8

1383 Words
Lumamig na ang hangin nang lumipat sila mula sa pool pabalik sa lamesa. Basa pa ang buhok ni Crimson habang nakaupo siya sa isang monoblock chair, hawak nanaman ang isa pang bote ng beer. "Tanginang 'yan, Crim, hindi ka padin lasing?" hindi makapaniwalang tanong ni Yana. "Matibay yata 'to." Mayabang na sagot ni Crimson. Sa dalas niyang mag-lasing dahil sa kakambal, nabuild na ang tolerance niya sa alak at hindi na siya basta-basta tinatamaan. Nagsimula na ring umusok ang ilang yosi sa mesa—kay Yana at Ellie, na parehas nang tinamaan ng alak. Si Ryan naman ay nagluluto na ulit ng barbecue, dahil halos maubos na nila ang mga niluto nito kanina. Tahimik lang itong nakikinig, pero sumasabat sa usapan paminsan-minsan. "Okay," sabi ni Yana, hinihithit ang yosi bago ngumiti nang nakakaloko. "Pag-usapan natin ang love life natin." "Nakuuuu," sabi ni Ellie, agad na napailing. "Mabigat 'yan, ah." "Tanginang topic 'yan." Hindi napigilang mag-salita ni Crimson. Love life ang huling topic na gusto niyang pag-usapan. Mabilis siyang umabot ng sigarilyo at sinindihan ito. Napa-nganga si Ryan, unang beses siya nitong narinig mag-mura. "Nag-mumura ka pala?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Nag-yoyosi ka din?" "Oo naman, baliw," Tumawa si Crimson. "Madalas mag-mura 'yan sa faculty, kapag stressed sa mga estudyante." Pang-aasar ni Yana. "Ano, naturn-off ka ba, Ryan? Akin ka nalang." "Hindi ako na-turn off, ah. Ang hot nga, e." Tumawa si Ryan. "Nako, baliw na baliw ka sa Crimson namin, ah! Kung ako pipiliin mo, maswerte ka kasi wala akong bisyo." Biro ni Yana. "Wala e nag-yoyosi ka din!" Nag-tawanan silang lahat sa sinabi ni Nadz. "Ay!" Kunwaring itinago ni Yana ang yosi, pero agad ding inilabas ito at humithit. "Siguro frustrated ka sa love life mo Crimson, kaya ka napamura kanina no?" Baling ni Ellie sa kanya. "Maya natin pag-usapan 'yong sa 'yo. Pang-finale ka." "Unahin na natin si Yana," sabat ni Nadz, naka-ngisi habang umiinom mula sa bote niya. "Ikaw kasi 'yung pinaka-malandi sa 'tin, eh." Napahalakhak si Yana. "Hoy, hindi ako malandi! Curious lang ako sa mundo." "Sige na nga," natatawang sagot ni Nadz. "Ano na? May jowa ka ba?" "Wala, pero may kausap akong dalawa. Alam mo na, testing the waters." Yana shrugged, saka muling humithit. "Ayoko kasing masayang oras ko sa maling tao. Tsaka masaya 'yung phase na nag-eexplore ka, 'di ba?" "Gusto mo lang magpakasaya." "Eh bakit hindi?!" sagot ni Yana, nagtatawa. "Bata pa tayo, besh. Hindi ko naman kailangan magmadali. Kung darating, edi darating." Napangiti si Crimson habang nakikinig. Palaging ganito si Yana—walang pressure sa love life niya, unlike Ellie na halatang excited na magkaroon ng jowa. "Ako naman," si Ellie na ang sumagot. "Single. Pero unlike kay Yana, gusto ko na talagang magka-boyfriend." "Gaano ka na ba katagal na single?" tanong ni Ryan, may halong interest ang tono. "Four years," sagot ni Ellie, saka bumuntong-hininga. "Nakakapagod maghintay, alam mo 'yun? Ang dami ko namang nakakausap, kaso hindi nagiging seryoso. Parang gusto ko na lang matulog at magising na may jowa na ako, ganern." "Tama naman," sabi ni Ryan, tumatawa. "Pero okay lang 'yan, darating din 'yan sa 'yo." "True!" Masiglang sumingit si Nadz. "Look at me—kasal na, happy pa rin. Balak na nga naming magka-baby ni mister, eh." Napatahimik saglit ang lahat, pero hindi dahil sa lungkot—kundi dahil sa tuwa. "Uy, seryoso?" sabi ni Ellie, excited. "Magkaka-baby ka na?!" "Pinag-uusapan na namin," sagot ni Nadz, bahagyang namula. "Pero syempre, gusto muna naming ayusin lahat. Gusto ko ring mag-ipon pa ng konti. Pero 'yun na talaga 'yung next step namin." "Ang saya naman," sabi ni Crimson. "I'm excited for you!" "Thank you, Crim! Ninang kayo!" "Eh si Ryan naman?" biglang tanong ni Yana, itinuro si Ryan gamit ang yosi. "Ano na sa love life mo?" Napaubo si Ryan bago ngumiti. "Eh 'di ba obvious?" "Pucha, si Crimson pa rin?" singit ni Ellie, humahagikgik. "Wala nang iba," sagot ni Ryan, nakangiti habang nakatingin kay Crimson. Napailing si Crimson, pero nakangiti rin siya. "Huwag kang mag-expect." "Hindi naman ako nag-eexpect," sagot ni Ryan, kaswal ang tono. "Pero willing akong maghintay." Nagkatinginan sina Yana at Ellie, sabay nagtawanan. "Yieeee." "Ewan ko sa inyo," sabi ni Crimson, umiling. "Ako naman... uhm, wala. Hindi ako interesado sa love." "Bakit?" tanong ni Nadz. Napatingin si Crimson sa hawak niyang bote. "Complicated kasi 'yung last na situationship ko." Nagkaroon ng konting katahimikan. "Bakit?" Maingat na tanong ni Ryan. "Parang.." Bumuntong hininga si Crimson. "Pakiramdam ko ako lang lagi ang nag-bibigay. Lagi kong kailangan mag-makaawa sa atensyon niya." "Aruy!" Hinawakan ni Ellie ang dibdib. "Sakit naman!" "Puta, hindi mo naman kailangan ng label para lang maging masaya, 'no?" sabi ni Yana, para pagaanin ang mood. "Pero teka... diba NBSB ka? Virgin ka pa?" Biglang napatigil si Crimson. Nalala ang nang-yari sa kanila ni Ed kagabi. Mabilis siyang tumingin sa kanila, kita ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. "Hala!" sigaw ni Ellie, natatawa. "Ano 'yun?! Ba't ka natigilan?" Napakamot siya sa ulo, hindi sigurado kung paano sasagutin. Bigla siyang nakaramdam nang pag-kapahiya. Sasabihin niya bang unang beses niyang mapenetrate ng isang lalaki kagabi, sa edad na 28? O na maaga siyang namulat sa larangan ng pakikipag-s*x, pero sa isang babae? "Uh..." "Teka, so hindi ka na virgin?" tanong ni Yana, lumalapit na parang detective. Bumuntong hininga si Crimson. "Hindi na, syempre." "Seryoso?" Ellie gasped. "E wala ka naman nabanggit sa amin na kahit sino." "Kailan? Kanino?" Sabat nanaman ni Yana. "Ano ka, reporter?" natatawang sagot ni Crimson. "Wala kayong malalaman." "Pucha naman, Crim! Seryoso 'to, 'noh?" Ngumiti siya, pero hindi na siya nagbigay ng detalye. "Ako muna nga, baka nahihiya itong si Crim." sabi ni Yana, na mukhang sabik sa topic. "Ito 'yong s*x experience ko. Dati ko 'tong fubu, kaibigan ng kuya ko. Pagkatapos namin mag-bar hopping nun, inabutan kami ng libog sa kotse! Kaya habang umuulan, doon namin ginawa sa parking lot ng isang mall. May security guard na dumaan, tapos muntik na kaming mahuli!" Kinikilig nitong kwento. "Pucha, ang wild mo!" sigaw ni Ellie, tumatawa. "Ako naman, ako naman... sa rooftop ng building sa office ng ex ko. Gabi na noon, pero may possibility pa ring mahuli kami. Ang adrenaline rush, grabe!" "Tangina, kayo pala 'yung mga tipong thrill seeker, eh," natatawang sagot ni Nadz. "Sa akin naman, hindi naman wild pero sobrang memorable—ginawa namin sa beach habang nakatingin sa buwan. Ang romantic, swear." Napailing si Crimson. "Para namang totoo 'yang sa inyo." "Hoy, totoo 'yun, 'noh!" sagot ni Ellie. "Eh ikaw? Ano pinaka-wild na sexperience mo?" Nagkatinginan ang lahat sa kanya. Biglang naalala ni Crimson ang nangyari sa kanya. The way she was held down, the heat between her thighs, the way her body betrayed her at bumigay nang tuluyan. Ayaw niya sanang magkwento pero lahat ay nakatingin sa kanya, nag-eexpect. Napahinga siya nang malalim bago nag-angat ng tingin. "Uh... siguro 'yung—" Nag-alinlangan siya saglit. "—'Yung nilabasan ako nang paulit-ulit. To the point na parang nawalan ako ng malay." Nanahimik ang grupo. "Tangina," sabi ni Yana, natatawa pero may bahagyang gulat. "Ganun ka-intense? Gaano kalaki 'yong d**k niya?" "Uhmm... fingers lang 'yong ginamit niya noon, tsaka 'yung bibig niya." Alangan niyang sagot. "Oh s**t!" Tili ni Yana. "Ganyang ang masarap na partner, 'yong magaling kumain." Tumawa si Crimson, pero hindi nagsalita. "Teka..." sabat ni Ellie, bahagyang nakakunot ang noo. "Crim, babae ba 'yung gumawa sa 'yo?" Halos mabilaukan si Crimson sa beer niya. "Ha?!" Napatawa ang lahat. "Nagtatanong lang naman! Wala namang masama, 'di ba?" sabi ni Ellie, umiikot ang mata. "Nagkaroon din naman ako ng girl to girl experience noong college!" "s**t, talaga? Ang hot nun," Excited na comment ni Nadz. "Nakatikim na din ako ng p***y dati, grabe nagba-blush ako kapag naalala ko!" "Mga gaga kayo, mas mahilig pa pala kayo sa akin! Never pa ako naka-experience niyan." Reklamo ni Yana. "Ewan ko sa inyo," sagot ni Crimson, umiiling. "Tangina n'yo, lasing na kayo." "Huy, hindi pa!" sagot ni Yana. Panay ang tawanan ng mga mag-kakaibigan. Bumuntong hininga si Crimson dahil nadistract ang mga ito, at hindi na siya tinanong pa tungkol sa sexperience niya. Pero kahit hindi siya sumagot, napansin niyang tahimik si Ryan habang nakatitig sa kanya, para bang nag-iisip. Gusto niyang balewalain ito. Pero bakit parang ang bigat ng tingin ni Ryan sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD