"Ma'am, hindi kaya magalit na naman po si Sir Noah kapag umalis tayo? Sigurado po ba kayong gusto niyong lumabas?" nag-aalangang saad ni Kuya Roger. Napanguso naman ako't napaisip sa kaniyang sinabi. And he has a point, baka nga pagalitan na naman ako ni Noah kapag nalaman niyang umalis ako nang walang paalam sa kaniya. Naisipan ko kasing igala si Belle. Balak ko siyang ilibot sa Mall, saka ibili siya ng mga gamit na kailangan niya't mga kaunting laruan na rin para naman may mapaglibangan ang bata. "Uhmm..." I paused. Hindi naman siguro kami matatagalan. Mga isang oras ay ok na, siguro? Sandali lang naman kami. At sinabi naman ni Noah na baka gabihin siya, makakauwi naman siguro kami agad bago siya dumating ng mansion. At sisiguraduhin ko rin talaga na makakauwi kami agad, hindi puwede

