16: Crujía los gitanos.
Dala-dala pa rin ni Ganador ang kaniyang pagmakuhi kina Milo at Viento. Hindi niya matanggap na isang tao ang makakatalo sa kaniya. Naikintal niya sa isip ang mga titig ni Milo - nanlilisik at may posisyon. Hindi mabakas ang takot o alinman. Buong-buo ang paniniwala sa kaniyang kapatid. Ngunit, sa isang banda, nakita niya rin kung saan ang kaniyang hangganan.
“Matatalo rin kita, Viento. Dadanak ang iyong dugo sa aking mga palad,” sabi niya sa sarili, tila kukulo ang kaniyang galit sa isang sandali.
Sa kaniyang palasyo sa Sierra Rota, makikita ang mga bakas ng kanilang pinag-awayan sa laksa-laksang taon. Makikita ang kaniyang pagkatalo sa bawat yugto ng kasaysayan. Ngunit, sa kabila ng lahat, hindi pa rin maitatago ang kaniyang pagiging mabuting alagad sa kaniyang ama. Suot-suot niya pa rin ang kuwintas na bigay nito. Isang diyamante na pula, kumikislap sa pagtangis ng araw. Nakapaloob doon ang kaniyang kabutihan. Hindi niya maitago ang paninibugho kay Viento dahil palagi itong inaayunan ng Diyos na Marzo.
Sa kaniyang pagmamasid sa libo-libong bayan na kaniyang natatanaw, ramdam niya ang kawalan ng kalayaan. Sa lahat-lahat ng diyos, siya lang ang hindi maaaring gumalaw, maliban na lang kung may digmaan. Siya, kasama ni Vitas, ang tagapagpayapa ng lahat ng sigalot sa daigdig. Ngunit hanggang saan siya gagalaw pa? Hindi niya na alam.
Kung tutuusin, nais niyang hayaan na lang si Viento. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, isang diyos pa ang sumasakal sa kaniya - si Tenebris. Nais nitong pagharian ang buong daigdig, kapalit ng buhay ng lahat ng diyos sa Sierra Alta. Nagkita sila sa Debajalir, ang ilalim ng daigdig na siyang pinaglalanguyan ng lahat ng kaluluwa, ang impyerno na may liwanag sa dulo - ang Elizar. Dala-dala niya ang mga dahilan kung bakit dapat siya ang kanang-kamay ng Ama, sa halip na si Viento. Tinalupan ni Tenebris ang isang sugat sa damdamin ni Ganador. Giniit nito na kailangang ilaban niya ang nararapat para sa kaniya, maging buhay o kalayaan man ang kapalit. Noong una, wala na siyang pakialam kung anuman ang mga maaaring mangyari - makulong man sa Tartaro o masaksak ng navaja de justicia at maaaring maglayo sa buong kalawakan. Nang lumaon, unti-unti na siyang natatauhan. Bawat pagsugod niya ay maaaring palabas na lamang.
Habang nakatitig sa isang flora, isang itim na aura ang sumanib sa kaniyang katawan. Pagkalingon niya, nakangising si Tenebris ang lumitaw. Napaluhod na siya at hindi makagalaw. Umaangat ang kaniyang katawan, saka tumalsik papunta sa isang dingding.
“Qué barbaridad, Ganador. Ano’ng ginagawa mo at parang nangunguyakoy ka na lang?”
Sinubukang lumaban ni Ganador, ngunit giniyang siya ng aurang itim na sumanib sa kaniya.
“Ya no puedo más, Tenebris. No quiero matar a Viento.”
“Tan de cobardía, eh? Pienso que quisieras tener el mundo en tus manos? Pero por qué muestras mucha debilidad? Dime!”
“Lo quiero decir es que... se acabó!”
“No, no, no! Debes hacer todo hasta la saciedad.”
Sinunggab ni Tenebris si Ganador.
“Wala ka nang magagawa. Mamili ka: Mamamatay o magiging kanang-kamay kita?”
Akmang sasalingin na ni Ganador si Tenebris nang bigla itong naglaho. Bumuhos ang luha. Hindi niya na maiangat ang ulo.
“Qué me pasa?” tanong niya sa sarili. “Ayúdadme, por favor.”
Wala na siyang mahingian ng tulong, kahit ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Fogo. Mainit ang mga mata nilang lahat sa kaniya. Lalo pa nang malaman nila na siya ang kumuha ng navaja de justicia, kung may pagkakataon lang si Borealis, malaman ay isa na siyang bangkay na nangangatog sa lamig sa Polo Norte.
***
Nagbabasa ng isang epiko si Olympus. Tungkol ito sa diyos na si Tenebris. Nasusulat ang hitsura ng diyos ng kadiliman at kamatayan. Itim na tunika na may mga butil ng ginto sa bawat laylayan, buhok na nag-aapoy ng kulay ginto, mga matang matatalim at kulay pula, at kutis na mas maputi pa sa Polo Norte. Ang kapangyarihan nito ay hindi lamang manguha ng kaluluwa ng isang diyos o isang tao, kung hindi ang paggamit rin ng makamandag na titig upang makuha ang loob at kaluluwa ng tao o diyos na kaniyang kaharap. Samakatuwid, ang pumatay at mangain ng kaluluwa.
Tinungo niya si Señor Mariduno upang magtanong.
“Señor, está haciendo algo?”
“No, por qué, Olympus?”
“He estado leyendo este epico de El Patrón del Mal, Tenebris.”
“Eso qué?”
“Pienso que usara otras entidades para hacerlo un favor.”
Nanlaki ang mga mata ni Mariduno. Ramdam niyang nakatunog na ang kaniyang alumno.
“Estabas pensando que Tenebris tuviera que ver de que ocurrió con El Patrón de la Guerra, Ganador?”
“Sí. Al principio, en cuanto estaba leyendo todo lo posible, no tuvo sentido que Ganador vaya a hacer algo porque es el dios de guerra. Debe resignar hasta la libertad. Aunque hay historias para corroborar Ganador en todos los sucesos, no debe alejarse ni moverse, excepto por los motivos de parar la guerra de maldad como motivación. Verdad, señor?”
“Eres una maravilla, Olympus. Debemos enviar una carta al Milo.”
“Claro que sí. Pero debemos hacer otros estudios para cumplir y sujar todo en la carta.”
“Eso sí.”
Tinungo nila ang bagong karwahe ng monasterio. Aalis sila papunta sa Bosque de Maravilla. Dala-dala na rin nila ang mga papel na sinaliksik ni Olympus. Sa isip ng binata, hindi niya nagugustuhan ang kaniyang nakikita sa kaniyang mga panaginip nitong nakaraan. May isang maitim na kapangyarihan na lumilitaw sa likuran ni Ganador sa mga paghaharap nila ni Milo. Iyon ang pumipigil sa hinaharap at hindi niya malaman-laman kung sino ang mamamatay sa dalawa. Sa loob-loob niya, itatago niya na lang muna ang mga haka-haka. Nais niyang malaman nilang lahat nang sabay-sabay.
Nakikita na nila ang gubat. Inutusan nila ang hinete na ibaba na sila sa entrada ng kagubatan. Inabisuhan na rin niya na bumalik ito kinabukasan upang sunduin sila.
Sa kanilang pagdating, nakita nila na may kasama si Señor Cristobal. Isang matangkad na lalake. Ginintuan ang buhok at matipuno. Mala-oso ang dami ng buhok nito sa katawan. Lumitaw din bigla si Candela at nakitang hinalikan ang lalake.
“Pero bueno, Candela!” bulyaw ni Señor Mariduno.
“Mali ‘yang iniisip mo, Mariduno.”
“No, no, no! Están besándose.”
Tumikhim si Fogo.
“Sí, señores. Soy yo, Fogo.”
Hindi halos makagalaw ang dalawa dahil isa na namang diyos ang kanilang kaharap. Lalo na at hindi nila inaasahan na ang pinakamasunuring diyos pa ang humahalik sa isang tao.
“Señor Fogo, qué hace aquí?” tanong ni Mariduno.
“Ito, binabali ko na ang batas ng Sierra Alta. Nangungulila ako sa bawat titig at yakap ni Candela. Sawa na ako sa pagiging sunud-sunuran. Nais ko namang maramdaman ang saya.”
Sa isip ni Olympus, tao lang din ang mga diyos. Ang pinagkaiba lang ay may kapangyarihan sila na hindi pangkariwan. Kapalit ng kapangyarihan nila ang pag-iisa sa matagal na panahon. Bawal makipagtipan sa mga tao o kahit ano. Ngayon niya pa lang napapatunayan ang kaniyang mga teorya.
Binasag ni Cristobal ang sandali ng pagkamangha.
“Naparito kayo na walang abiso?”
“Señores, may nabuo na namang teorya si Olympus.”
Pumasok na sila sa yungib ni Mariduno. Isa-isa na silang nakaupo. Tanging si Fogo lang ang walang maunawaan sa mga nangyayari. Nagtanong siya kay Candela.
“Ano ba ang mga nangyayari?”
“Ikaw itong diyos, tapos hindi mo alam ang mga nangyayari?”
“Madalas lang naman akong nasa taller ko at gumagawa ng mga makabagong sandata.”
“Napakapambihira mo naman talaga. Makinig ka na lang kay Olympus.”
Tumikhim si Olympus. Isa-isa niya nang nilalatag ang mga kasulatan ng kaniyang pagsasaliksik.
“Ganito ang aking haka-haka: Paano kung hindi pala si Ganador ang nasa likod ng mga pangyayari?” Umimbay ang kamay nito. “Sa ilang daang aklat tungkol sa pagkakakilanlan at hitsura ng mga diyos, nasusulat sa banal na kasulatan ng Canciones santas historiales na may isang diyos na makapangyarihan tulad nina Diyos na Marzo at Diyosa na Nerea na madalas gamitin ang kapangyarihan upang lansingin ang sinuman, tao o diyos.”
“Espérate, chaval. A quién te refieres? Mi hermano Tenebris?”
“Sí, Señor. Posibleng nakakulong sa iisang ilusyon na gawa ni Tenebris ang inyong kapatid. Hangga’t maaari, kung nais niyo siyang harapan, mangyaring kausapin ninyo. Sa nakikita ko, Señor, siya ang mamamatay sa digmaang si Tenebris ang nagsimula.”
“Algo no cuadra, chaval. Por qué piensas que mi hermano fuese a hacer algo así?”
“Porque, Señor, su hermano tiene un plan para recuperar La Sierra Alta y matara todos los dioses por ahí. Es posible que le usara para hacer un favor o algo. Pregúntese su hermano, Señor.”
Napatikom ang bibig ni Fogo sa narinig. Saka lang siya nasumpungan ng mga nangyayari. Sa kabila ng kaniyang pagkainis, nakaramdam siya ng awa sa kapatid. Ngunit hati pa rin ang kaniyang isip. Aniya, kahit na may kalayaan itong mamili kung itutuloy o hindi ang pagsisimula ng isang sigalot, bakit mas pipiliin nitong lumaban? Doon na bumalik ang ideya na baka nga naikulong na ni Tenebris si Ganador sa isang kahon kung saan wala na itong kawala.
Nagpapatuloy pa rin si Olympus sa pagbibigay ng linaw sa kaniyang teorya. Pero sa mga piraso ng kasaysayan at alamat na mayroon siya, may posibilidad na mangyari ang lahat. Aniya, hindi nagsisinungaling ang isang kuwento, lalo na kung nakadikit ito sa banal na aklat. Kahit pa man siya, hirap na hirap iwasan ang mga dapat mangyari dahil kailangang mangyari ang lahat ng iyon. Kung may pagkakataon lamang siya na gawin ang isang bagay, ‘yon ay ang pigilan ang napipintong kamatayan ng dalawang diyos at paglalaho ng kapangyarihan ng isang tao. Nakita niya rin na mawawalan ng tinig si Milo, at iyon ang maghuhudyat ng kaniyang pagkaparam sa mata ng taumbayan. Ngunit, igigiit ni Olympus na dapat mangyari ang lahat dahil daigdig na rin ang siyang susulat ng bagong kasaysayan nito.
***
Bumaba sina Milo at Viento sa isang lambak sa pagitan ng bulubundukin ng kaharian ng Valentía at ng Alquivar. Malawak ang buong lugar at tanging mayayabong na puno lamang ang makikita. Hindi na halos makita ang mga bundok. Masukal at hindi pa rin nila mahanap kung nasaan ang bayan.
Binasa muli ni Milo ang sulat na kaniyang natanggap sa pinuno ng mga gitano at gitana na si Zahira. Nakapaloob sa liham ang kanilang pagnanais na humingi ng tulong upang hindi na muli pang sugurin ng dalawang kaharian. Narinig nila ang balita tungkol sa ginawang pagtulong ng Buen Aire sa mga Fuguense.
“Milo, sa tingin mo, tatawagin ko pa ba si Fogo para humingi ng tulong?”
“Hindi na.”
“Bakit naman?”
“Ikaw ang Diyos ng Silangan. Ikaw ang sinasamba nila, hindi ang iyong kapatid. Harapin mo ang iyong mga tagasunod. Hindi lang Buen Aire ang nananalig sa iyo.”
Napabuntong-hininga si Viento.
“Sana talaga naging tao na lang ako.”
“Kung tutuusin, tao ka lang din naman. May kapangyarihan ka at kami naman, wala. Nararamdaman mo rin ang mga nararamdaman namin. Bumibigat ang kalooban mo kapag hindi ka nasisiyahan. Gumagaan naman kapag magkasama tayong dalawa. Pero, maaaring mali rin ako. Ano nga ba ang alam ko hindi ba?”
“May punto ka. Bilang ilang libong taon na rin kaming narito sa daigdig. Baka mga mas tao pa kami sa mga tao. Kadalasan na pinipili na lang naming bitiwan lahat ng nararamdaman namin at tulungan ang lahat ng nilalang.”
Huminga nang malalim si Milo. Iniikot ang ulo upang hanapin kung nasaan nga ba ang bayan. Dahil sa pagkainip, nililipad nina Milo at Viento ang kabundukan. Hinahanap nila ang bayan ng mga gitano at gitana. Limang bayan na ang kanilang nalampasan, ngunit wala ni isa sa mga ito ang nakakaalam. Ang sabi lamang sa liham ay nasa pagitan ito ng bayan ng Alquivar at Valentía. Doon na silang nagpasyang bumaba na sa lupa at maglakad-lakad. Ang kaharian ng Alquivar at kaharian ng Valentía ay pinaghihiwalay ng dalawang bulubundukin. May mga alamat tungkol sa mga gitano at gitana na pumapatay sa mga ito. Hanggang sa lumabas ang totoo at sinisiraan lang pala ng dalawang kaharian ang mga ito.
“Milo, ang hirap hanapin ng kanilang bayan. Gamitin ko na lang kaya ang kapangyarihan ko?”
“Ikaw ang bahala.”
Lumabas ang pakpak ni Viento.
“Huwag kang aalis dito. Iikutin ko lang itong bulubundukin.”
“Sige.”
Hinalikan niya ang kasintahan at saka lumipad. Isang malakas na bayo ng hangin ang sumampal sa lupa. Isang pamilyar na tela ang lumitaw. Isang lahi lamang ang nakakagawa ng disenyo na may mga hugis at makukulay na linya. Ang mga gitano at gitana. Nasa gawing silangan nila. Bumaba na ulit si Viento at saka sinabi kay Milo kung nasaan ang mga ito.
“Milo, alam ko na kung nasaan sila.”
“Sa may hilaga ba?” Tinuro niya ang mga gitana. “Ito na sila. Dito pala tayo susuduin.”
Natawa na lang si Viento at humingi ng paumanhin kung may mga nasira mang mga gamit. Napuna ni Viento na may mga babae na magkahawak ang kamay. Ganoon din sa mga lalake. May mga naghalikan pa bago humayo kasama nila.
Kapansin-pansin ang kapal ng kanilang mga kulot na buhok. Ang balat nila ay mala-marrón ang kulay. Iba ang talas ng kanilang mga mata ang matatangos ang ilong.
“Kayo ang Mahal na Viento Visto, tama ba?” tanong ng babaeng pinuno na si Zahira.
“Siyang tunay.”
“At magkatipan kayong dalawa ni Señor Milo?”
“Oo, tama ka.”
Nanlaki ang mga mata ni Zahira sa narinig. Hindi siya makapaniwalang magkakatotoo ang isang banal na kasulatan tungkol sa isang diyos na makikipagtipan sa isang tao.
“Mahal na Viento Visto, alam niyo bang nasusulat ang inyong pagsasama sa aming banal na kasulatan?”
“Paano, Señora Zahira?” tanong ni Milo.
“Señor, sa paniniwala naming mga gitano at gitana, dapat na may mga diyos na nakikipagtipan sa mga tao. Tanging bayan lang ng Eridizar ang hindi sumasang-ayon sa naging batas na ‘yon. Mali na alisan ang dalawang nilalang ng karapatang magmahal.”
“Sa madaling sabi, hindi ang Buen Aire ang nagpasimula ng pagkakasal sa parehong kasarian?” tanong muli ni Milo.
“Opo. Sa katunayan, may mga archivo o lumang kasulatan kami na may mga Vistense na nagtungo sa aming kaharian upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawang babae. Ang kauna-unang pagkakasal ng magkatulad na kasarian sa buong daigdig.”
“Vaya! Vaya! No lo puedo creer, Señora Zahira. Puedo ver los archivos después?”
“Claro qué sí, Señor.”
“Gracias.”
“De nada.”
Sa kanilang pagdating, isang malaking fortaleza ang nakita nila. Ang kagandahan pa nito, matatayog ang mga puno at halos natatakpan na rin ang buong bayan mula sa itaas. Hindi pangkaraniwan ang baluti ng mga caballero at iba pang kawal. Dalawa ang kanilang mga sandata - isang sibat at isang espada na nakasabit sa likuran. Nauna ang mamamayan bago makapasok ang tatlo.
Pagpasok nila, kagila-gilalas na tanawin ang kanilang nakikita. Sa pinakagitna ay may matayog na puno na mayabong at halos natatakpan na nitong ang buong gitna ng bayan. May matayog na poste sa tapat ng dambana. Malalawak ang mga daan. Dahil sa mga puno, halos liko-liko at makikitid naman ang sa iba. Malalaki ang hati ng mga distrito.
Ang pananamit naman nila ay iba sa pangkaraniwan. Nakatunika sila na kulay morado at may mga belo ang ibang lalake at babae. At lahat ay may alampay na pamigkis mula balikat hanggang balakang.
“Señora Zahira, bakit sila may suot-suot na belo?”
“Tanda iyan na mga binata at dalaga na sila. Isang ritwal upang ipakita sa mga binata at dalaga ng bayan na sila ang hahalili sa amin balang araw. Ang belo ay sumisimbolo sa mga gampanin na kanilang haharapin. At dahil manipis ang belo, nangangahulugan naman ito na habang gumagawa sila ng mga hakbang o desisyon, kailangan nakikita rin nila ang ibang dako. “
“Ngayon ko lang narinig ang ganiyang ritwal. Nakakahalina. Nakakabawas ng kaba dahil mahirap ang pagtanda.”
“Siyang tunay, Señor Milo.”
Matapos na ikutin ang buong bayan, pumasok na sila sa dambana. May ibang samyo ang loob. Nakakaginhawa ng pakiramdam. Parang nananaginip nang gising si Milo.
“Bueno, Señora, Viento y yo tenemos una propuesta.”
“Qué es eso, Señor.”
“Vamos a poner un piedrón con color morado. Entonces él va a dar una aura interior, un poder de la abundancia del aire para herir mucho los conquistadores. Además, ese piedrón puede cubrir todo el hogar, todas partes de Eridizar. Otros poderes van a ocurrir en el momento más necesitado.”
“Muy buena noticia, Señores.”
“De nada, Señora.”
Nag-umpisa na silang dalawa sa paglipad. Pinapanood lang sila ng mga tao. Nang ibinuka ni Viento ang kaniyang palad, lumabas ang isang piedrón. Nilagak ito sa ibabaw ng poste. Umuusal siya ng dasal, saka lumutang. Isang patayong linya na kulay morado ang lumabas. Nagkaroon ng malaking aura ng simboryo sa ibabaw ng bayan. Sumipol nang matining si Viento at gumaan ang hangin sa paligid. Kusang napapikit ang lahat ng tao. Pagdilat nilang lahat, lalong naging luntian ang mga puno. May saya sa mga huni ng ibong lumilipad. Bawat ibon na lumalapit sa piedrón ay nagiging kulay asul panandalian, saka babalik sa dati nitong kulay.
Bumaba na si Viento at sinundan niya si Milo sa labas ng dambana. Nagtipon ang mga tao at galak na galak ang lahat dahil nakita na rin nila ang Diyos ng Silangan.
“Mi gente, gracias por creerme por siglos. Por favor aceptad este regalo que tengo para vosotros.”
“Muchísimas gracias por vernos, Vuesa Magistrad.”
“Makakaasa kayong lahat sa akin pagkalugod at pagliligtas sa inyong pinakamamahal na bayan.”
Nagdiwang ang lahat pagkatapos. Umaalon ang kanilang mga boses. May dalang dahuyo at papuri sa iisang tono. Ilang saglit pa, makikitang sumasayaw na ang mga tao sa ibabaw ng makapal na tabla. May mga tambol din at mga instrumentong may kuwerdas. Ibang kultura ang kanilang nakikita. May mga babaeng nakasuot ng damit na hapit sa kanilang mga katawan. Iba ang kanilang sapin sa paa. Isang sapatos na may bakal na takong, at parte rin ito ng tugtog. May suot-suot silang tig-iisang rosas sa tainga. Pumipilantik ang kanilang mga kamay. May iba naman na hinahawakan ang kani-kanilang buhok at winawagwag ito sa hangin.
Sa pagsapit ng gabi, tumama ang liwanag ng buwan sa piedrón. Isang malaking simboryo ang bumalik sa buong bayan.
Kinausap nila si Zahira tungkol sa gitana sa epiko ni Fortis. Ilang detalye ang itinama ng gitana.
“Ang gitana na nasa lagusan patungo sa pinto ng Dabajalir, may kaugnayan ba siya sa inyong mga ninuno?”
“Oo, siya si Sensatez. Isang gitana na naghangad na maging bahagi ng Debajalir. Siya rin ang pinaniniwalaang makapangyarihang gitana sa kaniyang panahon. Napakaputi ng kaniyang tunika at belo. Nakakabighani ang kaniyang mga titig. Maraming nagpakamatay na prinsipe dahil sa kaniyang pagtanggi sa kanilang pag-ibig. Maalam din siya sa mga encantación ng dilim. At isang araw, nilamon ng dilim ang kaniyang kaluluwa. Dinakip siya ni Tenebris at ginawang tagabantay ng lagusan. Ang kaniyang kapangyarihan na nagmumula sa isang piraso ng tala ang nagbibigay lakas sa lahat ng kaniyang nais. Isang sambit niya lang at may namamatay na tao. Siya rin ang dahilan kung bakit masama ang tingin sa aming lahat. At hanggang ngayon, kami ang nagbabayad sa gulong dinala niya sa lahat ng bayang naapakan niya.”
Kitang-kita ang pagkainis sa mga mata ni Zahira. Sa kabila ng inis at poot, naghahanap pa rin siya ng mabuti paraan upang baguhin ang pananaw ng mga tao tungkol sa kanilang lahi. Marami pa siyang binahaging aral mula sa kanilang banal na aklat. Mga epiko ng kanilang mga ninuno na naglakbay mula sa malayong silangan hanggang makarating sa kontinente ng Grecoria, at iba pa.
Sinamantala na rin nila ang pagbabasa sa kasaysayan ng Eridizar. Isa itong bayan ng mga dayuhan mula sa bansa ng Indus sa malayong silangan. Sa matagal na panahon, madalas silang pinapaalis ng mga Hispense sa nasasakupang lupa nito. Ang mga pinuno nila ang nagpasya na maging lagalag sila sa matagal na panahon. Hanggang sa isang araw, napadpad sila sa lambak na ito sa pagitang ng dalawang bulubundukin.
Pinili nilang manatili na rito. At sa pagtapak sa lupain na ito, itinaga na rin nila ang kanilang mga kaugalian at sining na nabuo mula sa pagiging lagalag. Dala-dala rin nila ang kanilang bagong debosyon sa isa sa mga kinikilalang diyos ng kaharian ng Valentía - Si Viento Visto. Para sa mga Edirizaño, si Viento Visto ang pinakamakapangyarihang diyos sa buong kalawakan. Siya ang nagbigay ng hininga ng buhay sa lahat ng nilalang sa daigdig. Sa kanilang banal na aklat, nasusulat ang natural na pakikipagtipan ng diyos at tao.
Isang bahagi ng liriko ang pumukaw sa kanilang dalawa.
Por el amor nunca se equivoca,
ni los dioses o la gente tampoco
pudieran evitar la inmárcesible roca
de su poder que nunca perderá a poco.
Pagpatak ng araw, humayo na silang dalawa. Nagpaalam sila sa lahat ng tao. Saka lang napagtanto ni Viento na hindi siya nagpalit ng kaniyang anyo. Trinato siya na parang pangkaraniwang tao lamang. Samantalang si Milo naman ay natuto ng bagong kultura na maaari niyang baunin sa kaniyang pag-uwi sa Buen Aire.