20

1399 Words

KINAKABAHAN si Yvonne habang kaharap niya ang mga magulang ni Travis. Inimbitahan siya ng nobyo niya sa kaarawan ng ina nito. His mother looked very lovely and elegant. Sa unang tingin ay tila masungit ito. Ang ama naman nito ay pormal na pormal ang hitsura. Intimidating ang mga ito. Pormal na siyang ipinakilala ni Travis sa mga ito bilang nobya nito. Flattered siya kahit na tila alipin ng kaba at takot ang buong pagkatao niya. She was scared they wouldn’t like her, or wouldn’t approve of her. Nginitian siya nang masuyo ng ina nito. Bahagya siyang nagulat nang hagkan nito ang pisngi niya. “I’m so glad to finally meet you, hija,” magiliw na sabi nito. “Palagi kang bukambibig ng anak ko. Ikaw lang pala ang mag-aalis ng addiction niya sa video games. Na-addict naman siya sa text messaging.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD