"Tutulungan mo ako ngunit may kapalit?" napalitan ng pagka-dismayado ang boses ko. Nawala ang saya ko, ang ngiti ko. "P-para saan?" halos hindi ko na marinig ang aking boses. Nanghihina ako't nanlalambot. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang mangyari. Ano bang ibig niyang sabihin sa bagay na 'yon? Magpapakasal? Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Magpapakasal kami at pagkatapos? Anong mangyayari? Akala ba niya'y kay daling gawin no'n? Madaling sabihin ngunit mahirap gawin. "Isn't that simple? Magpapakasal lang tayo—" "Simple? Hindi 'yon kailanman magiging simple! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Naiintindihan mo ba ang gusto mong mangyari?" Nahampas ko ang kamay sa lamesa sa tindi ng galit na naramdaman ko nang mga sandali na 'yon, naglikha ng ingay ang ginawa ko at naging tahimik muli

