CHAPTER FIVE
Nagkakagulo sa canteen, madami ang nakapila para bumili, kaya hindi na muna kami pumasok ni Franzen, masyadong madami pa ang tao sa loob at hindi rin naman kami makakakabili agad dahil nandito pa kami sa labas at ang haba ng pila.
Minabuti na lang naming ni Franzen na maghintay, kadalasan kasi iyan din ang rason kung ba’t napapaaway si Franzen. Pag may sumingit sa pila, tumba.
“Hay naku, ano kaya ang magiging amoy natin pagpumasok tayo diyan!” reklamo ni Franzen habang nakapameywang sa harap ko.
“Gutom na ako,” dagdag ko pa.
Hindi kasi ako kumain kanina bago umalis, nakakatamad kumain sa bahay. Lalo na kapag alam mong may problema at kahit na ikaw hindi mo masulosyunan. Iyong tipong kapag nandoon ako napakaraming tanong ang sumasagi sa isipan ko, Katanungan na hindi masagot-sagot.
Kaya mas mabuti na umiwas na muna ako sa bahay, maghahanap ako ng trabaho para makatulong kahit papano. Hindi ko kayang makita ang mga magulang ko na nahihirapan. Lalo na’t ayoko rin maging pabigat sa kanila.
“Tara na medyo kaunti na ang tao sa loob,” hinila niya ako papasok sa canteen at agad kaming dumiretso sa tindahan ni Aling Nelly.
Nang makabili kami ay agad kaming lumabas, hindi rin naman kami makaupo sa loob dahil halos lahat ay nakaupo na at wala ng bakante. Dumiretso kami sa field at doon naupo at kumain.
“Kumusta nga pala si Tito? May balita ka na ba?” tanong niya sa akin habang ngumunguya.
Nagkibit balikat ako at hinintay na maubos muna ang pagkain sa bunganga ko bago nagsalita. “Wala pa, wala din siya kanina nung umalis ako.”
Hindi na ako magtataka pa dahil daily routine na niya iyon, uuwi at wala pang isang oras aalis, swerte na lang kung magtagal siya ng tatlong oras sa bahay iyon na ang pinakamatagal na nasa bahay siya. Halos buong oras niya nasa trabaho na, ang oras na dapat ay para sa amin, kay nanay wala na.
Minsan napapaisip din ako, trabaho ba talaga ang inaatupag ni papa? Kung trabaho siya lang ba mag-isa ang empleyado sa pinagtatrabahuan niya? Bakit sobrang busy niya? May day-off ba talaga siya? Kung meron e bakit hindi siya umuuwi?
“Tulala kana naman! Tara na at baka ma-late na tayo,” ani Franzen at agad akong hinila papuntang hallway.
Habang nagmamadali kami ay biglang natigil ang lahat ng biglang akong mabangga sa hindi ko kilalang babae, nahulog ang kinakain niya at nabuhusan siya ng iniinom niyang iced coffee.
“What the hell!” nang sumigaw siya ay agad kong nakilala ang boses niya.
“Erika ikaw iyong hindi tumitingin sa dinadaanan mo,” inunahan ko na siya.
“What? So you’re saying that it’s my fault? How dare you!” singhal niya.
“Kasalanan mo naman talaga kasi tatanga-tanga ka!”
“Franz,” tinapik ko si Franzen dahil sa sinabi niya.
“Isa ka pang bakla ka! Bayaran mo iyan Jona! And then pakilinis nitong damit ko!” halos nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Erika ikaw ang may kasalanan hindi ako,” sagot ko naman.
Grabe ang lakas ng loob niyang utusan ako eh hindi naman ako ang nakabangga sa kaniya, pagktapos niya akong ganyanin at uutusan niya lang ako?
“So?” mataray na inihagis niya sa akin ang damit niya.
Halos nanlaki naman ang mata ng mga kalalakihan sa paligid ng makita nila ang katawan ni Erika, maganda naman talaga si Erika, maganda ang katawan at makinis ang kaniyang kutis.
“Hoy! Kung makapag-utos ka akala mo maid si Jona?!” hindi naman nakapag timpi si Franzen at kinuha niya ang damit ni Erika at hinagis sa mukha nito. “Hali kana Jona,” agad naman akong hinila ni Franzen para umalis.
“Hoy! Aalis ka pagkatapos mo ako ditong ipahiya?!” napatigil ako at napaiktad sa sakit ng biglang hinila ni Erika ang buhok ko.
“Erika nasasaktan ako,” mahinahong wika ko.
“Eh ako pinahiya mo hindi mo ba ako tatanungin?” mataray na sagot niya.
“Erika ayoko ng gulo, bitawan mo ako,” pagbabanta ko sa kanya.
Ito talaga ang ayaw ko sa lahat, ayaw ko talaga mapasabak sa gulo, pero kahit na anong iwas ko may mga tao talaga na susubukin ang pasensya mo. Kagaya nitong bruhang ‘to.
“Erika,” huling bitaw ko sa pangalan niya at hindi talaga niya ako binibitawan at ramdam ko na ang sakit ng ulo ko.
“I’m not scared Jona! Haha!” tumatawa pa siya na parang demonyo.
Napapikit ako sa sobrang inis ko at parang hindi ko na kayang magtimpi. Nakita ko si Franzen na tumatango at gusting-gusto akong lumaban. Bumuntong hininga ako at agad kong hinawakan ang kamay niya at hindi ko napigilang sampalin siya ng napakalakas,
“Binalaan kita Erika, pasensya.”
“Akala mo hindi ako lalaban?! Hali ka dito!” sinugod niya ako at diretso ang mga kamay niya sa buhok ko.
Hindi ko naman siya inatrasan, pinulupot ko ang kamay ko sa buhok niya at isa-isa ko itong hinahablot at ramdam ko na nasasaktan siya.
“Huwag ako Erika, kakalbuhin kita!” inis na wika ko habang abala ako sa pagpulupot ng kamay ko sa buhok niya.
Dumadami na ang tao at halatang nag-eenjoy sila sa napapanood nila. “Aray!” sigaw ni Erika at napaismid pa ako.
“Jona, tama na ‘yan,” ramdam ko na hinihila na ako ni Franzen.
“Bitawan mo ako Jona!” sigaw ni Erika at halatang nagmamakaawa na siya dahil hindi na niya kaya ang sakit.
“What is this! Tumigil kayo!” saka ko na lang nabitawan ang buhok niya ng marinig ko ang boses ni Mrs. Flores ang principal sa paaralang ito.
“Cardinal and Santiago go to my office!” singhal ni Mrs. Flores at napatuwid kami ng tayo at sumunod sa kaniya.
“Sabi na e!” bulong pa ni Franzen sa akin.
Pumasok kami sa opisina ni Mrs. Flores at doon naghintay, kinabahan ako dahil pinatawag si Nanay hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ito. Dagdag na naman sa problema niya.
“Your parents are on the way, remain calm while we are waiting,” wika ni Mrs. Flores kay Erika.
Grabe best actress? Siya pa talaga itong umiiyak at nagmumukhang kawawa? Eh siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Grabe ako na ang kontrabida dito.
“Ikaw naman Cardinal grabe I can’t believe na magagawa mo ito,” napailing si Mrs. Flores sa akin.
“Mrs. Flores wala po akong kasalanan-“
“Huwag ka ng magsinungaling, I see it clearly.”
Imbis na magsalita pa ako ay natahimik na lang ako, wala na ano pa ang ilalaban ko pinaniwalaan na niya si Erika. Ito ba ang tunay na principal? Ni hindi manlang ako tinanong kung bakit ko nagawa iyon? Kung bakit nangyari iyon? Bakit niya kinakampihan si Erika?
Ilang minuto ang nakalipas ay biglang bumukas ang pinto at napatayo ako ng iluwal nito si papa, kinabahan ako at napangiti din. Dahil akala ko walang puponta sa akin pero nandito pala si papa. Hinintay ko na lumapit si Papa sa akin ngunit kumunot ang nook o ng pumonta siya sa likod ni Erika.
“You okay?” rinig ko pang tanong ni papa.
Biglang kumirot ang dibdib ko, hindi ko alam kung bakit nandon siya kay Erika, kaano-ano niya si Erika?
“Pa,” mahinang tawag ko ngunit hindi niya ako narinig.
Hanggang sa biglang tumulo ang mga luha sa mga mata ko, parang tinutusok ng libo-libong karayom ang dibdib ko sa sobrang kirot na nararamdaman ko.