GABBIE “Adler,” kumunot ang noo ko dahil may tumawag na babae sa kanya. Ang hinhin ng boses niya. “Gaya?” sambit ng asawa ko at ibinaba niya ako kaya ako naman itong nagtataka sa kanya. Kilala niya ang babaeng tumawag sa kanya. Mas nagulat ako dahil bigla na lang siyang niyang niyakap at hinalikan sa pisngi ang asawa ko. “I miss you,” nakangiti pa na sabi ng babae. “May asawa na ako,” sabi naman ni Adler. “You have what?” “A wife,” sagot ni Adler at hinawakan niya ang kamay ko. Kumunot ang noo ng babae habang nakatingin sa akin. Mula ulo hanggang paa niya akong tiningnan. Na para bang kinikilatis niya ako. “When? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Akala ko ba hihintayin mo ako?” sunod-sunod na tanong ng babae sa asawa ko. “Sorry, may asawa na ako at hi

