“ANO’NG ginagawa mo rito?” mataray na tanong ni Yvonne kay Antonette pagbabang-pagbaba niya sa sala. Nang sabihin ng kawaksi na bisita niya ito nang araw na iyon ay ayaw sana niya itong harapin. Ngunit nagpasabi itong muli sa kawaksi na hindi ito aalis hangga’t hindi niya ito hinaharap. Ang kapal ng mukha nitong humarap sa kanya. Isang linggo na ang nakalipas mula nang malaman niya ang tungkol sa nangyari dito at kay Travis. Isang linggo na rin siyang hindi pumapasok sa eskuwelahan. Maraming beses na ring nagtungo sa bahay nila si Travis. Nakikiusap ito na kausapin niya ngunit hindi niya hinarap ito. Ayaw pa niya itong makita dahil labis pa siyang nasasaktan. Hindi niya alam kung ano ang mga dahilan na sinasabi ng mga magulang niya upang umalis ito at hindi na magpumilit kausapin siya. Hi

