GABBIE “Ako na lang, nakakahiya kapag ikaw pa,” sabi ko sa kanya. “Ako na, ‘wag ka ng mahiya sa akin. Natikman ko at nahawakan ko na ‘yan, ngayon ka pa ba mahihiya. Kinaya ko ngang bumili sa pharmacy ng pads mo ito pa kaya,” sabi niya at kumuha siya ng panty ko at pads ko. Ako naman itong nakatingin lang sa kanya habang ginagawa niya ito dahil hindi talaga ako makapaniwala na kaya niya itong gawin para sa akin. Na pinasisilbihan niya ako at inaaalagaan niya ako. At ramdam ko na pure ang ginagawa niyang ito para sa akin. “Love, ako na ang gagawa niyan. Hindi mo naman ‘yan dapat na ginagawa,” sabi ko sa kanya. “Tapos na, love. Tama ba ang ginawa ko?” tanong niya sa akin at pinakita pa niya ang dinikit niya. “Thank you, love,” nahihiya na sabi ko sa kanya. “Pupunta ka na ba sa banyo?”

