La pasión entre los corazones desnudos.

2806 Words
14: La pasión entre los corazones desnudos. Hawak-hawak ni Aire ang kamay ni Milo habang nakatanaw sa dagat. Kapwa sila nakaupo sa bingit na bato. Dapithapon na at doon pa lang nagsisimula ang pagkislap ng kanilang mga mata. Hindi na maatim ni Aire ang nararamdaman, at masidhi niyang hinalikan ang kasintahan. Nangatog sa panghihina ang katawan niya at napahiga siya. Saglit pa at tumayo si Aire, hinatak si Milo saka lumipad sila sa isa sa mga isla ng Buen Aire na walang katao-tao. Libo-libong sanga at mga puno na ang nagsasaklob at nagkukubli sa kanila sa langit, sa hangin, sa lupa ng Buen Aire, at lalong-lalo na sa mga taong hindi sila maaaring makita. Sa paghiga ni Milo sa lupa, sumampa sa kaniya ang kasintahan. Nagtutukaan na sila at nagpapalitan ng halinghing sa bawat paghaplos ng kanilang mga palad sa katawan ng bawat isa. Bumulong si Aire. “Te gusta tanto, verdad?” “Claro que sí.” “Y mis labios atterizando a tu nuca, tu pecho, tu todo, tal como aquellos?” Naghalikan silang dalawa. Maaaring masunog ang buong gubat sa bawat palitan nila ng init at mga tinatagong baga sa kaloob-looban. “Bueno, voy a dejarte a derramar y inundarme con suavidad, con mucho cariño. Creo mucho en tus labios que me engañan hasta la saciedad.” “Engañador yo? Por favor. Eso no soy yo, mi vida.” Hinalikan niya sa noo si Milo. “Esto soy yo.” Inilubog na niya ang kaniyang sarili sa nagaganap. Binitiwan na ni Aire ang mga araw ng pagtitiis, pagkauhaw sa paglingkis ng kaniyang mga kamay sa katawan ni Milo. Maya-maya pa, isa-isa nang nahuhubad ang kanilang mga damit. Sa nagmumurang liwanag na ito pa lang makikita ni Milo ang kaisa-isang bahagi ng katawan ni Aire na nagpalagok sa kaniya sa kaba. Nagpalitan sila ng matatalim ngunit nakakahalinang mga titig. Naglaho na lahat ng kaniyang takot. Isa-isang napapalitan ng sakit, ngunit bigla-bigla ring guminhawa ang kaniyang pakiramdam. Sa bawat cariño ni Aire sa kaniyang katawan, hindi niya mapigilang mapakalmot sa nakakaruhuyong likuran ng kaniyang sinisinta. Nang matapos silang dalawa, naisip nilang libutin ang buong kagubatan nang hubo’t hubad. Dala-dala nila ang kanilang mga damit at tanging mga sandalyas na lang ang bumabalot sa kanilang katawan. “Eso fue la mejor voluntad de mi cuerpo para lo tuyo.” “Pues, me puedes dar señal para que me prendera.” Natatawa si Milo, at nababalutan ng kilig. Maligaya siya sa mga nangyari, lalo na sa paghawak ni Aire sa kaniyang kamay. Hindi nila ito magawa sa Buen Aire dahil marami nang haka-haka na hindi tao ang kaniyang kinakasama. Tanging kaluskos na lang paglipad ng mga kuwago ang kanilang naririnig. Nagbihis silang muli at nag-umpisa muling maglakad. Ilang sandali pa at napuspos ng alitaptap ang buong kagubatan. Sinundan nila at nakita nila ang isang bahagi nito na may isang nilalang na naglalakad; Isang ninfa na nagsasaboy ng mga pinong butil ng ginto sa hangin, saka may isang centauro na lumitaw. Namataan ni Aire kung sino ang dalawa - sina Aldanea (ang ninfa) at si Fortozauro (ang cabezón ng mga centauro). Papalit sila nang papalapit sa dalawang nilalang. Pinipilit ni Milo na tingnan na lang ang kariktan ni Aldanea. Sa mga sandaling iyon, mababakas ang takot sa kaniyang mga mata. Tumikom pa ang bibig niyang kanina pa tikom. Nang tuluyan nang makalapit, hinarap ni Aire ang dalawa. “Buenas noches, queridos,” pagbati ni Aire. “Patrón? Qué está haciendo aquí?” tanong ng centauro. “Bueno, estoy aquí con mi vida. Y vosotros?” “Me da gracia, patrón. Salimos para regar este bosque con oros y diamantes finos.” “Pues, nos vamos juntos. Muéstrame toda la bondad en esta isla porque nos han sorprendido por este lugar muy intocable a los ajenos.” “Por supuesto, patrón.” Napapansin na ni Aire na kanina pa balisa si Milo. Nang makalayo nang kaunti ang ninfa at centauro, saka siya nagtanong. “Ano’ng nangyayari sa iyo, Milo?” “Hindi ko lang masabi sa iyo, pero takot ako sa mga centauro.” “Bakit?” “Gawa na rin ng kuwento pambata sa Valle Azul noon. Sinasabi ng mga makata at matatanda na nangunguha ng bata ang mga centauro at ginagawang hapunan.” Humagikgik si Aire. Inirapan siya ng kasintahan. “Bakit ka natatawa?” “Bata ka pa rin ba? O isip-bata?” Hinampas nga ni Milo si Aire sa braso. Hinalikan niya naman ito pabalik. Sinundan ulit nila ang dalawa at nakita nila ang isang mataas na puno na sinasabing kasingtanda ng mga diyos. Mayabong at makapal na makapal na ang katawan nito. Ito rin ang pinupuntahan ng mga alitaptap na kanina pa nila kasabay sa paglalakad. “Patrón, estamos aquí. Esto es el árbol de siglos.” “Muy impresionante, hombre.” “Muchas gracias.” Sumingit naman ang ninfa, “Bueno, patrón, quiere un vaso de agua dorada?” “Agua dorada?” “Sí, es una mezcla’ de granitos finos del oro, miel muy suave y el agua del manantial.” “A probar, vamos,” sagot ni Aire. “Claro qué sí.” Sa pagpunta nila sa taberna ng mga centauro, makikitang nagsisiluhod silang lahat sa pagdaan ni Aire. Ang mga ninfa naman ay nagsasaboy ng mga talulot ng lobelia sa kaniyang pagdaan. Sa mga sandaling iyon, nahimatay bigla si Milo. Matapos iyon ay napadpad siya sa isang bangka na palutang-lutang sa laot. Wala si Aire o kahit na sino; siya lang at ang nakakaduwal na takot sa mga centauro. Lumingon siya sa isla. Natanaw niya ang sampung centauro na lumalangoy patungo sa kaniyang kinalalagyan. Ilang saglit pa at biglang nalusaw ang bangka, unti-unting tumataas ang alon, saka na niyang piniling sumama sa kanila. Binuhat siya nito at nakikitang inaabot siya ng isa sa kanila upang isampa sa taas ng bingit. Pagkatapos, nakita niya na lang ang sarili na may tatlong centauro na nagbabantay sa kaniya, ang iba naman ay gumagawa ng masisilungan at nagniningas ng sanga nang magkaapoy. Saka siya napapikit. Sa kaniyang pagdilat, doon niya nakita na may tatlong centauro na nagbabantay sa kaniya. Nasa isang silid sila na tanging mesang gawa sa kahoy at bintanang malaki. Naghahanda naman ng pinakuluang manzanilla si Aire. “Mi vida, estás bien?” tanong ni Aire. “Sí, pues bien. Pero espérate. No tengo por qué hacer aquí en este cuarto.” “No, mi vida. Te desmayaste en frente de mis seguidores. Pienso que hubieras estudiado todo para que te conviertas como el vistador menor. Pero ¿por qué no te das cuenta de ellos?” “No lo sé, mi vida.” Sumingit si Fortozauro, nagtanong, “Señor Milo, usted era de Valle Azul, ¿verdad?” “Pues, sí.” “Eso es la respuesta.” Nilingon niya ang patrón. “¿Sabe qué, Patrón? Hay muchas leyendas sobre nosotros centauros como los comeniños.” “¿Qué?” “Eso sí, señor. En esa leyenda, mi nombre estaba usando muy fuerte por la maldad como la gitana en la cueva de Otro Patrón Tenebris. En eso, era el cabezón de los centauros para reventar la ciudad de Valle Azul y secuestrar los niños antes que tuviesen nueve años. Eso es verdad, Señor Milo?” “Sí, pero, de verdad, es que no tengo ni idea para revelar esa verdad falsa. Ahora, te pido perdón, Señor Fortozauro.” “Está bien, Señor. Bueno, a partir de ese pretexto muy mal, en esa leyenda, estuviéramos comiendo los niños hasta la saciedad. Que apuñalaran al pecho, enseguida al corazón. Después, pensaban, de mucha locura, que comeramos todas partes corporales de los niños y desangremos para beber sus sangres. No es lo que parece, verdad. Sin necesidad de ver nuestro ambiente por los siglos que pasaron, nos afectaba de esa mala historia. Esta isla había que encerrar hasta ahora porque algunos de nuestros compañeros estaban cazando por los azuleños para ponerles a morir. Desde hace nueve siglos, nos encerrábamos esta isla con fortalezas invisibles; Gracias a Su Gracia, Patrón. Tan de verdad, estamos muy encerrado que, apenas, nos permitimos los dioses que bajar aquí.” Nakaramdam ng awa si Milo sa mga centauro. At dahil isa siyang vistador, magsasagawa siya ng isang pagtitipon upang humingi ng tawad sa kanilang lahat. Ang ritwal na ‘yon ay ang pagsayaw sa ibabaw ng nagbabagong mga sanga habang umuusal ng dasal ng kapatawaran. Sinabi niya iyon ay kay Fortozauro, ngunit tumanggi ito. Sa halip, nais nitong magpasalamat kay Milo dahil nagawa niyang makapunta rito sa isla kasama ang diyos na si Viento. Sa kanilang paglabas sa kuwarto, makikitang nagsasayaw ang mga ninfa at centauro sa gitna ng isang apoy, paikot-ikot na tila galaw ng isang buhawi. Bago tuluyang makalabas sa taberna, nagtanong si Milo kung may lira na puwede niyang gamitin upang tumugtog. Kinuha ni Aldanea ang kaniyang lira at pinahiram ito kay Milo. “Bueno, Señor Milo. Pensé que tenga un voz del cielo. Supongo que pueda ofertarnos una canción,” hiling ni Aldanea. “Sí, Aldanea. Voy a cantar algo.” May entablado na makapal ang yari ng mga kahoy at doon yumayabag ang mga centauro habang pumalakpak naman ang mga ninfa, tila isang musika na sa kanilang isla lang maririnig. Sinasabayan pa ito ng mga ninfa na umaawit ng papuri kay Viento. Porque está aquí, creemos. En Su Fuerza, aquí nos quedamos Ang mga pangungusap na iyon ang nagbigay ng liwanag sa buong kagubatan. Sa isang iglap, nagpalit ng anyo sina Milo at Aire. Kasabay ng bawat pagsasaboy ng pulbos ng ginto, makikitang pumapalibot na ang mga alitaptap kay Viento. Sa pag-ihip ng hangin, naging maaliwalas ang pakiramdam ng mga ninfa at mga centauro. Natahimik sila at nagsiluhod sa harap ng kanilang Patrón. Matapos ang ilang papuri, umawit na si Milo. Por el unido de oro y diamante, la belleza se revela La gracia de El Patrón del Oriente muestra la piedra al futuro. Matapos ang pag-awit, nagpalitan ng halik ang dalawa. Tanging mga nilalang lang ng isla ang nakakita sa pagpapalitan nila ng halik sa isa’t isa. Isang aura ang lumitaw sa palibot nilang dalawa. Si Fortozauro na rin ang nagbigay-bisa sa kanilang pagmamahalan. Hindi man maituturing na pormal ang ritwal na iyon, naramdaman nina Milo at Viento ang patagong pagtanggap sa kanilang dalawa. Marahil ay babalik at babalik na sila rito sa isla. Sa hudyat ni Viento, nagkaroon ng isang piedrón sa ibabaw ng isang mataas na rebulto ng ninuno ng mga centauro at isa rin para sa ninuno ng mga ninfa. Inihipan niya ng patayong rayo ng kapangyarihan ang dalawang piedrón. Kapwa ito naglabas ng kulay asul upang mapanatiling malayo ang mga mananakop at manlulupig, at upang maglaho rin ang isla sa paningin ng iba pang nilalang, at ang dilaw naman ay upang mapanatiling magkaroon ng grasya ng pagkain ang kapangyarihang makalaban ang lahat ng nilalang ng isla. Matapos iyon ay binigyan na rin sila ng pagkakakilanlan. Pinangalanan ni Viento ang isla na “Isla Canaria”. Sa kanilang paglipad mula sa plaza ng mga mamamayan ng Isla Canaria, tila nadadala ng kani-kanilang aura ang mga alitaptap na siya ring bumalik sa isla nang makalipad pa sila nang mas mataas. Tinungo nila ang mga isla sa pagitan ng teritoryo ng Buen Aire at Valle Azul upang tingnan kung may tao. Balak nilang gawing isang taguan ng mga plano nila upang magapi si Ganador. Sa kanilang paghahanap, napili nila ang tatlong isla na nakalugar sa isang tatsulok. Masukal ang gubat. Matataas ang damo. Mayayabong ang mga puno. Higit sa lahat, walang dalampasigan. Hind maaaring maaabot ng pangkaraniwang tao lamang ang ibabaw nito. Matatalas ang mga bato sa palgid. Lalong wala ring nakatirang kahit anong nilalang. Kumbaga, sila ang mga piping saksi sa libo-libong digmaan sa loob ng anim na libong tao. “Milo, dito tayo mamamalagi sa mga panahong kailangan nating magsanay.” “Mabuti na lang din at dito tayo nagtungo. Maganda ang lugar upang magsanay.” “Dito rin natin dadalhin ang laban.” “Paano?” “Madaling lituhin ang aking kapatid.” “Kung sabagay.” *** Sa kanilang pagbabalik sa Buen Aire, nakita ni Aire ang isang pamilyar na mukha. Isang babae na nakaupo sa tumba at nilalaro nito ang isang diamanteng kulay berde sa kaniyang kanang kamay. Agad na tinakbo ni Aire dahil iyon ang kaniyang ina na si Nerea, ang diyosa ng karagatan. Sumunod si Milo at kagyat na tumayo ang diyosa. “Ina, ano po ang ginagawa niyo rito sa bayan?” tanong ni Aire na hapong-hapo pa. “Ako ang dapat na nagtatanong sa iyo, anak. Ano ang ginagawa mo rito?” “Ina, mahirap pong ipaliwanag, ngunit ninais kong manatili rito sa lupa.” “At bakit?” Tiningnan nito si Milo, “Dahil ba sa taong ito?” Tumango si Aire. Nanlaki ang mga mata ng diyosa. Hindi makapaniwala sa narinig mula sa kaniyang anak. Huminga lamang ito nang malalim at niyakap ang dalawa. “Anak, taga-lupa, noon pa man, nakita ko na ito; Kayong dalawa bilang mag-asawa, nag-iibigan na parang walang bukas. Alam kong isa akong diyosa, asawa ng iyong Amang Marzo. Ngunit ako man, nais kong mawala ang batas na nagbabawal sa pag-iibigan ng isang diyos at isang tao dahil sa iyo, Viento.” “Lo siento, Mi Madre. Lo siento mucho.” “No, no te presiones mucho, Mi Hijo. Lo sé mucho de ti, de qué quieres todo este tiempo. Es tiempo para elegir a amar lo que te haga sonreír, Mi Hijo. Estoy tanto contigo. Eres mi hijo precioso, valiente y me voy a morir si no puedas tener amor con hombre este.” Napangiti si Milo sa kaniyang nakikita. Bigla niya naaalala ang kaniyang ina na kahalintulad rin ng diyosa - mapagmahal at maintindihin sa nais ng kaniyang anak. Iniharap niya si Milo upang ipakilala. “Bueno, Mi Madre, te presento mi vida, Milo.” Inabot ng diyosa ang kamay nito. “Buenas noches, Milo. Me alegra que te ame mucho. Ojála que te sientas igual con mi hijo.” “Señora del Mar, me siento muy felíz con su hijo.” “Por favor, déjate de informalidad. Me puedes tutear, mi hijo Milo.” “Muchas gracias, Mi Madre. Bueno, ¿cómo estás?” “Pues, bien. Siempre con la bondad. Gracias por importar.” “De nada, Mi Madre.” Pumasok na silang tatlo sa loob ng bahay at pinakita ni Milo ang magiging tulugan ng diyosa. Habang hinahanda niya ito, nagluluto naman ang mag-ina. Isang malaking isda ang lumitaw sa pagpitik nito. Tumulong na rin si Milo sa kanilang dalawa. Naglabas na rin siya ng mga ubas na makakain at nagpasok na rin siya sa pugon ng mga masa na pinalamanan ng dinurog at minatamis na mansanas. Sa hiwalay na lalagyan, naglagay naman siya ng mga kastanyas. Naghanda na rin siya ng tubig at vino na maiinom nilang tatlo. Habang kumakain, hindi maiwasang magtanong ni Nerea tungkol sa intimidad ng dalawa. “Bueno, may naganap na ba sa pagitan ninyong dalawa?” Bumilis ang pagnguya ni Aire. Hindi naman maisubo ni Milo ang isang kagat ng pita. Mababakas ang pamumula sa mga pisngi ni Milo. Kapwa sila natigilan. “Claro qué sí.” “Mamá! Por favor!” “Hijo, no soy la que nacío ayer.” Sumingit na si Milo, “Sí, ocurrió.” Napatakip ng bibig ang diyosa. “Dónde?” “Sa isang isla,” sagot ni Aire. “Doon po sa isla ng mga ninfa at centauro.” “Pero bueno!” bulalas ni Nerea. Natawa ito nang malakas. Napayuko naman sa hiya ang dalawa hanggang sa natawa na lang din sila. Sa mga sandaling iyon, naramdaman ng diyosa na nasa tamang nilalang ang kaniyang anak. Bumalik sa kaniyang gunita ang pagiging bulastog ng kaniyang anak. May mga sandaling nagdudulot pa ng gulo si Viento noon sa Sierra Alta dahil sa panggugulo niya sa kapatid na si Elixis, ang mensahero ng mga diyos. Madalas nitong nililito ang kapatid sa pamamagitan ng pag-iiba ng ihip ng hangin. Iyon din ang dahilan kung bakit halos ilibing na ni Borealis ang kapatid sa Polo Norte - dahil sa isang maling impormasyon galing sa mga vistador ng Dacia. Sa kabila ng pagiging pilyo, napuna rin ng diyosa ang kalungkutang laksa-laksang taon na nitong dinidibdib - ang magkaroon ng pagmamahal. Marami siyang iniharap ng ninfa na lalake mula sa kaharian ng Los Campos, ngunit hindi pa rin ito napapaibig. Minsan na ring nahumaling at nagkagusto si Viento sa isang vistador at kamukhang-kamukha ni Milo ang nasabing tao. Ngayon, ibang Viento na ang kaniyang nakikita. Mas malakas, mas matapang, patuloy na naghahanap ng dahilan upang magpatuloy sa laban ng panahon, at hindi rin maitatago ang kaniyang pusong nag-uumapaw sa pagmamahal dahil lang sa nasa tamang tao na siya. “Bueno, discúlpadme, chavales. Me tengo que ir porque necesito hablar con vuestro padre, El Marzo,” pamamaalam ng diyosa. “No te preocupes, Mamá. Siempre estaré para ti,” sabi ni Aire habang yakap-yakap ang ina. Niyakap din siya ni Milo. “Muchas gracias por venir, Mamá.” “De nada, mis hijos. Sed valiente y fuerte.” Sa paglabas ng diamante, naglaho bigla ang diyosa. Sa mga sandaling iyon, naisip na nilang matulog. Ito na rin ang kauna-unang pagkakataon na matutulog silang dalawa sa iisang silid. Dinadalumat na ni Milo ang bisig ng sinisinta sa kaniyang katawang nagkukunwaring mahina. “Milo, alam mo, masaya ako ngayon.” “Bukod sa mga nangyari, bakit?” Humagikgik si Aire, “Tanggap kasi tayo ng aking ina. Isa siya sa mga taong hindi nagtatago ng pagkainis o pagkagusto sa isang nilalang. Sa mga nakita ko kanina, pakiramdam ko, tama ang naging pasya kong suungin ang lupa at maging tao upang makasama kita.” Hinalikan ni Milo si Aire sa pisngi, “Sa totoo lang, Aire, noong una, natakot akong nagkatotoo ang habambuhay kong hiling: Ang makapiling at makasama ka sa hirap at ginhawa. Ngunit ito tayong dalawa ngayon at magkasama sa iisang bubong, sa iisang t***k ng bawat puso, at sa pagsasamang sapat na para sa dalawang tao.” “Salamat sa pagpili mo sa akin, Milo.” “Nasa puso kita parati, Aire. Palagi at palaging sa iyo lang din titibok ang aking puso.” Napatingin silang dalawa sa kisame. Kapwa nila sinusulat ang pangalan ng bawat isa sa hangin. Lumalabas ang guhit na kulay puti sa bawat imbay nilang dalawa. Matapos ‘yon, niyakap ni Aire si Milo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD