mike ay naging masaya ako, hindi ko talaga akalain na mas pinili ako ni mike kaysa sa asawa niya. Napahinto ako sa mga naiisip ng inabutan ako ng pera ni Mrs de guzman
Pero hindi ko tinanggap ang pera dahil sa wakas mayaman naman rin ako dahil mapapasaakin na si mike at ang lahat ng meron siya.
"Hayts,kawawa ka talaga Martina iiwan ka na nga ng Asawa mo tapos nakunan ka pa"Yes I admit na ako ang dahilan kong bakit nakunan siya.
"Diba ang ganda niya"sabi ko. Narinig ko naman sa kabilang linya ang paghingi ng tulong ni Martina."Yes, ma'am maganda siya at alam kong masarap itong tikman"Aniya at pinatay ang tawag.
Gulat akong napalingon ng mapansin na may tao sa likuran ko, lumapit Ito saakin at agad kong inilapag ang cellphone sa maliit na mesa. Hinalikan nito ang hindi gaanong umbok na tiyan ko
"Nagugutom na ba ang baby ko?"pag-uusap niya sa tiyan ko"Huwag mong pagurin si mommy mo ah!" Dag-dag nito
Nung gabi na nasa resort kami ay plinano ko na talaga na may masamang balak akong gagawin sa kanya. Kaya may inutosan akong dalawang lalaki para gahasain siya.Pero Ang lintik hindi na tuloy pero atleast nakunan naman siya
Kaya nga masaya ako ngayon dahil wala na siyang ikakasaya sa buhay, dahil makukuha kona ang Mahal niya, tapos nawala pa ang kawawang baby niya.
Pagkarating ko sa bahay niya ay sinalubong ko siya ng higpit na yakap Alam kong kakarating lang niya dahil bumaba siya galing sa kotse niya.
"Alam mo ba na nakunan si Martina"Ani ko. Siya naman ay uminom ng tubig, lumingon Ito sakin."Yes, sinabihan ako ni Jason"Sagot nito at mariin ang pagtitig sa akin."So may nangyari pala sa Inyo"tanong ko ulit."Yes,we made love ngunit hindi ko ginusto 'yon at nung gabing 'yon lasing ako"Sagot nito na ikinangiti ko.
"At mas mabuting makunan siya,dahil hindi siya ang gusto kong maging ina ng anak ko, gusto ko ikaw lang"Mas lalo akong napangiti ng bangitin niya 'yon.
7:58PM
Pagkatapos naming kumain ay tumungo na kami sa aming kwarto upang matulog.
Kasalukoyan akong nakasakay ngayon sa kotse ni Andrie. At iniisip ang lahat na nangyari sakin. Birthday ko na bukas
Pero ito ang nangyari sakin, sakit ang naramdaman. Kung hindi sana ako nakunan at pagkakataon na nalaman ko sa araw ng birthday ko 'iyon ang best birthday gift saakin ni god ngunit huli na eh, huli ko nang nalaman.
BTW huling araw ko na bukas at gusto kong gabi ako aalis sa bahay niya dahil manonood muna ako saglit sa baby shower party nila. Masakit man isipin ngunit kailangan kung gawin. Kailangan ko na talaga patatagin ang sarili ko at kalimutan ang masasakit na ala-ala dito.
Nabalik ako sa wisyo ng mag-salita si Andrie "Bukas na tayo aalis at kailangan mo ng mag-impake ng mga gamit mo"Sambit niya habang palipat-lipat ang tingin. "Okay, pero pwede bang bukas nalang ng gabi tayo aalis"Ani ko at mariing nakatitig sa kanya
"Pero magagalit sayo si Mike dapat umaga palang aalis na tayo!"Sagot nito at kunot noong bumaling sa akin
"Sige na plzz, sasabihan ko nalang siya,hindi naman ako gagawa ng g**o sa party nila at hindi rin ako tatagal do'n"Nakapuot kong sabi.
"Okay, Basta 7:00PM na ng gabi ay kailangan na natin umalis"sabi niya kaya nakaramdam ako ng saya dahilan ng paghawak ko sa isang kamay niya.
Nang makarating na kami ay agad naman niya ako pinagbuksan ng pinto at bumaba narin ako at nagpaalam na.
Pagpasok ko bumungad sakin ang tawanan nilang dalawa. Kaya napa "tsskk"nalang ako at patuloy na umaakyat
"Ngayon masaya pa kayo dahil aalis na ako pero darating rin ang araw na kayo na ang luluhod at magpapakaawa sakin" ngisi ko habang papasok sa loob ng bahay para ihanda na ang mga dadalhin ko para bukas.
Pagkatapos kung mag impake ay agad na akong pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kung maligo at magbihis ay agad akung humiga sa malambot kung kama.
"Hayyttss.. Ito na ang panghuli kung tulog dito"Ani ko habang tumulo ang aking luha at nakaramdam ng bigat sa aking talukap.