NANG muli akong magising ay masakit pa rin ang aking ulo. I moaned slightly. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng hospital room, then I saw him, unexpectedly, Noah is sleeping beside me. Nakapatong ang ulo niya sa aking hospital bed habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa mga akin. He's sleeping peacefully. Habang tulog siya ay malaya ko siyang napagmasdan. Napakaamo ng mukha niya. Sa tagal nang panahon na hindi kami nagkasama, na-miss kong titigan ang kanyang guwapong mukha. Sa kabila ng sakit na aking nararamdaman mula sa nangyaring aksidente, nagawa ko pa ngayong ngumiti. Sana'y lagi ko siyang matitigan nang ganito. "Noah." I held his hand. Mabilis naman siyang nagising sa aking ginawa. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at mabilis na inusisa ang aking katawan. "A-ayos ka na ba? M

