El cielo azul con la cara del sol en un rectángulo.

4240 Words
13: El cielo azul con la cara del sol en un rectángulo. Ang bayan ng Tierra del Fuego ang isa sa mga pueblo na malayo na sa kabishanan ng kaharian ng Hispania. Unti-unti na rin silang binibitiwan ng kaharian dahil bukod sa malayo ito, hindi na rin nais na tulungan pa ng punong vistador ng buong kaharian ang kanilang pangangailangan na mailigtas ang sarili sa maya’t mayang pagsalakay ng mga tulisan upang kamkamin ang kanilang bayan. Isa ang Tierra del Fuego sa mga kaharian noon na hindi malupig-lupig dahil sa kapangyarihan ng mga alquemista. Ngunit sa paglipas ng mga siglo, unti-unti na rin silang nababawasan dahil sa pangangamkam ng Hispania sa kanilang mga tagong yaman. At karamihan ng mga panday ng bayan ay nililo upang hindi na bumalik sa kanila. Hanggang sa isang araw, binitiwan na sila ng kaharian. Ang dating matatag na estado libre ay naging isang tapunan ng mga hindi na ninanais ng kabisera na Marida. Kadalasang binabalik din ang mga panday at alquemista na hindi na nila nais makadaupang-loob. Sa matagal na panahon, tinatago nila ang sarili upang hindi na muli silang magapi pa. Ang mahirap lamang ay madalas na ginigitla sila ng Hispania upang kunin ang natitira pa nilang likas na yaman. Kilala ang kanilang bayan sa malalawak na kapatagan at mga kabundukan sa paligid nito. Isa rin ito sa mga bayan na kakaunti lamang ang dami ng tao, ngunit mayaman sa lahat ng aspetong ekonomiko. Marami silang itinatagong ginto, at sa libo-libong taon, hindi pa iyon nagagalaw at hindi nila nais na galawin ang lahat ng iyon. Dahil sa mga kuwebang dating lubog sa dagat, may sarili sila silang pinagkukunan ng asin. Ilang daang taon na silang nagtitiis sa pananasala ng Hispania, ngunit kailangan na nila ng tulong upang makapagpatuloy ang kanilang bayan sa muling paglago at paghahanda sa mga manlulupig. Isang araw, pagkatapos na magapi ang ilang mga tulisan, nag-usap na ang punong ministro na si Educo at ang pamunuan ng mga alquemista at panday na si Madurozo na sumulat sa Buen Aire upang tingnan ang sitwasyon ng kanilang bayan. Nakarating na sa punong ministro ng Buen Aire na nais nang umanib ng Tierra del Fuego, at mukhang ito na rin ang magiging mga huling araw nila sa kaharian ng Hispania. Marahas na hangin, at nakakasugat ang mga dahong umiimbay kasama nito. Nagsimula na ang tag-lagas. Maririnig ang tinig ni Milo na nakikipagsabayan sa kaniyang pagyabag. Binabagtas nilang dalawa ni Aire ang isang masukal na gubat sa labas ng Tierra del Fuego. Nakatanggap siya ng isang liham mula sa isang panday na nais makipag-usap sa kaniya tungkol sa paggamit ng mga encantación. Nang marating nila ang fortaleza, ipinakita niya ang liham, at hinatid sila sa dambana ng bayan. Pagdating sa arko ng bayan, matatanaw ang malawak na kapatagan sa ibaba ng Sierra del Fuego. Ang mga bahay ay gawa sa bato at kahoy, dalawang palapag. Sa bayan lang nila makikita ang mga bahay na may salamin sa bintana. Dahil papalapit na ang taglagas, nagbabago at nagiging kulay marrón na ang mga dahon ng arce. Sa isang iglap, isang malaking tao ang papalapit sa kanilang dalawa. Mas matangkad pa kay Aire, at tila isa na itong lobo dahil mabalbong katawan. May suot itong manipis na baluti at hawak na isang malaking martilyo. Tumayo na sina Milo at Aire, saka nakipagkamay sa kaniya. “Buenos días, señores. Cómo e’tán?” “Muy bien, Señor Madurozo,” sagot ni Milo. “Bueno, pumunta na tayo sa aking taller.” “Sí, por supuesto.” Napansin ni Milo na karamihan ng mga tao rito ay marurunong sa paggamit ng bakal. Usong-uso ang alquemía. Maririnig ang mga alquemista na umuusal ng dasal at lumilitaw ang mga batubalaning natutunaw at pinagdidikit ang dalawang bakal. Ang pinakanakakamanghang nakita niya ay ang paglitaw ng mga diyamante sa palad ng isang panday. Hinipan lamang nito ang diyamente at nagkaroon ito ng isa pang kahawig, saka dinurog at inihalo sa tinunaw na ginto; ginawang hawakan ng espada. Magagaling din na mandirigma ang mga mamamayan nito, lalo na ang mga babaeng nagtatag ng buong bayan ilang libong taon na ang nakalilipas. At dahil doon, kagaya ng Buen Aire, hindi rin matalo-talo ng kahit na anong kaharian ang bayang ito. “Señores, nais ko sanang malaman ninyo na nagpapasalamat ako sa pagpapaunlak sa aking panayam. At, aaminin ko na sa inyo ang nais ng aming punong ministro.” “Ano po ‘yon?” “Pakikipagkalakalan sa inyong bayan at pagkakaroon ng kasunduan na kung anuman ang mangyari sa aming bayan, nanaisin naming umanib na lamang sa Buen Aire.” Kumirot ang puso ni Milo. Nalaman niya kasi na nais sakupin ng kaharian ng Hispania ang kanilang bayan at tuluyang burahin ang Tierra del Fuego sa mapa. Matagal na silang naghahanap ng mga taong makakatulong sa kanila, ngunit walang ni isang sumipot sa kanilang bayan. “Nawa, sa ngalan ng aming patrón na si Fogo, magkaroon kami ng lakas na lumabas. Maraming mga babaeng mandirigma na ang kanilang pinatay. Natatakot na rin kaming iilan na lamang sa bayang ito.” “No se preocupe, señor. Makakaasa kayo sa tulong ng Buen Aire. At, dahil maalam din ako sa paggamit ng salamangka, tutulungan ko po kayo.” “Talaga?” “Oo.” “Muchísima’ gracias a u’tedes.” “De nada.” Tanghali na at kakarapot na lang ang aninong makikita. Kumakain na ang lahat ng pamilya. Sa bahay ni Madurozo, makikita ang kali-kaliwang mga likhang sining sa pagpapanday. Kinilala siya bilang isa sa mga natitirang maestro dahil alam na alam niyang gamitin nang mahusay ang alquemía. May mga sandata na kasingkislap ng araw kapag natatamaan ng liwanag. Matapos na aliwin ang mga sarili sa pagtingin sa bawat sandata, umupo na ang dalawa upang kumain ng tanghalian. “Señor, nasaan na po ang mga vistador ng bayan?” “Isang araw, may pumuslit na sampung tulisan mula sa Bardoza.” Natigilan siya. Saka tumulo ang kaniyang luha. “Dinakip nila ang dalawa. Ang vistador menor ng bayang ito ay ang aking anak na si Franquilo. Hindi ko na alam kung buhay pa siya o patay na. Pero, umaasa pa rin akong makikita ko siya muli balang araw.” “Huwag kayong mag-alala, señor. Kami na ang bahala,” sabi ni Aire.” Nag-usap sina Milo at Aire sa bawat titig nila sa isa’t isa. Dahil mamamalagi sila rito ng ilang araw, nakahanda silang lumaban sa mga tulisan at mga caballero galing sa Bardoza. Mababanaag ang pag-asa sa mga mata ng señor. Matapos na kumain at makapagpahinga, nanaghoy ang sherbet at agad na tumayo si Madurozo. “Narito na naman sila.” Napabuntong-hininga ito at kumuha ng isang sandata. Agad-agad itong lumabas. Binalaan na muna silang dalawa na manatili sa bahay. Ngunit, hindi na nila natiis ang kuryosidad na makita ang nangyayari. Sa isang pitik ni Milo at ni Aire, nagbago ang kanilang mga anyo, saka lumipad palabas sa likod-bahay. Mabilis nilang sinuong ang langit at nakita nilang sapilitang binubuksan ang malaking tarangkahan ng bayan. Kapwa nila nilabas ang mga sandata, at doon na nila hinarap ang mga kalaban. Pinigilan nilang lumaban ang mga tao at pinaatras na ang mga ito. Silang dalawa na ang haharap sa kanilang lahat. Pawang mga naka-itim na baluti ang mga ito at dala-dalawa ang mga espada. Matatalas ang mga titig at hindi napaparam ang mga katawan nilang nakamamatay ang amoy. Pinalibutan silang dalawa. Tinantiya nila ang mga paggalaw. At sa isang isang hudyat ng pinuno ng mga tulisan, sinugod nila sina Milo at Viento. Maririnig ang pagkahiwa ng kanilang mga laman. Sa isang kislap ng espada ni Milo, sumugod siya ulit at bigla-bigla na lang natutumba ang bawat madaanan niya. Lumalabas ang mga itim na espiritu sa katawan ng mga ito. Doon niya natuklasan na hindi tao ang kalaban ng mga alquemista at panday ng bayan. Kung payak na sandata lamang ang kikitil sa buhay ng mga halimaw na ito, muli lamang silang mabubuhay at magpapatuloy. Mabilis na napapatay ni Milo ang mga dumudumog sa kaniya. Ginagamit niya ang Estilo Vistense sa pakikipaglaban. At dahil hindi na tao ang mga kalaban nila, pagdating sa décima parte, ginigilitan niya na ang mga ito. Nilabas niya ang isa pang sandata upang gawin ang estilong huracán, kung saan iikot siya at hawak niya ang dalawang sandata palikod at magtutumbahan ang mga ito. At dahil dinudumog pa sila, sumipol na si Viento at sala-salabat na hanging nakakahiwa ng katawan ang kumitil sa libo-libong pang mga tulisan. Hindi rin nakaligtas ang mga papasok pa lamang sa bayan. Katapus-tapusan, iilang daan na lang ang natitira sa kanilang pangkat. Sa ‘di kalayuan, matatanaw ang isang malaking hawla na may dalawang tao na nakatali ang mga leeg. Gula-gulanit na ang bughaw na tunika, sugatan, at nalalanta na ang vistador menor. Sinugod nilang dalawa ang mga ito at agad na pinuntahan ni Milo ang hawla. Sa isang hataw lang ng espada, naabo ito at pinakawalan ang dalawang vistador. “Viento, ibabalik ko sila sa loob ng dambana. Babalik din agad ako.” “Sige.” Inilipad niya ito pabalik sa loob ng bayan at kitang-kita ang mga taong nangangatal na sa takot. Nananaghoy ang iyakan ng mga bata at matatanda. “Ustedes, no se preocupen. Sus vistadores están aquí conmigo.” “Gracias hasta La Sierra Alta, O Dios. Muchísima’ gracias a usted.” “Kailangan na lang ninyong tingnan ang kalagayan ng dalawang vistador. Babalik ako.” Bumalik na si Milo sa labanan, at sa pagdating niya, isang nilalang pa ang kasama ni Viento. Pamilyar ang hubog nito at laki. Isang nilalang na tinatangi ng mga Fuguense - ang diyos na si Fogo. Umuulan ng mga espadang hangin sa paligid at namamatay na ang lahat. Sa isang imbay nito sa hangin, lumabas ang isang sandatang siya lang ang makakahawak - ang espada del universo. Agad nitong kinitil ang buhay ng pinuno ng mga tulisan. Malaking tao na may baluting itim. Ang espada nito ay gawa sa pangil ng isang halimaw mula sa Tartaro. Ang mga natitira pa sa kanilang pangkat ay nagsitumbahan na lang bigla at namatay. Kinuha ni Fogo ang sandata nito at inabo. Doon na nagtapos ang labanan at isa-isang nasusunog ang mga bangkay ng mga tulisan sa bawat yabag ni Fogo. Ngumiti ito nang makita ang kaniyang kapatid. “Hermano! Buenas buenas!” Nag-akapan ang dalawa. Nang makita nito si Milo, inabot niyo ang kaniyang kamay at hinalikan. Agad naman siyang binatukan ni Viento. “Hermano, es mi novio.” “Verdad? Tienes novio?” “Sí, andamos enamorándonos.” “Bueno, tara na sa loob. Kailangan kong harapin ang mga taong sining na ang pagpapanday at alquemía.” Pumasok na silang tatlo sa bayan kasabay ng paglalaho ng katawan ng mga tulisan kasama ng hangin. Lumuluhod ang mga tao at nagpapasalamat. Hindi makapaniwala ang mga alquemista at panday na kaharap na nila si Fogo. Hindi nila maiwasang mamangha sa baluti nito na gawa sa diyamante at ginto, pati sa espada nitong gawa sa isang materyal na hindi makikita sa buong daigdig. Ang grasya ng kaniyang kaaya-ayang mukha ang nagbibigay ng pag-asa ngayon sa buong bayan. Nang makita na nila ang dambana, doon na sila tumungo at hinarap ang taumbayan. “Buenas tardes, mi gente. Narito ako ngayon upang biyayaan ang buong bayan ng walang hanggang sandata upang magapi ang mga manlulupig,” paniniguro ni Fogo sa lahat. Sa imbay ng kaniyang mga kamay, sumibol mula sa lupa ang mga bakal, ginto, at pilak. Ibang klase ng mga mineral ang mga ito dahil may basbas ng isang diyos. Marami pang mineral ang nagsilitawan gaya ng safiro, circoncia, imán, at iba pang mineral na tanging sa Sierra Fuego lamang makikita. Isa sa mga lumuluhod at nagpapasalamat ay si Madurozo. Tinawag siya ni Fogo. “Madurozo, dahil sa iyong pagpapaigting ng sining ng pagpapanday at alquemía, hihirangin kita bilang gran maestro at ikaw na rin ang magtuturo kung paano gagamitin ang nuevo código de alquemía sa lahat ng iyong nasasakupan.” Lumabas ang isang aura na kulay pula at naramdaman ni Madurozo ang pagbabago sa kaniyang katawan. Agad-agad na naging maliksi ang kaniyang pag-iisip. Agad-agad niya rin nasaulo ang nuevo código de alquemía. Ganoon din ang ginawa ni Viento. “En el nombre de El Aire del Oriente, voy a dar mucha gracia de los buenos aires y vientos suaves en este pueblo de artes y la gente agradecida.” Sa isang imbay niya, naging maaya ang hangin at biglang ngumiti ang mga tao. Pinuntahan naman ni Milo ang dalawang vistador. Nagdasal siya at may aura na bumalot sa dalawa. Nililinis nito ang mga espiritu na maaaring sumanib sa dalawa. Ilang saglit pa ang lumipas, umayos na ang naging lagay nilang dalawa. Pumasok naman si Madurozo at agad na niyakap ang kaniyang anak. Inalalayan naman ni Milo ang vistador mayor. “Mi hijo, gracias a dioses que estás aquí ahora.” Kapwa sila umiiyak at nadala na rin si Milo ng sitwasyon. Kinausap naman niya ang vistador mayor ng bayan. “Está bien, señor?” “Sí, muchas gracias a ustedes. Bueno, voy a contar todo.” “Claro. Vamos para el custodio.” Tumayo na silang dalawa at nagpunta sa isang silid na puno ng mga aklat ng kasaysayan ng Tierra del Fuego. “Dahil vistador ka, maaari kong sabihin sa iyo ang lahat.” “Ano-ano po ang nangyari sa inyo habang nasa Bardoza kayo?” “Marami. Pero ito lang ang sasabihin ko tungkol sa lugar: Isang yungib sa hangganan ng Bardoza at Tierra del Fuego.” Tumikhim ito, saka sinabi ang mga nasaksihan. “Simulan natin sa walang habas nilang pagpatay sa mga babaeng mandirigma sa aming harapan. May iba naman na ilang araw kaming ginugutom. Mayroon din silang mga kawal. Galit na galit sila sa kanila. Tapos, tila may isang diyos na tumutulong sa kanila.” “Huwag mong sabihing si Ganador ang nasa isip mo?” “Sino pa ba ang may kakayahang maglagay ng masamang elemento sa mga tao upang gamitin sa digmaan? Siya lang. Maaaring sa tulong niya, binubuhay ng pinuno ng mga tulisan ang mga namamatay na mandirigma sa iba pang bayan. Binabalot nila ito sa putik at saka ilalagay sa loob ng isang malaking pugon na may kakaibang lagatik ng apoy. Hindi pangkaraniwan ang tunog dahil nakakabingi iyon at lumabalas ang mga nabubuhay na bangkay.” “Kumusta naman ang pagkain ninyo roon?” “Araw-araw nila kaming pinakakain ng azafrán. Halos maduwal-duwal na ako dahil paulit-ulit ang lasa.” “Marahil ay dito na magtatapos ang lahat.” “Maaaring ganoon na nga. Nagapi ng Panginoong Fogo ang pinuno nila sa isang imbay lamang. At doon ako nagpapasalamat. Hindi na mauulit pa ang paghahasik nila ng dilim. Ngunit, ipaalala mo na rin sa kanila na kailangang gibain ang buong yungib na ‘yon. Tuso ang mga taga-Bardoza. Maaari nila kaming suguring muli. Pero dahil sa basbas ng aming patrón, hindi na namin hahayaan pang mangyari ‘yon.” “Ano ba ang kahinaan ng bayang ito?” tanong ni Milo. “Payak na payak ang sagot. Hindi namin ginagamit ang mga sandatang ginawa sa pamamagitan ng alquemía.” “Bakit?” “Isa iyong likhang sining. Sa totoo lang, Señor Milo, isang mapayapang bayan ang Tierra del Fuego. Wala man kaming hari o reyna o mga maharlikang maaaring mamuno sa amin, naniniwala kaming kinalulugdan pa rin kami ng Sierra Alta. At ito na nga ang pagkakataong iyon.” Niyakap niya si Milo. “Salamat sa inyong pagdating. Kapag kailangan ninyo ng tulong sa mga sandata, maaari kayong pumunta rito sa amin.” “Walang anuman, Señor Apolonio.” Lumabas na silang lahat sa dambana at humarap sa lahat ng tao. Makikita ang kanilang mga mata na napupuno ng galak at saya sa puso. Magkakahawak ang kanilang mga kamay at umaawit ng papuri sa mga diyos at kay Milo. Isa-isang nagbibigay ng lobelia ang mga bata sa kanila, at hindi na napigilan ni Fogo ang sarili. Hinayaan niya ang sarili na lumuha. Sa isip-isip niya, matagal niya nang napabayaan ang bayang kaniyang nilikha. Kaya naman nilipon niyang muli ang mga tao upang magpasalamat sa kanilang walang humpay na pananalig sa kaniya. Gracias a Los Dioses Que vivamos nuevamente Por los siglos que pasaron hasta el fin, nos creemos con vehemencia, rezamos con artes de martirio, creamos y con artes de alquemía, protegémonos. Matapos ang mga pangyayari, nag-usap naman sina Milo, Viento, at Fogo. Umalis muna sila saglit at nilipad ang bingit ng Tierra del Fuego sa dagat. Tahimik ang mga pagitan nila. Pinalampas lang muna nila ang labanan kanina bago pag-usapan. Si Fogo kasi ang pinakamasunuring sa lahat ng batas ng kalawakan. May mga pagkakataong nais niyang makipagtipan sa kaniyang minamahal na si Candela, ngunit hindi maaari. At sa pagbaba nila sa bingit, doon lang siya nagsimulang magsalita. “Esperad, chavales. Sois novios?” “Sí, hermano,” sagot ni Viento. Hinawakan niya ang kamay ni Milo. “Mahal na Fogo, alam ko pong mali itong nararamdaman namin sa isa’t isa, ngunit ito lang ang bumubuhay sa aming mga damdamin,” sabi ni Milo na naluluha, natatakot sa maaaring sabihin nito. Humawak si Fogo sa mga balikat nila, at sabi, “Awat na ang pinagbabawal na pagmamahalan. Sumasainyo ako. Nasabi na rin ito sa akin ni Borealis. Ginawa ko rin ito noon, at ayaw kong maulit pa ito sa kahit na sinuman. Ako man, nais kong balikan ang aking pinakamamahal na si Candela.” “Siyanga?” si Milo. Inalis na ni Fogo ang kaniyang kamay, saka sumagot, “Oo, Milo. Ngunit siya na rin ang nagtaboy sa akin. Hindi ko alam kung nagbago na ba ang nararamdaman niya para sa akin o hindi. Nais ko siyang makita, malaman kung mahal niya pa rin ako o hindi.” “No se preocupe, señor. Me voy a encargar todo.” “Salamat, Milo.” Sumingit si Viento. “Kuya, kung nais mong makita muli si Candela, matapos ang tatlong linggo, pumunta ka sa Buen Aire. Magkita tayo sa dalampasigan.” “Makakaasa kayo. Salamat.” Naglaho na sa hangin si Fogo. Ganoon din sina Milo at Viento. Bago sila tuluyang bumalik sa labas ng tahanan ni Señor Madurozo, inalis ni Viento ang ala-ala ng mga tao sa mga nangyari na may kaugnayan sa kanilang dalawa. Iniwan nila ang mga ala-alang kasama si Fogo. “Señor Madurozo, ano ang nangyari?” tanong ni Milo. “Wala naman. Nagpunta rito ang Mahal na Fogo upang gapiin ang mga tulisan. Sinagip niya rin ang anak ko at ang vistador mayor ng aming bayan. Nagpapasalamat kami nang mataimtim sa kaniyang pagdating.” Makikitang nagsasaya pa rin ang mga tao. Nalaman din ni Milo na nagsisimula nang bumuo ng mga makabagong sandata ang mga Fuguense. Nagagamit na nila ang mga mineral na tumutubo sa lupa upang maging mga espada, bola ng kanyon, mga bola na lumulutang at nag-aapoy, at mga pulbura na kayang makabulag ng mata sa loob ng dalawang oras. Ang mga espada ay may talas na kayang bumaon sa katawan sa loob ng isang saglit na walang maririnig na tunog - itusok man o hilahin. May hawakan itong gawa sa bakal at kasingnipis ng hibla ng buhok, ngunit matibay. Ang mga bola ng kanyon naman ay gawa sa bakal na tinunaw, at may likido ito sa loob na nakakatunaw ng balat. Nagsisimula lamang ang epekto nito kapag naiskablob na ang likido sa loob ng bola. Kulay pilak ang nasabing likido, at masangsang ang amoy. Gawa naman ng mga alquemista ang bolang apoy. Itinulad ito sa orbo de santera. Hindi kagaya ng orbo na dumarami, ito naman ay kayang makapuksa ng isang daang kalaban sa isang sugod. May isa pa silang ginawa, isang pulbura na maaaring makabulag. Gawa naman ito sa pinaghalong pinatuyong mercurio, pinatuyong bulaklak ng doñabella, at tira-tirang bakal na tinunaw, saka ginagawang pulbo. “Señor Madurozo, mabilis na natuto ang mga panday at alquemista.” “Siyang tunay, Señor. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa ginawa ninyo para sa aming bayan. Hindi ko makakalimutan ito. Makakaasa kayong tutulong din ang Tierra del Fuego sa Buen Aire. Sa ngayon, ipapaabot lang namin ang aming mga pagkakakilanlan.” “Bakit, Señor?” “Nakipag-usap na ako sa Punong Ministro ng aming bayan.” “Ano po ang sinabi niya?” “Napagdesisyunan na naming lahat, kasama ng mga pantas mula sa monasterio na aanib na kami sa Buen Aire bilang panibagong bayan nito. Hindi na kami umaasa pa sa Hispania dahil sila mismo ang nagpapadala ng mga tauhan para patayin kaming lahat.” “Makakarating sa aming Mahal na Hari at Punong Ministro ng kaharian.” “Maraming salamat.” Habang naghahanda papaalis, nakita nilang nagtatayo ng isang malaking poste ang mga panday at alquemista, saka inakyat ang tuktok at nilagyan ng piedrón - isang malaking diyamante, ngunit kulay pula. Maaari din itong maging ibang kulay. Umuusal ng isang dasal si Señor Saldreno at naririnig ni Aire ang wika - ang sinaunang wika ng mga Fuguense na tanging sila na lamang ang nakakaintindi - lumang Hispan, kung tutuusin. Pagkatapos, saka lumutang ang piedrón. Nag-alab ito at isang rayo ng liwanag ang gumuhit pataas sa langit. Isang simboryo ang lumitaw. ‘Yun pala, may mga papasugod na namang mga tulisan. Ngunit umaatras dahil nasusunog ang mga ito at hindi nakakagalaw sa pagkakuryente. “Qué graveded, Señor Madurozo. Kayo talaga ang pinakamatalinong bayan sa buong daigdig,” papuri ni Aire. “Muchas gracias, Señor Aire.” “De nada.” *** Sa kanilang pagbabalik sa Buen Aire, kasama niya ang Punong Ministro na si Señor Educo at si Señor Madurozo, at si Señor Saldreno. Uumpisahan na nila ang ilang araw na diyalogo upang ianib ang Tierra del Fuego sa teritoryo ng Buen Aire. Kitang-kita ang abot-tainga nilang mga ngiti at pagkasabik sa pakikianib. “Señor Milo, ito na ang araw na magkakaroon nang walang hanggang kapayapaan ang Tierra del Fuego,” paniniguro ni Educo. “Sa totoo lang po, Señor, noon pa namin nais na tumulong sa inyong bayan. May isang taong humaharang sa mga plano. May kilala po ba kayong tao na nagngangalang Frenzinho?” Nagulat ang dalawa. Kilala si Frenzinho sa bayan nila bilang isa sa mga tumutuligsa sa pag-anib ng kanilang bayan sa Buen Aire. Buong buhay niya ang kaniyang ginugol upang mapigilan ang nasabing plano ng mga panday, alquemista, at ng tatlong punong ministro na nagdaan sa kaniyang buhay. Matagal na siyang wala sa daigdig, kaya naman nagbago ang pananaw ng mga tao. Ilang taon na rin silang naghahanap ng paraan, ngunit hindi nila maiwan ang Tierra del Fuego. At ngayon, hindi na nila sasayangin pa ang pagkakataong makahanap ng tulong hanggang sa makapagsarili muli sila. “Wala na si Señor Frenzinho. Namatay siya at dinala sa kaharian ng Lusitania ang kaniyang mga labi. Doon din namin sinubukang umanib sa kanilang kaharian, ngunit hindi sila pumayag dahil marumi daw ang aming mga gawi. Sa kabila ng kagandahan ng aming bayan, nagawa pa rin nila kaming itaboy,” sabi ni Educo na naluluha pa. “Matagal na ring panahon ang lumipas at gagawin naming madali ang buhay ng mga Fuguense.” “Maraming salamat po, Señor,” si Mardurozo. Sumakay sila sa panibagong gawang karwahe ng mga mangangalakal. Umaangat ito sa lupa at hindi na kailangan pang lagyan ito ng kabayo upang umusad. Namangha ang mga bisita sa kanilang mga nakikita. Napakapayak ng pamumuhay ng mga tao. Malayang nakakapaglakad ang mga babae sa daan. Palasak na rin ang pagkakaroon ng sandata, ngunit walang nangyayaring sakitan. May mga pantas na nagtatalo sa mga usaping politikal. At higit sa lahat, malayang nagagawa ng mga tao ang kanilang mga adhikain sa buhay. Sa kanilang pagdating sa kaharian, doon nila nakita ang hari, reyna, mga prinsipe, vistador menor na si Areias, vistador mayor na si Davide, mga grupo ng mga senador at mga gobernador ng bawat distrito, at mga taumbayan na pinili upang masaksihan ang mangyayaring tratado. “Buenos días a todos!” pagbati ni Milo sa lahat. Nagkamayan na ang mga tao at pormal nang inihahanda ang mga dokumento. Binasang maigi nina Educo at Madurozo ang mga kahilingan ng Buen Aire. Mula sa pagkakaroon ng mga sandatang makabago hanggang sa pagtatatag ng bagong konseho sa Tierra del Fuego upang mabilis na maiparating ang mga hinaing ng tao, naroon na lahat. Lahat ng nakasaad sa trato ay maganda, maliban sa isa - magiging pormal na bayan ng Buen Aire ang Tierra del Fuego. Nilathala nila ang mga dahilan kung bakit nais nilang maging estado libre. Nais nilang mag-iwan ng malaking bahagdan ng kanilang mga likas na yaman sa kanilang bayan. Pumayag ang hari at reyna sa kanilang nais na mangyari. Matapos ang mahaba-habang diyalogo, naisakatuparan na rin ang pag-anib ng Tierra del Fuego bilang isang estado libre sa pamumuno ng Buen Aire. “Muchas gracias, Vuestras Excelencias. Makakaasa po kayo sa suporta ng Tierra del Fuego,” sabi ni Educo. Matapos ang araw na ‘yon, muling tumaas ang watawat ng Tierra del Fuego sa tapat ng kanilang dambana. Sumasayaw sa hangin ang parisukat na watawat - kulay bughaw na may larawan ng araw na may mukha sa gitna. Nagdiwang ang mga tao para sa kasarinlan na kanilang tinamasa. Iyon na rin ang bahagi ng kanilang kasaysayan na mauukit bilang paglaya at kakayanang labanan ang mga manlulupig. Mula sa Tierra del Fuego, naghandog sila ng isang bantayog na kasingtaas ng dambana. Ang ginawa ni Señor Maduruzo ay nilagyan ito ng isang malaking diyamante na kulay asul. Ang kasama niyang alquemista ay umuusal ng dasal o salamangka upang lumutang ito. Sa paglutang nito, nagtago sina Aire at Milo sa isang tahanang walang tao. Sa abot-tanaw nila, umihip si Aire sa hangin at tamang nakababa na ang dalawang señor nang bigla itong kumislap at kuminang, saka nabalutan ng aura na kulay asul. Sa mga sandaling iyon, makikita sa mata ng mga tao ang repleksyon ng diyamante, at lumalabas din sa kanilang mga mata agn galak at pagkasabik sa nakikitang hiyas. Bumalik ulit silang dalawa sa plaza at kinausap ang dalawang señor.” “Señor Madurozo, Señor Saldreno, muchas gracias por este detallazo,” sabi ni Milo. “No, Señor Milo, Señor Aire, muchas gracias a ustedes. Si no hubiesen por ahí, en nuestro pueblo, no habríamos existido hasta ahora,” sabi ni Madurozo. “Bueno, quieren comer algo en nuestra casa?” tanong ni Aire. “Claro qué sí, Señor Aire,” si Saldreno, sabik na sabik na kumain. Habang kumakain, nagtanong na si Milo tungkol sa kapangyarihan ng piedrón na nasa ibabaw ng malaking poste. “Señor, ano nga pala ang magiging dala ng piedrón?” “Nagsama-sama ang mga alquemista at nilagyan nila ng kapangyarihan ang diyamante upang magkaroon ng isang malaking simboryo ang buong kaharian ng Buen Aire. Maaari din iyong mga sandata dahil maglalabas iyon ng sali-saliwang liwanag at aura upang atakihin ang mga kalaban at magtatangkang kumuha ng nasabing piedrón.” “Samakatuwid, dagdag-depensa para sa mga makakalaban.” “Oo.” “Mabibigyan din ba ang Castañesa?” “Oo. Plano na namin ni Saldreno na pumunta roon bukas upang maglagay rin ng piedrón. Sa tingin ko, kulay marrón ang bagay roon.” “Tama po kayo, dahil na rin sa mga tanim nilang kastanyas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD