Martina's
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha, kaya agad na akong tumayo.
"HAPPY 20 BIRTHDAY SELF"Napangiti kung saad. Pero napawi ang ngiti ko ng maalala na ngayong araw pala ako aalis dito, kaya pumasok nalang ako sa banyo para maligo na. Pagkatapos ng routine ko ay agad na akong bumaba.
Bumungad sakin ang maraming kasambahay na naglilinis 'yong iba naman ay nagluluto. Himala dahil may kasambahay ngayon.
Kung kailan birthday ko, ay sila ring pag-party nila
Kaya tumulong nalang ako, kesa nakatitig buong magdamag sa kanila. Para sa akin tungkulin ko ring tumulong sa kanila. Kasi naging parti rin sila ng buhay ko,kahit puro sagutan,sakitan at iyakan ang natanggap ko sa loob ng dalawang taon. Akmang kukunin ko na sana ang walis
para sana maglinis ako sa gilid ng pool ng may biglang humila sa'kin at dinala sa likod ng bahay.
Sinampal niya ako dahilan ng aking pag-upo sa damo..
"Bakit hindi kapa umalis dito!"Sigaw niya sakin at hinawakan ang aking panga patayo. Nagbabadya na ang aking luha ngunit kailangan ko itong pigilan.
"Ah, kasi ngayong gabi pa ako a-alis dito"Utal kung sabi. Napadaig ako sa sakit dahil sa mabilis niyang pag-sampal sa akin.
"Para ano..! Para gumawa ng g**o!" Sigaw niya na nagpa-angat sa akin
"Hindi..! hindi ako gagawa ng gulo.. Promise kaya ko lang to ginawa dahil gusto kitang makita, kahit ngayong araw lang huwag kang mag alala tataposin ko na koneksyon ko sayo at na permahan ko narin ang annulment paper natin at Isa pa hindi na ako magpapakita sayo"Ani ko habang mariin ang pagtitig sa kanya. Ramdam ko parin ang hapdi sa aking pisngi dahil sa lakas ng pag-sampal niya. Ngunit bakit hindi ko kayang lumaban sa kanya, gusto kong iparamdam sa kanya kong gaano ako nasaktan sa mga kamay niya, ngunit inunahan ako ng kaba. Gusto kong ipamukha sa kanya kung gaano ako nasaktan sa pagkawala ng anak namin,ngunit alam kong wala lang sa kanya.
"Okay,that's good"Nakangisi Ito at may kung anong kinuha sa bulsa nito
"Ilan ang gusto mo,50k,100k or 100M"Ani nito na walang emosyong nakatitig sa akin. Napatawa ako ng pagak dahil sa mga sinabi niya"Hindi ko kailangan ng pera mo, ito lang ang masasabi ko sayo sana huwag mo itong pagsisihan"Huling sambit ko bago siya talikuran.
Mike's
"Ilan ang gusto mo,50k,100k or 100M"Sabi ko habang walang emosiyong nakatitig sa kanya. Tumawa naman ito na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko."Hindi ko kailangan ng pera mo, ito lang ang masasabi ko sayo sana huwag mo itong pagsisihan"Makabuluhang sambit nito na ikina-awang ng labi ko.
"Tssk,As if naman na magsisi ako"bulong ko at tumalikod narin. Agad akong pumasok sa loob ng bahay at tinitingnan ang mga kasambahay ko na busy sa paggawa ng pagluluto at paglilinis, nahagip ng mga mata ko si Martina habang kausap nito ang Isa sa kasambahay namin. Kaya pumasok nalang ako sa loob ng silid namin Cathy. Nadatnan ko siyang nakaupo paharap sa salamin. Tumungo ako at niyakap siya patalikod.
"I love you" bulong ko sa tenga niya at hinalikan ang leeg nito. Ngumiti naman ito. "I love you too" Sagot nito na nakapag-pangiti sa akin.
I'm happy dahil sa wakas
aalis na siya ngayong gabi at wala ng sagabal sa pagmamahalan namin.
"Hindi ko kailangan ng pera mo, ito lang ang masasabi ko sayo sana huwag mo itong pagsisihan"
Nahinto ako sa kakahalik sa kanya ng pumasok 'yon sa utak ko.
Fuck bakit naman ako magsisisi. Bakit may tumusok sa puso ko, ba't pakiramdam ko ang sakit.
Martina's
Pagkatapos kung sabihin 'yon ay agad ko siyang tinalikoran at tumulong nalang.
Nag-usap muna kami ni Maica at pagkatapos naglagay kami ng ibat-ibang desinyo sa POOL.
Alas singko na ng hapon hito parin ako kinabahan na sa pwedeng mangyari, kaya umakyat na ako sa silid upang maka-pagbihis, simple lang ang suot ko nakadress lang na kulay
Itim at hindi rin gaano ka kapal ang make up ko.
Pagkatapos kung magbihis ay umupo muna ako sa kama, napalingon ako sa gilid ko ng tumunog ang phone ko.
Kaya sinagot ko, kahit hindi ko alam kung Sino ito. Pero napaiyak nalang ako ng marinig ko ang boses ni mommy habang kumakanta ng HAPPY BIRTHDAY.
Buti sila hindi nakalimotan ang birthday ko. Hindi tulad ng asawa ko.
"Happy birthday too you"
"Happy birthday too you"
"Happy birthday, happy birthday"
"Happy birthday too you"
“I hope your day is full of all the things that make you happy.”
“On your birthday, know I'm thinking about you and wishing you good things.”
“Birthdays are a chance to let people know how much they matter to you. ...
“Wishing you a birthday that is everything you need.”
“Today is your day.
"Happy birthday anak I miss you na pakatatag ka lang, wish ko sayo anak na bumalik na ang masayahin mong mukha at nandito lang kami para sayo, dapat masaya kalang kahit marami kang problem na nararanasan."nakangiti niyang bati sakin. Alam kong nakangiti siya dahil naramdaman ko 'yon
"Thank you mom and I miss you too, huwag kayong mag alala, tiyak nandyan na ako bukas"Hindi ko talaga mapigilan ang maiyak.
"Okay, Basta nandito lang kami sa'yo, tandaan mo 'yan" Saad niya at inoff ang tawag.
Alas sais na ng gabi pero nanatili parin akong nakaupo dito sa Mesa
BTW nandito na pala ako sa may pool, dito Kasi gaganapin ang party nila at ako naman nakikinig lang sa mga sinabi nila tulad ng pagbati.
Pagkatapos nilang magsabi sa mensahe nila ay agad na akong pumunta sa may direksiyon nila at syempre may mensahe rin ako sa kanila kahit masakit.
"Hi everyone I'm Martina Louie del ffiero ex wife of Mr.Mike Lee Smith." Ani ko habang nakatitig sa kanilang lahat. Lumipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at halo-halong emosiyon ang nakita ko, galit,pagtataka at awa
____________