GABBIE “Nandito na ba tayo?” tanong ko sa kanya dahil tumigil na kaming dalawa sa paglalakad. “Yes, love,” sabi niya at unti-unti niyang inalis ang takip sa mga mata ko kaya naman na gulat ako sa bumungad sa akin dahil nasa.. “Bakit tayo nandito? Bakit ang dami naman ng mga ito?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Sabi mo kasi hindi kita binigyan ng flowers–” “Kaya taniman na ang binigay mo?” nakangiti na tanong ko sa kanya dahil halatang nahihiya siya namumula kasi siya. “Oo, hindi ko kasi alam kung ano ba ang ibibigay ko sa’yo. Ang hirap naman kasi lalo pa at–” “Mahirap dahil hindi ka naman mahilig magbigay ng bulaklak sa babae. Kasi nga babaero ka kaya babae na ang lumalapit sa ‘yo,” sabi ko sa kanya. “Parang gano’n na nga, sanay ako na ako ang hinahabol ng mga babae. Kaya ko

