KATAHIMIKAN ang namagitan sa kanila sa unang kalahating oras. Gustong magsimula ni Yvonne ng kuwentuhan, ngunit hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin niya. Tila wala rin naman itong balak na kausapin siya. Tahimik lang itong naglalakad at paminsan-minsan lang tumitingin sa kanya. Sinisiguro lang yata nito na nakasunod siya. Natuwa siya sa mga wildflower na nakikita niya sa dinaraanan nila. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili sa pamimitas. Napangiti si Travis nang mapansin ang ginagawa niya. “You like `em?” masuyong tanong nito. Tumango siya. “They’re beautiful.” “Parang ikaw.” Alam niyang namula siya kahit na hindi niya nakikita ang kanyang sarili. “Bolero,” ang tanging naitugon niya. Doon nagsimula ang kuwentuhan nila tungkol sa kung ano-ano sa paligid nila. Tanong siya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


