"NOAH, puwede mo ba akong samahan bukas?" "Where?" Nagtatakang humarap sa akin si Noah. "Uhmm..." hindi ko matuloy ang sasabihin, nagdadalawang isip pa rin ako kung sasabihin ko ba sa kanya o huwag na lang. "What is it, Angelique?" Tinaasan niya ako ng kilay, hinihintay ang sagot ko. "Ano kasi..." Pinaglaruan ko ang mga kamay ko. "Balak ko sanang ituloy ang pagtuturo ko. Please, Noah, gustong-gusto kong magtrabaho." Nilapitan ko siya at hinawakan ang mga kamay niya. Nakita kong natigilan siya kaya mabilis akong bumitaw. "Sana payagan mo 'ko at tulungan. Nakikiusap ako, Noah." "Okay... Pag-iisipan ko." Biglang nagliwanag ang mukha ko sa sagot niya. "Talaga? Thank you, Noah!" Sa sobrang saya ko ay napayakap ako sa kanya. Saka ko lang natanto ang ginawa nang tumikhim ito dahilan ng ma

