GABBIE Hindi na ako lumabas pa sa room namin kaya hindi ko alam kung umalis na ba si Shermaine at bahala na siya sa buhay niya kung aalis na ba siya o hindi. Wala rin namang may pakialam kung aalis na siya. Sa totoo lang ay naamoy ko siya. Alam ko, alam ko na may something pa rin sa kanya. Pinuna nga niya ang pagshare namin ng plato. Sa tingin ko nga ay inggit lang talaga siya. Paano ba naman sobrang sweet ba naman ng asawa ko sa akin. Talagang alagang-alaga niya talaga ako. Ilang sandali pa ay pumasok na dito si Adler at tumabi siya sa akin. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya sa akin. “Okay na ako,” sagot ko sa kanya. “May gusto ka bang gawin?” tanong niya sa akin. “Wala,” sagot ko sa kanya. “Gusto mo ba na maglaro tayo?” tanong niya sa akin. “Ano namang laro?” “Kahit ano

