15: Lo de ser libres, ir luchando por la vida y un deseo espéctacular.
Umaga na at kakatapos lang ng pagbubukas ng dambana. Hindi mababanaag ang nagbabadyang panganib. Nagpapalitan lamang ng ngiti at mga haka-haka ang mga tao tungkol sa ibang mercante. Humahalimuyak na naman ang bango ng manzanilla at nardo. Isang saglit pa at biglang natahimik ang sambayanan. Nang matapos ang pagsamba ng mga tao, siya rin namang dating ng prinsipe na si Cipriano. May dalang itong balita. Isang hindi magandang balita na mababakas na agad sa mga mata nitong nanginginig.
“Buenos días, Nuestro Principe. Lo puedo ayudar por algo?”
“Sí, Señor. Necesito hablar con usted por lo que ocurrió entre Tierra del Fuego y Buen Aire.”
“Qué ocurrió, Señor?” tanong ni Milo.
“Eh, El reino de Hispania quiere recuperar el estado. En este caso, necesita hablar con ellos en sus pedidos.”
“Pues, esto es lo que habrá occurido: Vamos a pedir un plebescito a la audiencia, al senado y al primer ministro de Hispania. Si no quieran aceptar el pedido, pues, necesitan dejar en paz La Tierra del Fuego. Ahora, la razón que tienen es que el pueblo tiene mucha fuerza para protegerse de ellos. Quieren tener los poderes magicos, los poderes de los alquemistas y el arte y poder de los herreros que habían perdido por mucho tiempo.”
“Tiene razón. Vamos a pedir otro consejo de nuestro senado y gobernadores.”
Sa pagtatapos ng usapan, nagtungo na sina Milo, Aire, at ang prinsipe sa bayan ng Bardoza, kung saan napili magkita ang dalawang konseho, kasama sina Señor Madurozo at ang Primer Ministro Educo. Matapos ang ilang araw na diyalogo sa mga mamamayan ng Tierra del Fuego, nagwagi pa rin ang mga Buen Aire upang ariin ang bayan.
Hindi ito natanggap ng konseho ng hari ng Hispania. Nagdeklara sila ng digmaan laban sa Buen Aire. Sa mga sandaling iyon, kabi-kabilang panaghoy ng trompeta ang maririnig sa buong kaharian. Nagmartsa na rin ang mga caballero ng ciudad at naghahanda na ang mga alquemista ng Tierra del Fuego. Sumama na rin sa digmaan ang mga nakakatakot at nakakarimarim na pawang mga babaeng mandirigma ng Castañesa. Magkakatulad sila ng mga baluti - itim at pilak ang kulay. Ang mga espada ay mga bagong gawa ng herrero. Ang mga piedrón ng bawat ciudad at bayan ng kaharian ay isa-isa nang naglalabas ng liwanag upang protektahan ang buong bayan. Sa mga sandaling iyon, nakatunog na sina Milo at Aire. Kaya naman sa pagbabalik nila, hindi na nila pinasama ang prinsipe at mga pinuno ng Tierra del Fuego. Pinagbigay-alam na rin nila na wala munang magtitinda ng kahit ano sa mga mercado o magdaraos ng kahit anong piging na maraming tao.
“Nuestra gente, por favor quédense a sus casas. La guerra ya se quedó declarado por El reino de Hispania. Todos los trabajos, todas las celebraciones, fiestas, funciones generales de los tres estados o pueblos de La Buen Aire se han impedido. Repito: Por favor quédense a sus casas,” anunsyo ng bawat senador at mga mercante ng bawat bayan na naglilibot sa bawat distrito.
Nakahanay na ang lahat ayon sa liksi ng galaw. Nasa unahan ang mga babaeng magdirigma. Kasunod nila ang mga kawal at caballero. Nasa pinakahuli ang mga alquemista at panday ng Tierra del Fuego.
Bago pa man sila makapasok sa bayan ng Bardoza, libo-libong sundalo ang sumugod sa kanilang dalawa. Mas piniling lumipad ni Milo at humigop nang isang libong hangin. Sa isang iglap, isang napakatining na tinig ang umalingawngaw at siyang gumimbal sa buong bayan. Napatid ang mga sundalo at basag na ang kanilang mga tainga. Ilang saglit pa, sumipol na si Viento at sala-salabat na hangin ang nag-iwan ng sampu-sampung hiwa sa katawan ng mga ito. Hindi inasahan ng dalawa ang pagsugod ng mga Fuguense upang lumaban din sa mga sundalo. Ginamit nila ang mga bagong kakayanan upang lumaban kasama ang mga sandatang tubig na sumasabog sa pagdikit sa lupa.
“Para Nuestra Santa Libertad! Vamos a ganar! Vamos a ser libres!” sigaw ng mga nanggagaliiting mamamayan.
Makikita naman ang mga babaeng mandirigma ng Castañesa na parang kabahagi na ng hangin kung kumilos. Sa isang iglap lang, bigla-biglang naglalaho ang mga ito at ilang saglit lang ay makikitang tumutumba na ang mga sundalo at tulisan galing sa kalaban.
Patuloy pa rin sila sa pagbabato ng mga bomba na may lamang bagay na nakakapagpayanig ng lupa. May iba na nakakakuryente.
Nagpatuloy ang laban sa loob ng animnapung patak ng araw. Kitang-kita na ang pagkabalisa ng mga Ciudad Central ng Hispania. Maririnig ang daghoy ng pagmumura ng hari na si Deruno. Halos hindi na makasagot ang konseho niya dahil bawat salita nila ay tila nalalagasan pa lalo ang pangkat ng kanilang mga mandirigma. Sa huling balita nila, nadaanan na rin ang mga bayan ng Valizar, Esquivir at Jalónar. Napag-alaman din nila na hindi gaanong nababawasan ang kahit anong pangkat ng Buen Aire at Tierra del Fuego dahil sa mga makabagong sandata na hindi nila kayang tablahin.
Sa mga sandaling iyon, isa lang ang naririnig nilang sigaw ng kalaban.
“Bandera blanca! Bandera blanca!”
Sa digmaang iyon, sumuko ang kaharian ng Hispania dahil muntikan nang madamay ang bayan ng Todelo sa pag-atake ng mga Fuguense. Dahil na rin sa pagmamalupit ng mga Hispense, lumabas muli ang diyos na si Fogo at nagkaroon ng ilang libong dipang lamat sa pagitan ng buong Tierra del Fuego mula sa Bardoza at iba pang bayan ng Hispania na nakapalibot dito.
Nagkaroon ulit ng kasunduan ang dalawang kaharian na hindi na sila muli pang magtatagpo kahit sa anong paraan sa loob ng dalawang libong taon.
***
Nang makabalik na sila sa Buen Aire, naging usap-usapan na ang pagkakaroon ng kapangyarihan ni Milo. Ramdam ng mga tao na lalo pa silang kinalulugdan ng diyos na si Viento Visto dahil sa pagkakaroon ng biyaya sa tatlong bayan ng kaharian. Kasama rin sa pagdiriwang ang mga pantas na bumaba pa sa monasterio. Kasama rin doon si Olympus.
“Milo! Aire! Kumusta?” tanong ni Olympus sa dalawa.
“Maayos naman kaming dalawa. Kayong dalawa ni Aguapez?” tanong ni Milo.
“Mabuti naman kaming dalawa. Patindi nang... patindi ang aming pagmamahalan.”
“Bakit parang atrasado ang dila mo, Olympus?”
Napalagok siya, “Wala naman, Aire! Ginusto niya ang nangyari sa aming dalawa.”
“Mabuti naman. Huwag mong babalasubasin ang kapatid ko. Humanda ka sa akin.”
“Oo naman. Mahal ko siya, e.”
“Basta, kung nais mo siyang makita, sabihan mo lang ako.”
“Hindi na kailangan, Aire. Paminsan-minsan, dumadalaw siya sa akin sa monasterio. Sinasabi ko na lang na anak siya ng isang mayamang mercante galing sa Atenas.”
“Natututo ka na ring magsinungaling nang dahil sa kapatid ko.”
“Ayos lang, Aire. Ang mahalaga lagi ko siyang nakakasama.”
Sinamantala na nila ang pagtitipon upang ikutin ang mga tindahan. Nakita na rin ni Olympus ang piedrón sa gitna ng plaza. Tapos, nakikita niya rin ang mga taga-Tierra del Fuego na nagbebenta na sari-saring sandata na sila lang ang nakakagawa. Nahuhumaling ang lahat sa kanilang galing sa pagpapanday. Nakikita rin nila ang mga alquemista na pinaghahalo ang mercurio, pilak, ginto, at sinasabayan pa ng isang dasal. Pagkatapos, isang puñal ang lumabas. Ramdam ng mga Fuguense ang pagtanggap ng Buen Aire. May iba na nais nang manatili rito sa bayan upang maging panday. May iba namang taga-Buen Aire na nais lumipat sa kanilang bayan upang doon manatili at hindi na umalis pa.
Sinama nina Milo at Aire si Olympus sa bahay.
“Bakit niyo nga pala ang sinama rito?” tanong niya sa dalawa.
“May ipapakita ako sa iyo, Olympus,” tugon ni Milo.
Sa isang maaayang sipol, nagbago ang anyo ni Milo. Lumabas ang kaniyang pakpak at baluti na halos katulad ng kay Viento.
“Isa ka na ring diyos?”
Gulat na gulat si Olympus sa kaniyang nakikita.
“Hindi, Olympus,” sagot ni Viento. “Isa siyang mandirigma na lihim na pinili ng mga taga-Sierra Alta upang lumaban sa aking kapatid. Ang aking makakasama sa paggapi sa kaniya.”
“Aire, Milo, isa lang ang nais ko mula sa inyo,” si Olympus.
“Ano ‘yon?”
“Galingan ninyo. Maging mapagmatiyag pa dahil hindi na nagbibiro ang tadhana.” Tumayo ito, “Isa pa, patunayan ninyong hindi masama ang inyong pagmamahalan. Sadya lang talagang may mga nilalang at may mga batas na pumipigil sa inyong nararamdaman sa isa’t isa.”
Niyakap ni Milo si Olympus.
“Maraming salamat. Makakaasa ka, amigo.”
“Walang anuman.”
“Ngunit mag-ingat pa rin kayo sa mga nilalang na maaaring nagbabalat-kayo upang makadaupang-loob kayong dalawa.”
Nagulatantang si Aire, “Ano?”
“Oo, Aire. At dahil isa kang diyos na kayang linisin ang espiritu ng mga nilalang, magagamit mo ang iyong kapangyarihan upang hubaran ang nilalang na nasa iyong harapan.”
“Salamat, Olympus.”
“O siya, hahayo na ako at kailangan ko nang bumalik sa monasterio upang ipabatid ang magandang balita.”
“Vaya con cuidado, eh.”
“De nada.”
Buong gabi na inisip ni Milo kung ano ang mga nangyayari kung saka-sakali. Napuna ni Aire ang kaniyang pagkabalisa.
“Ano’ng nangyayari sa iyo, mi vida?”
“Napapaisip pa rin ako sa mga sinabi ni Olympus.”
“Kilala mo naman ang kapatid ko sa mga kuwento at mito.”
Tiningnang maigi ni Milo si Aire, “Sabihin mo nga sa akin kung ano pa ang hindi ko alam kay Ganador?”
“Marunong siyang magbalat-kayo.”
“Huwag mong sabihin na...”
“Hindi, hindi, Milo. Siya ang kaharap natin. Kilala ko magsalita ang aking ina. Hindi magagaya iyo ninuman.”
Pumasok sa isip ni Ganador na magpalit ng anyo upang harapin si Viento. Nasa isip niya na magbalat-kayo bilang kanilang ina na si Nerea. Hinahanda niya na ang kaniyang sarili. Maaaring maging katapusan niya na kung hindi siya mag-iingat. Labis na makapangyarihan si Viento kaysa sa kaniya. Inaral niyang maigi ang mga gawi ng kaniyang ina upang makalusot sa mala-agilang mata ng kaniyang kapatid.
Mula sa Sierra Rota, naglaho siya at lumutang sa dagat ng Buen Aire. Habang naglalakad sa dalampasigan, siya ring unti-unting pagbabago ng kaniyang anyo. Naglalaho ang katawan niya at nagiging si Nerea na siya. Sa puntong iyon, inasahan niya na ring magtutungo sa dalampasigan ang dalawa. Naroon lang siya at nakaupo sa isang malaking bato, nakatanaw sa dagat. Isang saglit pa at nakita niyang papalapit na sa kaniya sina Milo at Viento.
At dahil iba ang estilo ng damit ng kaniyang ina, nakita niya agad ang likod nito. Alam niyang wala itong pintado sa likuran at kasinglinaw ng malinis na ilog ang kinang ng balat nito. Natawa siya dahil alam niya na kung sino ang nagbabalat-kayo.
Tumigil muna silang dalawa sa paglalakad.
“Milo, alam ko kung sino ang nagkukuwari na iyan.”
“Si Ganador ba?”
“Siya nga, mi vida. Kaya mag-ingat tayong dalawa.”
“Paano natin malalaman na siya nga iyan?”
“Ayaw niya ng mga impormal na pag-uusap. Kilala ko ang aking ina. Hangga’t maaari, ayaw niya sa pormalidad.”
“Tienes razón.”
Papalapit na ang dalawa. Hindi niya alintana ang saglit na pagtigil ng mga ito. Tumingala siya at naging berde ang kaniyang mga mata.
“Mamá, ¿qué haces aquí?” tanong ni Viento.
“Nada, mi hijo. Ya quiero verte,” sabi nito.
“Bueno, Mamá, quiero regalarte algo,” sabi ni Milo.
Nagpanting ang kaniyang tainga sa narinig. Walang galang at tila kaibigan lang si Nerea kay Milo.
“¿Por qué me tuteas, Milo?”
“Mamá, tú lo pediste cuando llagaste antes. ¿Te acuerdas?” sagot ni Milo.
“Claro qué no! Carajo!”
“Mamá, ¿estás bien? Tú no quieres botar las groserias de nuestras bocas.”
Hinipan ni Viento ang ina at unti-unting lumalabas kung sino ang nagkukunwaring kaniyang ina. Si Ganador na pala ang nasa harapan nilang dalawa. Nagpalit na rin ng anyo si Milo. Inihanda niya na ang kaniyang dalawang espada. Sa mga sandaling iyon, napalagok si Ganador dahil hindi niya inaasahang may baluti rin si Milo na katulad ng mga ginagamit nilang mga diyos.
“Hermano, ano’ng ginawa mo at mayroon din siyang baluti at mga espada?”
“Adivínate, gilipollas! Tenemos lo que no tengas!”
“Señor, no tienes nada que ver con esto,” sagot ni Milo.
“Cállate, pedazo de mierda! Cómo pudiste hablar con un dios así?”
“Porque puedo, Ganador. Puedo!”
Nilabas na ni Ganador ang kaniyang espada. Lalo siyang nahindik nang hindi umatras si Milo. Bumunot na rin ito ng espada at nakita niyang nanlilisik na rin ang mga mata nito. Sinimulan niya na ang unang tirada. Hindi niya masabayan ang liksi ni Milo.
“Pues, Ganador. Qué quieres?”
“Aléjate de mi hermano porque tú sabes perfectamente porqué.”
“De qué hablas?”
“Que seas una persona indicada para engañar mi hermano. Por eso, que te calles hasta la saciedad, eh!”
Napaluhod si Aire sa narinig. Hindi niya na maramdamang hawak niya pa ang espada. Samantala, hindi makapaniwala si Milo sa narinig; na siya ang piniling ipanganak sa mundong ito upang liluhin ang kaniyang minamahal. Sa pagpatak ng kaniyang luha, doon siya nakakita ng maaaring maging galaw. Umiigting ang dahas sa bawat palitan nila ng hampas ng espada. Ilang sandali pa, nakitaan ni Milo ng butas ang estilo ni Ganador. Ginawa niya ang octa at novena parte ng estilo vistense. Idinapa niya sa lupa si Ganador, saka muling nagsalita.
“Cómo atreviste usar el rostro de tu madre para hacer caos aquí?”
“Porque puedo, pedazo de estúpido! Puedo!”
“Pues, voy a jurarte que estés equivocado de que pensaras de mí, carajo!”
Hindi na makapagsalita pa si Ganador. Nang tinutukan na siya ng espada, saka siya naglaho sa kanilang paningin. Ngumiti lang si Aire sa kaniya. Biglang napaluhod si Milo dahil sa kaba. Hindi siya makapaniwalang nakaya niyang labanan ang diyos ng digmaan.
“Mi vida, no lo puedo creer. Te levantaste hasta a Ganador!”
“Sí, sí. Lo hice.”
Hinalikan niya si Aire. Habang papatayo ay nagbabalik na siya sa dating anyo. Doon niya na natutunan kung paano muling lalabanan si Ganador. Nahanap niya ang butas ang estilo ng kaniyang pakikipaglaban. Madalas na sa iilalim ito bumibira ng hataw paitaas. Kailangan lang na salagin iyon bago makarating sa ibabaw dahil kasunod nito’y saksak sa dibdib ang kaniyang sasapitin.
Gulong-gulo pa rin ang isip ni Aire tungkol sa mga narinig. Doon niya na napagtanto ang ginawa ng kaniyang Amang Marzo tatlumpung taon na ang nakalilipas.
“Sabihin mo nga, Milo, totoo ba ang sinabi ng kapatid ko kanina?”
“Hindi ko alam, Aire. Sa totoo lang, pakiramdam ko, parang pagkain akong hinain sa harapan ninyong lahat.”
“Lo siento, mi vida. No lo sé tanto.”
“Wala na ‘yon sa akin, mi vida. Ang mahalaga sa aking ngayon ay magpatuloy. Kung ako nga ang sinasabing tao sa mga kalatas ng mga sinaunang vistador, wala na akong pakialam kung malagutan man ako ng hininga sa hinaharap.”
Hinalikang muli ni Aire si Milo. Kumislap ang mga mata ito. Kapwa sila ginamit sa isang propesiya na maaaring pumatay sa kanilang dalawa. Ang tanging nasa isip na lang nilang dalawa ay tapusin na ang mga nasimulan. Bumalik na silang dalawa sa kanilang tahanan. Nagpahinga muli ang dalawa dahil kailangan pa nilang pumuntang muli sa Bosque de Maravilla. Kailangan nilang makausap si Candela sa ilang mga bagay.
***
Dumampi na sa mukha nilang dalawa ang unang sikat ng araw. Bumangon na si Milo upang maghanda ng makakain. Matapos iyon, saka naman bumangon ang kaniyang katipan. Sabay na silang kumain at nakita ni Milo na nakahanda na ang lahat ng kanilang kakailangan sa paglalakbay.
“Aire, ihanda mo na ang iyong sarili. Mahaba-haba pa ang ating lalakbayin.”
“Handang-handa na ako, Milo.”
Matapos nilang magsara ng dambana, nagtungo na sila sa vistador mayor upang magpaalam na ilang linggo muli silang mawawala upang maglakbay at muling makausap ang santera. Sinabi ni Milo sa vistador mayor kung ano ang laman ng sulat. Kailangan ni Señor Dolín ang kanilang tulong upang inigo ang isang matagal nang kahilingan nito. Kasama na rin doon ang kanilang pagpunta sa Sierra Luz upang makipag-usap sa isang vistador mayor doon.
Nang makalampas na sila sa hangga ng Buen Aire at Castañesa, pinili na lang nilang maglaho. Napadpad agad sila sa Bosque de Maravilla. Kakatwa na agad ang kanilang mga nakikita dahil may mga piraso ng bakal sa daan. Tiningnang maigi ni Aire ang mga ito. Galing ito sa isang bulalakaw. Marahil ay nagpunta na rin dito si Ganador.
“Sandali, Aire. Marami pang mga piraso ng bakal... patungo sa isang direksyon lang.”
“Oo nga, no? Bakit parang papunta sa yungib ni Señora Candela ang lahat ng piraso?”
Nagulantang na silang dalawa. Naglaho muli sila at agad-agad silang sumugod patungo sa labas ng kaniyang yungib. Nagtago muna sila sa isang puno upang makita kung ano ang mga mangyayari. At sa harapan nila, maraming ahas na nakapulupot sa puno ng cipres.
“Napakaraming ahas dito, Milo.”
“Alam mo naman na sinusundan lagi ng mga ahas ang Señora.”
“Kung sabagay. Pero bakit nasa labas ng kaniyang yungib ang mga ito? Hindi ba dapat nakapaligid lang ito sa kaniya at nagbabantay?”
“Siguro inatasan niya ang mga ito na magbantay sa labas. Hindi naman natin masasabi kung hindi natin titingnan kung ano ang mangyayari.”
Sa isang iglap, nakarinig sila ng mga kaluskos galing sa isang banda. Nagtago sila sa damuhan. Nais nilang makita nang malapitan kung ano ‘yon. Kapwa nanlaki ang kanilang mga mata. Naglalakad si Doña Candela nang nakahubad. Hindi lang iyon, may kasunod pa siyang isang lalake na malaginto ang buhok. Malaki ang katawan nito at mabalbon. Tangan-tangan nito ang isang espada na pamilyar kay Aire.
“No puede ser, Milo.”
“Ano ‘yon?”
“Si Kuya Fogo ba ‘yon?”
Natigalgal silang dalawa. Pinili nilang hindi tumayo saglit. Nang makapasok na ang dalawa, saka sila dahan-dahang pumunta sa bunganga ng yungib. Nang pumasok silang dalawa, nakita nilang naghahalikan ang dalawa. Akmang sisigaw na sana si Milo nang tinakpan ni Aire ang kaniyang bibig.
“Que te calles, eh. Por favor,” bulong ni Aire.
Sa mga sandaling ‘yon, hindi na naitago ni Candela ang kaniyang pagkauhaw kay Fogo. Nanghihina siya sa bawat titig ng diyos ng mga panday. Tila isa-isa niyang hinuhubarang muli ang sarili. Matagal niya ring hinintay ang sandaling ito. Bawat pisil ni Fogo sa kaniyang katawan ay tila pagpipiga sa natitira niya pang pagkauhaw.
“Candela, mi amor, te amo tanto.”
“Sí, me siento igual, mi amor.”
Naghalikang muli ang dalawa. Inihiga ni Fogo si Candela sa lapag. Malamig man ang batong lapag na ito, tila nahihimok nilang dalawa na magpainit ito. Pareho na silang hubo’t hubad mula sa mga takot na kanilang nadarama. Nang matapos na ang sandali, saka naman lumitaw sina Milo at Aire sa kaanilang harapan. Tumili nang malakas ang santera. Isa-isa na nilang pinantatakip kung anumang tela ang kanilang makita.
“Bueno, hermano, qué haces aquí?” tanong ni Aire.
“Viento? Milo? Para que quedáis aquí?” tanong ni Fogo sa dalawa.
“Ah, eh, manghihingi lang sana kami ng payo mula kay Señora Candela,” sagot ni Milo.
Nagbibihis na ang santera. “Para saan?”
“Tungkol kay Ganador,” si Aire.
Matapos na makapagbihis ang dalawa, saka nila hinarap ang mga bisita. Lumabas sila sa yungib at saka umupo.
“Ano na naman ang ginawa ni Ganador?” tanong ni Candela.
“Nagbalat-kayo siya bilang si Inang Nerea,” si Milo.
“Ha? Saan?” sabay na panaghoy nina Candela at Fogo.
“Sa dalampasigan ng Buen Aire. Akala ko e tutuluyan na siya ni Milo, pero hindi muna.”
Naglabas ng mga aklat at kalatas si Candela. Ibibigay niya ang ilang bahagi ng kaniyang mga encantación upang agad na makita ng dalawa kung nagbabalat-kayo ang isang diyos o hindi.
“Ito, Milo. Sabay ninyong dasalin ito. Magiging matalas pa ang inyong mga paningin, lalo na upang malaman kung sino ang inyong katabi.”
“Salamat, Señora.”
“Walang anuman. Pero huwag niyo ring kakalimutang humingi ng payo kina Olympus, Mariduno, at Cristobal. Mamaya lamang, magpapadala ako ng liham sa kanila sa pamamagitan ng aking ritwal.”
Nagugulumihanan na si Fogo sa kaniyang nalaman. Binuksan niya ang kaniyang palad. Lumitaw ang isang diyamante. Hinipan niya ito at napadpad ang isang malakas na aura sa dalawa.
“Milo, Aire, kailangang maging kasingtigas ng bakal ang inyong mga katawan. Hindi ba biro ang mga nangyayari. Malamang, sinadya ni Ganador na gawin ‘yon upang matunton kayong dalawa.”
“Siyang tunay, Kuya. Maraming salamat.”
“Walang anuman.”
“Hangga’t maaari, hindi na muna kayo lalayo pa. Lahat ng maaapakan ng inyong paa ang maaaring sugurin ni Ganador,” paalala ni Candela.
Pumatak na ang gabi. Tanging mga kuliglig na lang ang maririnig sa paligid. Kumakain na silang lahat nang may lumitaw na isang tao mula sa kakahuyan. At nang mabakas na ng apoy ang mukha nito, lumitaw na si Señor Cristobal lang pala.
“Buenas noches a todos,” pagbati nito sa kanila.
“Buenas noches, señor,” si Milo.
“Napadpad kayo rito?” tanong niya.
“Kinailangan lamang naming ipaalam ang isang bagay,” si Aire.
“Ano naman ‘yon, Señor Aire?”
“Nagpakita na sa aming dalawa si Ganador.”
“Sabi na nga ba.”
Kinuwento na ni Señor Cristobal ang kaniyang mga sapantaha. Lumitaw sa mga panaginip ni Olympus na may isang dragon na magbabalat-kayo bilang isang diyosa. Si Nerea ang madalas na biktima ng mga ganitong pangyayari dahil na rin sa pagiging mabuti niya sa lahat ng nilalang. Tama nga ang kanilang hinuha nang sabihin na ni Milo ang lahat. Sinabihan na rin siya ni Señor Mariduno na magtungo sa Buen Aire para sa balitang iyon.
“May mga piedrón na ang bawat ciudad ng Buen Aire, Señor Cristobal. Ano po kaya ang maaari pang gawin upang hindi na mapasok ng mga alipores ni Ganador ang kaharian?”
“Wala na. Malakas na fortaleza ang kayang ibigay ng mga piedrón na likha ng mga Fuguense. At malamang sa malamang, dahil dalawang diyos na ang narito sa lupa ngayon, lalo pang lalakas ang hangga ng tatlong bayan.”
“Siya nga, Señor Cristobal,” si Fogo.
“Señor Fogo, narito rin ho ba kayo sa lupa upang harapin si Ganador?” tanong ni Cristobal.
“Oo. Siya ang nagnakaw ng navaja de justicia. Sinubukan kong pasukin ang kaniyang palasyo, ngunit hinarang niya na agad ako. At hindi nga ako nagkamali nang makita ko ang isang malaking bato na may nakatarak ng isang navaja na nagpapalit ng kulay.”
Matapos ang mahaba-habang pag-uusap, minabuti na lang nilang magpahinga muna.
Umaga na noon at kakagising pa lang ng lahat. Agad-agad na naghanda ang dalawa dahil kailangan pa nilang puntahan ang isang bayan. Pinayuhan ni Señor Cristobal ang dalawa na maglaho na lamang sa hangin patungo sa Sierra Luz.
“Muchas gracias, Señores. Nos tenemos que ir,” pagpapaalam ni Aire sa lahat.
Pinili nilang liparin na lamang ang buong kagubatan. Pagkatapos, tinunton nila ang hilagang silangan. Iyon ang direksyon patungo sa bayan ng Sierra Luz. Napapatingin silang dalawa sa kagubatang tila hindi pa rin nagagalaw sa matagal na panahon. Buhay na buhay pa rin ang mga malalaking hayop at mas naging malalakas ang mga ito, pansin ni Aire.
Matapos ang mahaba-habang paglalakbay, lumapag na sila sa kagubatan bago pumasok sa bayan. Makikita ang isang mataas na fortaleza at ilang daang kawal. Nilabas na ni Milo ang sulat mula sa vistador mayor ng bayan.
“Señores, esto es la carta que me recebí de su vistador mayor,” si Milo.
“Usted es Señor Milo de La Buen Aire, verdad?”
“Sí. Conmigo es mi pareja, Aire.”
Tinanggal nito ang balot sa ulo at nagbigay-galang sa dalawa. Tatlong caballero ang inatasang magdala sa kanilang dalawa sa dambana ng bayan. Kitang-kita ang karangyaan ng lahat ng tao. May mga naglalakad na halos kainin na ng mga diyamente na suot-suot. Ngunit napansin ni Milo na tila walang emosyon ang kanilang mga mata. Ayon sa laman ng sulat, napansin ng vistador mayor na hindi na nagpupunta sa dambana ang mga tao. Ang dahilan ay ang labis-labis na karangyaan ng mga tao. May iilan na nais nang buwaging ang dambana dahil wala na itong silbi at wala naman talagang diyos, anila.
Nang marating na nila ang dambana, nakita nila ang rebulto - si Viento Visto rin ang kanilang patrón. Nagkatinginan sina Aire at Milo. Tila alam na nila kung ano ang gagawin. Ngunit nais din nilang malaman kung ano ang nais ng vistador mayor.
Isang matanda ang sumalubong sa kanila sa dambana. Si Señor Dolín. Mababakas sa kaniya na siya lamang ang hindi nadadala ng labis na karangyaan na siyang nagpapahina sa bayan. Siya man ay nadala ng panghihinang ito. Uugod-ugod na siya. Tila isang sangang inaanay na ang kaniyang mga binti. Ilang saglit pa mula ngayon at maaaring pumitik ang kaniyang buto at mabali, katulad ng kaniyang baston na maaaring mabali na siya ilang sandali mula roon. Tinulungan na lamang ni Aire na makaapak papasok sa dambana.
“Señor Milo. Buenos días.”
“Igual, señor. Bueno, estoy con mi pareja, Aire.”
“Verdad? Pues, buenos días a usted, Señor Aire.”
“Igual.”
Sa kanilang pagpasok sa dambana, nakita nilang napupuspos na ito ng mga sapot. Sa isang ihip lang ni Aire, naglaho ang lahat ng agiw at luminis ang loob. Hindi na iyon alintana ng vistador mayor dahil nawawalan na rin ito ng paningin.
“Señor Milo, isa na lamang ang kahilingan ko.”
“Ano po ‘yon?”
“Ang makita ang Mahal na Viento Visto bago man lamang ako kainin ng daigdig. Alam kong mahirap ang aking hihilingin, ngunit kahit isang pagkakataon man lamang at makita ko siya, sasapat na rin ang lahat.”
“Ngunit paano ang inyong hiling na magbalik-loob ang lahat? Hindi niyo na po ba tutuparin?”
“Hindi na siguro, Señor Milo. Ako man, nawawalan na rin ng pag-asa na makita pang magbago ang gawi ng mga tao.”
Tumango si Milo at binulungan si Aire na magbago ng anyo. Pumunta siya sa likod ng rebulto. Sa isang iglap, maririnig ang isang malakas ang mababang paghinga. Napalingon ang señor sa rebulto at nakitang kumukurap ang mga mata nito. Nabuhay ang rebulto. Nagulat din si Milo.
“Buenos días, Señor Dolín.”
Natumba ang mata sa labis na kaba.
“Mi Patrón, eres vos?”
“Sí, soy yo. Cómo estás vos?”
“Mejor que bien, Patrón. Mejor!”
Lumuhod ang matanda at maririnig ang paghikbi nito. Ramdam ni Viento ang pagkasabik nito na makita siya. Sa labis na tuwa, nagawang makatayo ni Señor Dolín at nagawa nitong bitawan ang baston. Gumuhit ang malaking ngiti sa mukha nito.
“Señor, muchas gracias a vos. Muchísimas gracias por dejarme verte.”
“Yo entiendo mucho lo que se ha pasado en este lugar. Mejor que vos entiendes que los siglos pasararen y cambios siempre están permanentes.”
“Yo he entendido, Señor, pero he tenido miedo que vos no quieras ver todo esto.”
“No, quisiera ver muchos cambios en la vida, Señor Dolín. Tal vez, te parezca que no pueda ocurrir, pero sí es muy inevitable.”
“Bueno, tengo un pedido más.”
“Qué es eso, Señor?”
“Quiero abrazar a vos.”
“No hay problema con eso. Espérate.”
Bumalik ang rebulto sa pagkakaupo nito at nawalan na ito ng buhay. Ilang saglit lang at isang malaking bilog ng liwanag ang lumabas mula rito. Saka lumabas si Viento. Bumababa siya sa harapan ng señor. Doon ay niyakap niya ang taong taimtim ang pananalig sa kaniya sa loob ng mahabang panahon. Isang malakas na aura ang lumabas at umiikot ito sa dalawa. Naluluha si Milo sa kaniyang nasasaksihan. Ramdam niya ang pagmamahal ni Viento sa lahat ng tao, nananalig man o hindi. Isang rason na rin siguro ito kung bakit nais siyang patayin ni Ganador.
“Te quiero, O Dios Mío,” sabi ng matanda.
“Yo a vos también, Señor.”
Nagpasya si Viento na lumabas sa dambana bilang siya. Iniirapan lang siya ng mga tao dahil matatanaw ang mga ito na abalang-abala sa kanilang pagkahumaling sa mga hiyas at yaman na kanilang natamasa. Nang ibinuka niya na ang kaniyang palad at lumabas ang diyamante, doon na natauhan ang mga nasasalubong nilang tatlo. Tila pinipigilan sila ng hangin sa paggalaw. Hinipan ni Viento ang diyamante. Isang malakas na aura na kulay asul ang humalo sa hangin. Naging maaya ito. Napapikit sandali ang mga tao sa buong bayan.
Tama nga ang hinala ni Viento: Nasa isip na talaga ng mga tao na kalimutang may mga diyos. Tama lang din ang kaniyang naging desisyon na sabihin ang lahat ng katotohanan sa Señor. Pinaliwanag niya na may karapatang maging malaya ang mga tao sa mga bagay na sa tingin nila ay nagkukulong sa kanila.
“Viento, hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.”
“Ano-ano ‘yon, Milo?”
“Tunay nga talagang mapagpalaya ka sa lahat. Binigyan mo kami ng pag-iisip upang makapamili kung maniniwala kami o hindi.”
“Ano’ng ibig mo sabihin?”
“Aaminin ko, may mga sandaling nawawalan na rin ako ng paniniwala sa iyo noon. Dala na rin ng mga pangungutyang natatanggap ko araw-araw sa monasterio. Pero ito pa rin ako, naniniwala sa iyo.”
“Ginawa ko iyon dahil balang araw alam kong maglalaho at maglalaho rin kami sa isip at puso ng bawat tao. Kung ngayon pa lang ay alamat na ang turing sa amin ng sanlibutan, hindi rin malabong mabura kami sa bawat pahina ng mga magiging aklat sa susunod na milenyo.”
Sa kanilang pagbabalik sa dambana, maraming tao na ang nasa loob nito. Naghihintay sa mga sasabihin ni Viento. Sa pagbubukas ng pinto, biglang humupa ang mga daldalan at naglakad si Viento sa gitna hanggang makaupo sa malaking upuan ng vistador mayor.
“Buenas noches a vosotros.”
“Buenas noches, Patrón,” pagbati ng lahat ng tao.
Isa-isang sinagot ni Viento ang bawat tanong tungkol sa kaniyang pagkatao. Umakbay si Milo sa señor habang pinanonood ang kaniyang kasintahan na nagbibigay ng sagot. Matapos ang mga tagpong iyon, umalis na ang lahat ng tao ang silang tatlo na lang muli ang magkakasama.
Binuka ulit ni Viento ang kaniyang palad. Inabot niya ang kamay ng señor. Ibinigay niya ang kaniyang diyamante upang bulungan ito at hilingin ang kaniyang pagbabalik.
“Señor, makakabalik lamang ang aking diyamante sa iyong kamatayan. Sa ngayon, hindi ko masasabing katapusan mo na sa daigdig na ito. Ngayon pa lang magsisimula ang iyong mahabang paglalakbay.”