Dalawang araw pa ang inilagi namin sa hospital bago kami tuluyang payagan ng Doctor na umuwi. Naging maayos naman na ang pakiramdam ko sa dalawang araw na 'yon. Hindi na masyadong sumasakit ang ulo ko. Sasabihin kong magaling kasi ang nag-alaga sa akin. Hindi ako iniwan ni Noah, nasa tabi ko lamang ito magdamag. Mas pinili niyang iwan sandali ang trabaho niya mabantayan niya lamang kami ni Belle. Alam ko, puyat na puyat na siya sa pag-aasikaso sa amin ni Belle. At tinatanaw ko 'yon na utang na loob. Imagine, he gave his time to us, he took care of me, he prepared our meals, he helped me when I need to go to the restroom, kahit nga sa paghiga ay inaalalayan pa ako nito, kung may kailangan ako ay agad din niyang ginagawa, may maramdaman lang akong masakit, agad niyang ipinapatawag ang Docto

