GABBIE “Hindi ako takot sa kanya!” sigaw niya at sinugod niya ako bigla kaya naman umiwas ako at natumba siya. “You b*tch!” sigaw niya at tumayo siya para sumugod na naman pero nagulat ako dahil bigla na lang gumitna sa amin si Adler at siya ang natamaan ni Gaya. “A–Adler,” nauutal na sambit niya. “Hindi ko ito ginawa para sa ‘yo. Ayaw ko lang na saktan mo ang asawa ko kahit na hindi naman siya magpapatalo sa ‘yo,” sabi ni Adler. Hindi ko tuloy alam kung kanino ba talaga siya concern. Sa akin ba o sa babaeng ito? “Umalis ka nga d’yan. Gusto ko lang na ilagay ang asawa mo sa dapat niyang kalagyan,” sabi pa niya. “Saan ba ang dapat kung kalagyan? Baka naman ikaw ang ilagay ko kung saan ka ba dapat. At sure ako na hindi ‘yon ikakatuwa ng daddy mong judge,” sabi ko sa kanya. “Tingnan n

