7

962 Words
Malamig ang simoy ng hangin, pero ramdam ni Crimson ang init ng tubig na sumisingaw mula sa pool sa harap niya. Nasa isang private resort sila sa Pansol, Laguna. Malapit lang ito at mura ang bayad, at kahit hindi niya aminin, maganda ang napiling lugar ni Yana para sa outing nilang magkakatrabaho. Dalawa ang malalaking pool, may ilang inflatable na nakalutang sa tubig, at may limang magkakahiwalay na kwarto sa isang two-story villa. Naupo siya sa gilid ng pool at inilubog ang mga paa sa tubig. Napapikit siya nang maramdaman ang mainit na tubig, at automatic na nag-relax ang katawan niya. "Crimson, 'di ka pa ba magpapalit ng pang-swimming?" tanong ni Yana habang inaayos ang mga dala nilang pagkain sa lamesa. May malaking bandehado ng kare-kare sa gilid, at kahit hindi naman siya nagmamalaki, natutuwa si Crimson na mukhang excited ang lahat na tikman ito. Pinaghirapan niya itong lutuin kagabi. Nang maalala ang nakaraang gabi, pumikit nang mariin si Crimson. "Hindi na, okay na 'to," sagot niya, nakatingin pa rin sa tubig. Suot pa rin niya ang black tank top at cotton shorts na balak niyang gamitin panglangoy. Wala siyang gana tumayo. Hindi pa rin niya maalis sa isip niya ang nangyari kagabi. Si Ed. Napakagat siya sa labi. Inasahan niyang may mangyayari. Alam din niyang mag-e-enjoy siya. Pero hindi niya inakalang mag-e-enjoy siya nang gano'n. It was intense. Something she didn't expect from a young man like Ed. Pero baka nga kaya sobra ang kapusukan ni Ed ay dahil sa edad nito. Mataas ang libido—lalo na para sa medyo mas nakatatandang babae katulad niya. "Crim, halika na rito," sabat naman ni Ellie. "Huwag mong sabihing magmu-mukmok ka lang diyan magdamag." "Hindi naman," sagot niya, pero hindi siya gumalaw. "Medyo tinatamad lang ako. Napuyat kaya ako kakaluto kagabi, no." "Salamat talaga, Crim! Alam mo naman, favorite namin 'to, e!" sagot ni Ellie. "Nako, lalo mai-in love si Ryan kay Crimson niyan. Talo na naman tayo!" pang-aasar ni Yana, na ikinatawa nilang lahat. Sa gilid ng paningin niya, nakita niya si Ryan na abala sa pagba-barbecue sa tabi ng grill. Nakasuot ito ng white sando at basketball shorts, kita ang tanned na balat at toned na braso. Napapangiti ito habang pinapakinggan ang usapan ng mga teachers. Buti at nakasama ito. Muntik na ngang hindi, pero napilitan din—siguro dahil alam nitong sasama siya. Alam niyang may gusto ito sa kanya—hindi naman nito itinago. And it's flattering to her. Hindi rin naman niya kayang ipagkaila na may hitsura ito, at hindi siya mahihirapang mahulog kay Ryan kung bibigyan niya ito ng chance. Kaya lang, her situation is difficult. She is in love with her own sister—her own twin. Even though what happened between her and Ed last night was her first, and it was nerve-wracking, in the end, nagawa pa ring pumasok ni Carmine sa isipan niya. Gano'n kalalim ang nararamdaman niya. And she is well aware that it will be difficult to commit to Ryan because they are co-workers. Iba ang level of risk kumpara kay Ed na isa lang bata at walang koneksyon sa kanya. "Uy, magsimula na tayo," tawag ni Nadz, sabay abot ng isang bote ng beer kay Crimson. "Mamaya ka na mag-emote diyan." Napatingin siya sa inabot nitong bote. Mabilis niyang kinuha iyon at tinungga nang hindi na nag-isip. Gustong lunurin ang lahat ng problema. "Puta, ang aga-aga pa, e." Kunwari niyang reklamo, pero excited na rin siyang malasing. "Eh 'di lalo na! Mas maagang inuman, mas maagang malalasing, mas maagang makakatulog," sagot ni Ellie, sabay tawa. Napailing si Crimson pero napangiti rin. Saka siya tumayo at lumapit sa kanila. — Maya-maya lang, nasa tubig na silang lahat habang nag-iinuman. Mainit ang tubig dahil nanggagaling ito sa hot spring, pero mabilis itong naging komportable sa balat niya. Nagsimula silang maglaro, magtawanan, at magbasaan. Wala pang isang oras, lumalim na ang inuman. Hindi na mabilang kung pang-ilang bote ng beer sa kamay ni Crimson. May nararamdaman na rin siyang kaunting hilo habang nakasandal siya sa gilid ng pool, pinagmamasdan ang iba habang nagbibiruan. Maya pa ay lumapit si Ryan sa kanya. Galing ito sa kusina at may hawak na stick ng inihaw na pork barbecue. "Gusto mo?" "Kakatapos ko lang kumain," sagot niya, pero kinuha rin niya iyon. Ngumiti si Ryan. "Mukhang masaya ka na ulit, ah." "Hindi naman ako malungkot." sagot niya, kahit alam niyang hindi totoo. "Sabi mo, e." Umiling ito, saka umupo sa gilid ng pool, malapit sa kanya. "Minsan kasi, ang tahimik mo. Para kang may sariling mundo." Hindi siya sumagot. "Sabi ni Yana, ikaw daw 'yung tipong maraming iniisip pero hindi nagsasalita." Napangiti siya. "Bakit, concern ka?" "Syempre," sagot nito. "Gusto kita, e." Nalaglag ang tingin niya sa hawak niyang beer. Hindi na siya nagulat sa sinabi nito—obvious naman na simula pa lang. Pero iba rin marinig nang direkta mula sa bibig ni Ryan. Tinungga niya ang bote bago nagsalita. "Ayoko ng ganyan." "Ng ano?" "'Yung ganyan. 'Yung gusto kita, gusto mo ako." Tumawa si Crimson para bawasan ang pagka-ilang sa pagitan nila. "Hindi ako interesado sa love, Ryan." "Pwede namang hindi love agad," sagot nito, nakangiti pa rin. "Pwedeng kilalanin mo muna ako. Walang pilitan, walang pressure." Napangiti lang siya at uminom ulit. Tahimik silang dalawa matapos no'n. Naririnig niya ang malakas na tawanan nina Yana, Ellie, at Nadz habang nagsu-swimming. Pumikit siya at tinungga ulit ang beer habang nakalubog ang mga katawan sa malawak na pool. Ang mainit na tubig, at ang buwan na nagri-reflect dito. Ang sarap siguro kung palaging ganito lang. Walang complications. Pero sa likod ng isip niya, ang haplos ni Ed pa rin ang naaalala niya. At sa ilalim ng lahat, ang pangalan ni Carmine na hindi niya magawang bitawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD