CHAPTER 23 Habang abala kami sa aming kinakain ay hindi maiwasan ni Franzen na tanungin ako kung okay lang ba ako, pansin ko rin na kanina pa ako natutulala at hindi ako makapag-focus sa klase. Hindi rin ako makasagot ng mabilis sa tuwing tinatanong nila ako. Hindi naman sa wala akong gana o may nagawa sila, sadyang madami lang talagang katanungan ang bumabagabag sa utak ko. Hanggang ngayon hindi maalis sa isip ko si Papa, natatakot na rin ako dahil baka hindi na siya uuwi. Paano na lang kami? Paano si Mama? Paano ang mga gastusin sa bahay? Iyona ang iniisip ko ngayon. “Ano ka ba nag-aalala na ako sa’yo,” ani Franzen. “Okay lang ako ano ka ba,” wika ko. “Anong okay? Iyong mukha mo parang pasan mo ang buong daigidig okay yan?” ani Franzen. “Sa lagay mo iyan ba ang mukha ng okay?

