YAKAP ni Yvonne ang kanyang ina at ayaw na niya itong pakawalan. Natatakot siya na baka kapag inalis niya ang mga braso niya rito ay mawawala na lang ito basta. Nakahiga sila sa kama niya. Hiniling niya na doon ito matulog sa tabi niya. Ayaw niyang magsayang pa ng panahon. Masuyong hinagkan nito ang kanyang noo. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Hindi pa ako mamamatay, anak,” natatawang sabi nito. Hinigpitan pa niyang lalo ang pagkakayakap niya rito. “Huwag naman po kayong magbiro ng tungkol sa kamatayan,” aniya. Nagsisimula na namang mamasa ang kanyang mga mata. Halos hindi na niya maimulat ang mga mata niya dahil sa hindi maampat na luha. Iyak siya nang iyak mula sa ospital hanggang sa makauwi sila. Hinaplos nito ang buhok niya. “Noong una kong nalaman ang tungkol sa cancer ko, natak

