GABBIE At habang naglalakad ako ay tama nga ako, nasa akin ang atensyon nila. Hinayaan ko na lang sila at dumiretso na lang ako sa office ng asawa ko. Hindi na ako kumatok pa at binuksan ko na lang ang pinto. Pero hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. Dahil si Adler ay kasama na naman si Gaya. “Love,” sambit ng asawa ko ng makita niya ako. Humigpit ang kapit ko sa dala kong lunch box. Habang ang babaeng ito ay nag-aayos ng pagkain sa may center table. “Hindi mo sinabi na pupunta ka,” sabi pa sa akin ni Adler. “Gusto lang naman sana kitang bisitahin,” sagot ko naman sa kanya. “Hindi ko naman alam na may magdadala na pala sa ‘yo ng pagkain,” dagdag ko pa na sabi. “Love, perfect timing nga ang pagdating mo. Kanina ko pa nga iniisip na sana ay sabay tayong kumain,” nakangiti na sabi

