HINDI na nagawang magsabi ni Travis kay Yvonne ng tungkol sa naging problema nito. Halos nakalimutan na rin niya ang pangyayaring iyon dahil kaagad din nagbalik ito sa dati. Kinabukasan ay wala na siyang mabakas na pagkabagabag dito. He was back to his old jolly self. Tinukso pa nga niya ito na nagdrama at nag-inarte lang ito. Natawa ito at sinabing ganoon na nga. Na-miss lang daw siya nito nang husto. Hindi na raw ito sanay na hindi siya nakikita sa araw-araw. Naging abala na sila pareho sa pagsisimula ng panibagong semestre. Inayos nila ang schedule nilang dalawa para halos pareho sila ng walang pasok at vacant periods. Inspirado siyang mag-aral at nangako siya na babawi siya sa lahat ng mga hindi magandang marka niya noong nakaraang semestre. Hindi man kasi siya bumagsak, pasang-awa

