17: Gritos de anhelos.
Sa kanilang pagbabalik sa Buen Aire, laking gulat ni Milo nang sinabihan siya agad ng isang caballero na may mga bisita siya mula sa Bosque de Maravilla. Dala-dala silang pumunta sa dambana upang makita kung sino. Napangiti na lang siya nang makita kung sino-sino ang naghihintay.
“Pasen, por favor.”
Kaharap niya na naman sina Olympus, Señor Mariduno, Señor Cristobal, Señora Candela at ang diyos na si Fogo na nagbalat-kayo bilang isang tao. Dala-dala nila ang isang balita na tiyak na gugulat kina Milo at Aire. Saka naman sinara ni Milo ang dambana.
“Milo, masamang balita,” pagbungad ni Olympus, kinakabahan.
“Ano ‘yon?”
“Kailangan mong malaman ang kaugnayan ni Tenebris sa lahat ng nangyayari,” ani Señora Candela.
“Paano? Huwag ninyong sabihing ginagamit niya lang si Ganador?”
Natulala ang lahat sa kaniya.
“Tama ba ako?” tanong niya.
“Oo, Milo. Kamakailan ko lang nakita,” si Olympus.
Huminga siya nang malalim. Ramdam na ramdam niya na ang pagod. Parami nang parami ang kaniyang mga kalaban.
“Sa totoo lang, wala na akong pakialam kung mamamatay ako sa kamay niya o sa kamay ni Ganador. Ang mahalaga sa akin, kung anuman ang pinasok kong ito, tatapusin ko na lang.”
“Paumanhin, Milo. Nadadamay ka pa sa gulo naming lahat,” si Fogo.
“Huwag kayong mag-alala, Señor Fogo. Ako naman pala ang nasusulat sa hinaharap. Kahit papaano, maipapangako niyo naman sa akin na maaalala ako ng lahat, hindi ba?”
Bumuhos na ang luha. Isa-isa nang bumabalik ang gunita. Sa mga sandaling iyon, nawawala pang lalo ang lahat ng takot niya. Tila isa-isa niyang pinupulot ang bawat piraso ng kaniyang katawan na maaaring ipakain sa mga alaga ni Tenebris.
“Hindi naman tayo nakakasiguro sa mga haka-haka ni Olympus o ninyo, señores. Magkakaalaman naman sa pagputok ng huling labanan namin ni Ganador. Kahit siya, alam kong dala-dala niya ang mga hinanakit at pagsisisi sa bawat kasalanang ginagawa niya. Ramdam ko ‘yon.”
Niyakap siya ni Señora Candela. Sa mga sandaling iyon, ni hindi niya magawang yakapin si Aire. Unti-unti na siyang napupunuan ng galit, sa halip na pagbabakasakali. Hindi niya na maramdaman na tao pa rin siya. Tila isang pain na lang siya upang harapin ang mga kalabang hindi niya alam kung kaya niya pang harapin o hindi. Saka siya kumalas.
“Milo, huwag kang mag-aalala. Narito kami. Dakila ka sa aming mga puso,” sabi ni Señor Mariduno.
“Señor, saka niyo na lang sabihin ‘yan kapag ililibing niyo na ang aking bangkay. ‘Yun ay kung may aabutan pa kayong katawan.”
“Huwag mong sabihin ‘yan, Milo. Naniniwala kami sa iyo, sa kakayahan mo, at lalong-lalo na sa puso mong lumalaban,” pagpapalubag-loob ni Señor Cristobal.
“Maraming gulo na rin ang nagpalito sa akin. Nawalan ako ng pagkakakilanlan dahil sa kasakiman ng iilan. Hindi ko lang inaasahan na ‘yon na naman ang magiging dahilan kung bakit kailangan ko na namang lumaban. Wala nang kapayapaan ang buhay ko. Ngunit kung ang pagkawala ko ang magdadala ng kapayapaan sa daigdig, lalaban na ako.”
“Milo, tandaan mo ito, mahal kita. Mahal na mahal kita,” sabi ni Aire.
“Aire.” Napabuntong-hininga na naman siya. “Hindi ako susuko para sa ating dalawa. Para sa kapayapaan nating dalawa. Gamitin man nila ang pinagbabawal nating pag-iibigan sa lahat ng ito, hindi na ako papayag na malayo pa ako sa iyo. Ikaw lang ang hinangad ko sa aking buhay. At alam kong pagkatapos na umulan ng espada at suntok, sabay nating masisilayan ang pagsikat ng araw.”
“Te amo muchísimo, Milo.”
“Yo a ti también, Aire.”
Hinalikan nila ang isa’t isa. Kapwa sila nagpunas ng luha. Pinili nilang lisanin ang dambana. Lumabas sila na magkahawak ang kanilang kamay. Hindi na nila alintana ang nakakatusok na titig ng sambayanan. Marami na sa kanila ang nag-aalangan sa pagkatao ni Aire. Marami na ang nagsasabing diyos ito at hindi isang tao. Bago sila makalabas sa plaza, naghalikan pa sila. Lalong nainis ang lahat.
Nang maibaba na nila ang kanilang mga gamit, agad-agad silang nagtungo sa dagat upang samantalahin ang mga nalalabi nilang araw sa daigdig. Isa-isa nilang hinubad ang kanilang mga damit. Lumangoy nang lumangoy sa dagat. Nagkataon pang dalawa ang dala-dalang bote ng vino, inom lang nang inom si Milo. Nang tuluyan na siyang malango, inihiga siya ni Aire sa bisig habang nakatanaw sa mga bituin sa langin.
“Alam mo, Aire, hindi ko matanggap na ang mga lintik na bituin pa ang magsasabi kung kailan magtatapos ang buhay ko. Samantalang ginagamit niyo lang naman ang piraso nito sa paggawa ng mga sandata.”
“Nahihirapan ka na ba?”
“Aaminin ko, oo. May hindi ako sinabi sa iyo kanina sa dambana.”
“Ano ‘yon?”
Humikbi na si Milo.
“Inis na inis ako sa iyo, Aire. Ikaw lang ang pinangarap ko, at hindi ang gulo na sumusunod sa iyo sa tuwina.”
“Perdón, Milo. Perdóname.”
“Alam mo naman ang naging kasaysayan ko. Buong buhay ko, puro gulo. Hindi na ako natahimik sa iisang sulok lang para ngumiti. Palagi na lang akong umiiyak. Pero sa tuwing nakikita kong naniniwala ka sa akin, nawawala lahat ng poot ko. Naiinis man ako sa iyo, hindi ko magawa dahil pinauulanan mo ako ng pagmamahal mo.”
Niyakap ni Aire ang minamahal. Hinayaan niya lamang itong umiyak. Nadadala na rin siya at isang patak ng luha ang umagos sa kaniyang mukha. Hindi niya rin matanggap na ganito ang kaniyang magiging tadhana. Nais niya lamang na umibig sa isang tao at hindi pagbawalan. Kaya nang hawakan ni Milo ang kaniyang kamay kanina, alam niya sa sarili niya na hindi siya nagkamali sa kaniyang pasya na iwan ang Sierra Alta at mamuhay kasama ng mga tao.
Sa kanilang pag-uwi, nakita nilang naroon ang kanilang mga bisita. Naghihintay sa kanilang pagbabalik. Samantala, lasing na lasing naman si Milo.
“Akala ko umalis na kayong lahat. Salamat nga pala sa masamang balita.”
“Milo, hindi sa ganoon ‘yon,” si Candela.
“Tanggap ko na, señores. Mamamatay o mabubuhay, alam kong kailangang ilayo sa akin si Aire. Tanggap ko na! Kaya ito ako, lasing na lasing. Kung mamamatay man ako, malamang sa ibang paraan. Hindi ako kaya ni Ganador. At lalong-lalo na hindi ko aatrasan ang hijo de la gran puta na si Tenebris.”
Nagkibit-balikat ang lahat. Sa mga sandaling iyon, nais na lang nilang maglaho. Nasasaktan din sila para kay Milo.
“Ano pa ang masamang balita, Olympus?”
“Wala na, Milo.”
“Mabuti naman. Pero alam kung ano ang magandang balita?”
“Ano?”
“Natulungan kita, ang lahat ng tao. Iyon lang ang nagbibigay ng kapayapaan sa akin. Ilang bayan na rin ang inikot namin ni Aire. Kaya siguro nilagay ako sa gulo dahil alam ko kung ano ang pakiramdam ng mga nilalang na nakakaranas nito. At tanging kapayapaan lang din ang nais ko, nilang lahat. Iyon lang ang sagot.”
Saglit pa at bumagsak na si Milo. Minabuti na ng lahat na umalis na. Sinara na rin ni Aire ang buong bahay. Binalikan niya si Milo sa higaan at saka siya tumabi rito.
“Aire, te amo mucho. Gracias por todo lo que hiciste para mí.”
Isang katok ang gumising sa kanilang dalawa. Pagkalabas ni Milo, nakita niyang limang caballero ang naghihintay sa lahat.
“Buenos días, señor. Qué hacen aqui?”
“Ustedes necesitan dar la cara al Señor Davide.”
“Claro, señores. Déjennos preparar. Muchas gracias.”
“De nada.”
Pinagmadali ni Milo si Aire at kailangan pa nilang kausapin ang vistador mayor. Ramdam nila na may sasabihin ito sa kanilang dalawa tungkol sa paghahalikan sa plaza.
Hinatid sila ng isang karwahe papasok sa palasyo. Bumibilis ang t***k ng kaniyang puso dala ng kaniyang iniisip at iniindang sakit ng ulo. Hindi niya pa rin makalimutan ang mga titig ng lahat ng tao.
Sa kanilang pag-apak sa patio ng palasyo, matatanaw ang naghihintay na si Señor Davide. Agad nila itong tinungo. Saka sila pumasok sa loob ng ayuntamiento.
Isang tanong ang gumimbal sa dalawa: “Milo, Aire, ano ang ginawa ninyo sa plaza kahapon?”
“Hinalikan ko po si Aire. Bakit po?”
“Milo, marami nang nag-aalangan kung ano nga ba si Aire.”
Sa isang pitik, nagbago ng anyo si Aire. Nagulat ang vistador mayor at hindi na magkamayaw kung ano ang gagawin. Kahuli-hulihan, napaluhod na lamang siya.
“Kayo si El Patrón Viento Visto?”
“Ako nga, Señor.”
“Ano po ang ginagawa niyo rito sa daigdig?”
“Sinusunod ko ang aking puso. Katabi ko siya ngayon.”
Hinarap ni Davide si Milo.
“Cómo pudiste, Milo? Cómo? Tú sabes tanto que no podemos amar ni tener una relación con los dioses. Por qué, Milo? Por qué?”
Walang kaabok-abok na sumagot si Milo, “Porque me gusta y me ama mucho, señor.”
Nagpaikot-ikot na ang señor sa buong laki ng silid. Hindi malaman kung ano ang maaari niyang gawin. Nang makabalik na siya sa dalawa, saka siya muling kumalma.
“Señor Davide, no te preocupes. Narito ako sa daigdig upang maging tao at mahalin si Milo. Alam kong ipagtatabuyan ninyo ako, ngunit isa lang ang aking hihilingin.”
“Ano ‘yon?”
“Hayaan mo akong tumira sa dalampasigan at hinding-hindi na ako aapak pang mula sa ciudad.”
“Hindi, Patrón. Mananatili po kayo. Mananatili kayong dalawa bilang isang magkatipan. Ngunit, isa lang ang hihilingin ko sa inyo.”
“Ano ‘yon?”
“Iadya mo ang lahat ng tao sa masama.”
“Iyon na po ang ginagawa naming dalawa ni Milo.”
“Paano?”
“Isang araw, biglang sumugod sa amin si Ganador. Balak niyang tapusin ang buhay naming dalawa. Ang silbi ng bawat piedrón ay upang isaklob ang buong daigdig mula sa magiging labanan namin ni Ganador.”
“Ano? Paanong labanan? Ang propesiya ba ang inyong tinutukoy?”
“Oo, Señor. Si Milo ang nasa propesiya.”
Nagpalit na rin ng anyo si Milo. Nanlaki ang mga mata ni Davide. Kumikislap ang kaniyang mga mata sa baluti ng kaniyang menor.
“Sé fuerte, jovencito. Estoy con ustedes. Hindi na makakarating ang lahat ng mga nangyaring ito sa lahat ng tao. Makakaasa kayo sa aking pagtulong.”
“Itatago ninyo ang lahat, Señor?” tanong ni Milo.
“Oo, Milo. Kung ikaw ang nasasaad na makakagapi sa diyos ng digmaan, siya nawa. Ngunit kung anuman ang mangyari sa araw ng paghuhukom, piliin mo na lang na bumalik sa Valle Azul.”
“Sí, señor.”
Pinauna ni Davide si Viento dahil may pag-uusapan pa silang dalawa ni Milo. Maraming liham pa ang sumalampak sa mesa niya. Sa iba-ibang bayan nanggaling ang lahat. Sa isip-isip niya, tila may kinalaman si Viento kung bakit sunod-sunod ang pagpapatawag sa kanilang bayan upang hingian ng tulong.
“Señor Davide, no es lo parece.”
“Entonces, qué?”
“Walang kinalaman si Viento sa lahat ng mga liham na iyan. Sadya lang talagang malinis ang pangalan ng Buen Aire. Nataon pang tayo ang pinakamapayapang kaharian sa lahat.”
“Hindi ko pa rin makuha kung ano ang nais mong sabihin, Milo.”
“Señor, ang kaharian na ang nagmumura sa kaniyang sariling pangalan.”
“Tama ka naman. Pero paano mo nadiskubre na si Viento si Aire?”
“Sa tulong ng aking mga kaibigan sa kagubatan, nina Olympus at Señor Mariduno, binigyan nila ako ng mga encantación upang mapalabas ang tunay na anyo ni Aire.”
Umupo na si Davide. Nagkakaroon pa rin siya ng agam-agam kung tatanggapin niya ba na ang menor niya ay umiibig sa isang diyos. Taliwas ang batas na ito sa pangkalatang ideya ng pag-ibig, kung tutuusin. Sa isip niya, nais niya lamang ding maging isang ibong malaya ang lahat lalo na sa pag-ibig. Sa katapusan, humantong na siya sa kaniyang pasya: Hindi niya sasabihin ang lahat. Ngunit kapag dumating na ang panahon ng paghuhukom, wala na rin siyang magagawa.
“Milo, dahil ikaw ang pinakamasunuring sa aking mga utos, at alam kong mali ang aking pasya. Ngunit nais ko lang ding makita kang masaya. Ramdam ko ang lahat ng hinagpis mo sa daigdig. Ayaw ko nang dagdag pa ang mga bundok sa iyong balikat. Kaya naman makakaasa kang sumasainyo ang aking pagtanggap. Hangga’t maaari, nais kong ako ang magkasal sa inyong dalawa.”
“Salamat, Señor Davide. Salamat sa pag-unawa sa aming nararamdaman. Makakaasa kayo sa inyong kahilingan. Nawa’y mangyari.”
“Siya nawa.”
Sa pagbabalik ni Milo sa gitna ng ciudad, nakita niya si Viento na nasa hagdan ng dambana at tinatanong ng mga tao. Ngumiti lamang ito. Alam niya na ang gagawin. Hindi muna niya tatawagin sa pangalan ang kaniyang katipan. Pinapanood lamang ni Milo ang mga nangyayari.
Isang bata ang nakapukaw ng pansin ni Viento. Pinapalapit niya ito at pinatabi.
“Ano ang iyong ngalan?”
“Dendro po.”
“Ilang taon ka na?”
“Pitong gulang po.”
“May itatanong ka ba sa akin?”
“Opo, Patrón. Mapapatawad niyo po ba ako sa hindi pagsunod sa aking magulang?”
“Chaval, mapapatawad kita. Ngunit, ngunit, kailangan mong sumunod sa iyong mga magulang. Makakabuti rin iyon sa iyo.”
“Paano naman po kapag naglalaro ako at hindi agad ako pumapasok sa bahay para kumain?”
“Nais mo bang mawalan ng lakas para makipaglaro sa ibang bata?”
“Hindi po.”
Ngumiti si Viento sa bata.
“Kaya naman kapag tinawag ka ng iyong mga magulang, pumasok ka muna at kumain kasabay nila.”
Tumayo ang bata at niyakap siya.
“Salamat po, Patrón.”
“Vaya con la bondad, chaval.”
Sunod-sunod pa ang nagtatanong sa kaniya. Hindi niya alintana ang pagod dahil natutuwa siyang alamin kung ano ang nais ng bawat isa sa buong bayan. Ang kahuli-hulihang nagtanong sa kaniya ay isang dalaga na nagngangalang Aritza na hindi naniniwala sa mga diyos. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may taong makikipag-usap sa kaniya na may ganitong paniniwala.
“Señor, alam kong nagpanting ang inyong tainga.”
“Hindi, chavala. Nakakagulat man, ngunit hindi rin kita masisisi.”
“Kasi naman po, sa matagal na panahon, hindi naman kayo nagpapakita sa amin. Dinadasalan lang kayo ng mga tao. Iyon ang hindi ko maunawaan.”
“Ganito, chavala. May mga taong kalakip ng kanilang pagkatao ang kanilang paniniwala. Marahil ay naghahanap sila ng tutugon sa kanilang mga tanong tungkol sa buhay. Marahil ay nasa ilusyon sila na bawat mali nila ay may kapalit. At totoo naman. May kapalit lahat ng ating gawi. Ngunit sa katulad mo, magkakaroon ng bagong hudyat ang bawat paniniwala sa daigdig. Maaaring hindi pa ngayon matatanggap ang mga katulad mo. Darating din ang araw na magiging bahagi na lang kami ng alamat at kasaysayan pinipinta na lamang sa mga dingding at papel.”
“Sinasabi ba ninyo na maaaring nahanap ko ang aking sarili?”
“Oo. Kaming mga diyos man, gumagalaw lamang upang panatilihin ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng galaw sa kalawakan. Saka, may karapatan kang maniwala sa ibang bagay kahit na walang mga diyos sa iyong hinuha.”
“Muchas gracias, Señor.”
“De nada. Vaya con la bondad.”
“Usted también.”
Pumasok sa dambana si Viento.
Tuwang-tuwa si Milo dahil unti-unti nang nababawasan ang tinik sa kaniyang dibdib. Sa pagsasara ng pinto ng dambana, hinalikan ni Milo ang kaniyang katipan. Nangungunti na ang mga binti niya sa pagkasabik na punan ang kaniyang pagka-uhaw.
“Milo, alam kong uhaw na uhaw ka na.”
“Viento, salamat sa lahat ng ginawa mo ngayon.”
“Walang anuman. Kung kinakailangan kong bumalik sa pagiging diyos, gagawin ko para sa iyo.”
“Pero bakit mo piniling ipakita ang iyong anyo?”
“Bago pa man ako bumalik sa harap ng dambana, naglaho muna ako. Pagkatapos, lumitaw na ako roon bilang ako.”
“Sakit mo rin sa ulo kung minsan. Pero salamat.”
“Walang anuman.”
“Mauuna na ako sa bahay.”
“Sige.”
Sa kaniyang paglalakad, may namataan siyang isang lalake na naglalakad patungo sa kaniyang tahanan. Maraming dala-dala at halos bibigay na. Agad-agad niya itong tinulungan.
“Te puedo ayudar?” tanong ni Milo.
“Sí, por favor.”
Binitbit ni Milo ang ilang mga cartera at isang malaking kalatas. Tila malayo-layo na ang nilakbay nito. Halos sira-sira na ang sandalyas at iika-ika na ring maglakad. Nang makarating na silang dalawa sa kaniyang tahanan, pinaupo niya muna ito. Nagluluto na rin siya na maaari nilang kainin. Nang balikan niya ang lalake, nagulat siya sa kaniyang nakita. Hindi pala ito isang tao. Isa na namang diyos ang pumasok sa kaniyang tahanan.
“Quién es usted, Señor?”
“Soy Señor Cozir.”
“El Dios de las Comidas y Alimentación.”
“Bueno, sinabi sa akin ni Borealis na dito ko makikita ang aking kapatid.”
“Papauwi na siya maya-maya lamang.”
“Cómo te llamas?”
“Milo.”
“Gracias.”
Sabay na silang nagluluto. Nakita ni Milo ang mga sangkap na nilabas ni Cozir. Mga pampalasa na siya mismo ang gumawa. Iba ang samyo ng bawat isa. Habang nagluluto, nagkukuwento na rin si Cozir tungkol sa kapatid na si Viento. Madalas na silang dalawa ang magkasama dahil siya lang ang takbuhan ni Viento kapag may nais siyang sabihin. May isang pangyayari na bumaba sila sa lupa upang makisali sa isang pagtitipon. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, luamabas ang pakpak nito. Agad-agad silang naglaho at bumalik sa Sierra Alta. May isang beses naman na nabanggit ni Viento na may tao siyang nagugustuhan.
“Sino ang nagustuhan ni Viento?”
“Isang vistador menor. Rosso ang pangalan. Kahawig mo nga, e. Iyon nga lang, hindi maaaring magtipan ang tao at ang diyos. Minabuti niya na lang na iwaglit sa isipan ‘yon.”
“Samakatuwid, mahilig siya sa mga vistador menor. Tama ba?”
“Oo, ang mga vistador menor kasi ang simbolo ng kalinisan. Ngunit kung may kilabot ng mga vistador, si Ganador na iyon.”
“Bakit naman si Ganador?”
“Vistador ka. Mabuti ka. Madalas na nakakahumaling ang kaunting likot sa katawan. Isa pa, si Ganador ang pinakamagandang lalake sa lahat ng diyos. Hindi na ako magtataka kung maraming nagnasa sa kaniya.”
“Hindi ako.”
“Bakit?”
“Ayaw ko sa masasamang elemento.”
Pumasok na si Viento sa loob ng tahanan. Gulat na gulat siya nang makita ang kapatid na si Cozir. Kakatwa ito dahil hindi lumalabas ang kaniyang kapatid sa Sierra Alta sa matagal na panahon. Doon na siya nagpasyang pumitik sa hangin upang makita kung siya nga ba ito.
Natulala bigla si Milo nang makitang hindi si Cozir ang kaniyang katabi. Si Ganador na pala.
“Canalla! Qué haces aquí?”
“Pues, voy a tener este lujoso conmigo!”
Agad na sinunggab ni Ganador si Milo at naglaho silang dalawa. Napaluhod na lang si Viento, umiiyak. Nanulok na ang kaniyang mga mata. Tumayo na siya agad-agad. Naglaho na rin siya sa hangin upang hanapin ang kaniyang mahal.
Inikot niya ang lahat ng maaaring puntahan ng kaniyang kapatid. Wala ito sa kaniyang palasyo sa Sierra Rota. Nagtungo siya sa Polo Norte.
“Borealis! Borealis! Estás ahí?!”
Pinagbuksan siya nito.
“Ano’ng ginagawa mo rito, Viento?”
“Dinakip ni Ganador si Milo.”
“Paano?”
“Nagbalat-kayo siya bilang si Cozir.”
“Hijo del pescuezo roto. Ibabaon ko na talaga siya kapag nakita ko siya ulit.”
“Ya, vámonos!”
Napadpad sina Ganador at Milo sa isang yungib na pamilyar sa kanilang dalawa. Ito ang yungib sa bayan ng Bardoza. Silang dalawa lamang ang laman nito. Inihiga niya si Milo sa isang patag na bato saka kinadena ang magkabilang kamay at paa. Hindi maiwasang marahuyo ni Ganador sa vistador menor sa kaniyang harapan. Napadila na lang siya nang makita ang makinis na binti ni Milo.
“Alam mo, sa lahat ng vistador menor na nakita ko sa lahat ng panahon, ikaw na ang pinakanakakaakit sa lahat. Aaminin ko, ang intensyon ko noon ay agawin ka kay Viento. Lahat na lang ng pinakamagagandang bagay sa daigdig, mayroon siya. Ako, kailangan ko pang gamitan ng kung ano-ano para lang maakit ang mga vistador menor.”
“Bakit? Hindi mo ba matanggap na hindi ka laging nagugustuhan ng lahat?”
“Oo! Oo, carajo!”
Umugong ang boses ni Ganador sa buong yungib.
Tinitigan niya nang maigi ang mukha ni Milo. Nilapit niya ang kaniyang mukha, saka ito hinalikan sa leeg.
“Ganador! Aléjate de mí!”
Sinakal niya si Milo.
“Claro qué no! Ahora que tengo tu cuerpo para festejar? Por favor.”
Tumawa siya nang malakas. Binalikan niya ang pagkahumaling kay Milo. Winarak niya ang tunika. Naglaway siya nang makita ang makinis na katawan. Hinaplos niya nang dahan-dahan hanggang hita. Nang masumpungan na ng tatlong ulit, saka niya hinubad ang tapis ni Milo.
“Kakaiba talaga ang ganda ng mga vistador menor. Biruin mo, makakahanap pa pala ako ng ari na kulay rosas at namumula-mula?”
“Hayop ka talaga, Ganador. Tandaan mo itong araw na ito.”
“Talaga. Tatandaan ko ito bilang tagumpay sa aking sarili; Na nakahanap rin ako ng isang vistador na pagsasawaan ko nang paulit-ulit.” Pumatong na si Ganador sa kaniya. “Hindi ko na pala kailangan ng tulong ni Cozir sa panlalansing. Mainit-init ka pa, Milo.”
Dinuruan ni Milo si Ganador. Ganti nito ang isang malapot na halik sa kaniyang dibdib.
“Gracias a los dioses por tener esta comidita conmigo.”