CHAPTER SIX
Habang nakatayo ako at kinakausap ni Mrs. Flores si papa ay hindi ko mapigilang hindi maluha, sobrang sakit at nagugulohan ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung bakit nandito si papa kung ano ang ginagawa niya dito at bakit niya hawak ang kamay ni Erika.
Nakatingin lang ako sa kanila at napayuko ako ng biglang lumingon si papa sa akin ng itinuro ako ni Mrs. Flores at muling nagsalita si papa at dahil medyo malayo ako ay hindi ko masyadong naririnig ang kanilang pinaguusapan.
“Mauna ka na muna doon,” rinig kung utos ni papa kay Erika.
Tumingin ako kay Erika at inirapan pa niya ako bago lumabas ng office, naiwan naman si papa at napatingin ako sa kaniya.
“Pa,” wika ko at bigla niya akong hinawakan sa kamay at inilabas niya ako sa opisina.
Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi, hindi ko rin alam kung ano ang itatanong ko sa kaniya. Kung kaano-ano niya si Erika kung bakit niya kinausap si Erika. Sandamakmak na tanong na naman ang bumabagabag sa utak ko at hindi ko alam kung paano ko tatanungin si papa.
“Jona ano ‘to? Hindi kita pinalaking bastos,” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni papa.
Wala akong nasabi at napailing na lang ako sa harap niya.
“Pa? wala akong kasalanan,” umiiling na sagot ko.
“Mag-sorry ka kay Erika, Jona alam mo na ayaw ko sa lahat ay ang ugaling bastos, ayoko mapahiya ako, mapahiya ang pamilya natin,” mahinahong singhal niya sa akin.
Hindi ako makasagot at namuo ang mga luha sa mga mata ko, bakit ‘to ginagawa ni papa? Wala akong kasalanan at simula noon wala akong kaaway. Alam niya naman na hindi ko ugali iyon at hinding-hindi ko ilalagay sa panganib ang pamilya ko.
“Pa, wala akong kasalanan hindi ako ang nagsimula ng away,” nakuha ko pang magpaliwanag ngunit umiiling na lang siya.
Mas lalo akong nakaramdam ng kirot dahil hindi man lang niya ako nakuhang pakinggan. Ni hindi man lang niya ako tinanong kung okay lang ba ako, kung ano ang nangyari kung ano ang puno’t dulo. Basta-basta na lang niya kinampihan si Erika.
“Bukas na bukas kailangang nakapag-sorry ka na sa kaniya, ayoko sa ganiyang ugali Jona, baguhin mo ‘yan kasi hindi kita pinalaking ganyan,” at agad niya akong iniwan.
Halos bumuhos ang mga luha ko ng tinalikuran niya ako, hindi naman ganito si Papa pero bakit niya nagawa sa akin ‘to? Bakit nagawa niyang ipamukha sa akin na masama ako, na napakasama ng ugali ko. Samanatalang hindi naman ako ang may kasalanan at bakit niya kinakampihan si Erika?
Biglaang nagbago si papa, kamakailan lang hindi siya ganito at hindi siya basta-bastang naniniwala sa mga sabi-sabi kapag hindi niya ako nakakausap. Pero bakit napakabilis niyang maniwala ngayon? At nakuha pa niya akong talikuran.
Naiwan ako at biglaan namang dumating si Franzen, alalang-alala siya sa akin kaya niyakap niya na lang ako. Doon ko ibinuhos ang luha ko sa kaniya, wala na akong ibang matakbuhan pa kundi si Franzen lang ang kaibigan ko.
“Ano na ang nangyayari sa papa mo?” kunot noong tanong ni Franzen.
Hindi ako kumibo at niyakap niya lang ako ng mahigpit. Kahit nga ako hindi ko na rin naiintindihan si papa, kung bakit ganito ang nangyayari sa kaniya.
“Kausapin mo kaya? Panganay ka at ikaw lang ang may kakayahan na pwedeng kumausap sa papa mo maliban sa nanay mo kasi nag-aaway naman sila diba?” suhestyon pa ni Franzen. “Baka ikaw lang talaga ang daan para maayos na ang inyong pamilya at maibalik na sa dati,” dagdag pa niya.
“Paano ko siya kakausapin kung siya mismo ang umiiwas sa amin?” sagot ko naman,
Kahit nga ang tumagal lang sa loob ng bahay ng ilang oras hindi niya magawa ang kausapin pa kaya siya? Sana kahit sabihan niya lang kami ng problema niya dahil hindi naman kami iba at pamilya niya kami.
“Iyon na nga, ikaw ang humanap ng paraan,” ani Franzen.
“Bago iyan alamin muna natin ang mga nakita natin na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan,” sagot ko naman.
“Much better,” sagot niya.
KINABUKASAN ay puno na naman ang canteen at hindi na naman kami makakapasok sa sobrang dami ng tao sa loob. Kaya minabuti na lang naming na maghintay ulit sa labas.
“Tsk, ganito na lang ba palagi?! Ilang daan ang estudyante dito tas ganyan lang kaliit ang canteen paano iyan lahat makakabili ‘e 30 minutes lang ang breaktime!” reklamo ni Franzen dahil nagugutom na rin siya.
Minsan nakakatawa talaga ‘tong si Franzen pero tama nga naman siya, hindi lahat nakakabili sa canteen dahil paunahan at iyong oras na hinihintay naming ay nasasayang at 30 minutes lang ang breaktime. Minsan hindi din kami nakakain dahil sa sobrang dami ng nakapila.
“At bawal pa talaga bumili sa labas! Hay naku! Stressed pang-apat na hibla ng kilay ko dito!”
Pagkatapos naming bumili ay anglakad-lakad muna kami dahil may oras pa naman at in-extend ang breaktime ng dahil kay Franzen. Napakaingay kasi at narinig n gaming teacher ang reklamo niya at tawang-tawa naman ako ng magualt siyang nasa likod pala niya ang aming teacher.
Mabuti na lang talaga, at narinig ni miss ang ingay ko kung hindi panigurado sa classroom talaga ako mag-iingay. Gutom na gutom na ako tapos ito pa mangyayari.
“Uy ba’t ang tahimik mo?” kumunot ang noo niya at hinarap niya ako.
“Wala,” sagot ko habang kinakain ang waffle na binili ko kanina.
Ang totoo niyan ay nagugulohan pa rin ako hanggang ngayon, kung bakit ginawa ni papa sa akin iyon. Kagabi hindi ako makatulog kakaisip kung bakit ganon ang ginawa ni papa. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko.
Kaano-ano ni papa si Erika? Anak ba ito ng boss niya at sya ang pinapunta? Pero wala namang atang alam si papa sa buhay ng boss fiya kasi doon naman siya sa opisina wala sa bahay.
“At talaga namang napakaliit ng mundo, nagkita pa talaga kami,” inis na bulong ni Franzen ng makitang naglalakad si Erika at tumatawa pa ito.
“Bakla relax,” pagpapakalma ko kay Franzen.
“Kalbo sa kin ‘yan!” inis na inis na sagot ni Franzen sa akin.