CHAPTER 22 Umuwi ako dahil anong oras na at sigurado ako na hinihintay na ako ni Mama, excited na rin ako na sabihin kay Mama na nanalo ako. Hindi siya nagkamaling suportahan ako dahil nanalo ako. Tsaka makakatulong din itong napanalunan ko dahil mababayaran na naming ang kuryente at tubig na hindi pa nababayaran. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Mama, ano kaya ang sasabihin niya, magiging proud kaya siya sa akin? Masaya kaya siya kapag nalaman niyang nanalo ako? Nagmamadali akong bumaba ng tricycle at tumakbo papasok sa bahay, hindi pa ako nakakapasok ay nakangiti na ako. Sino ba naman ang hindi mapapangiti sa magandang balita na dala mo? Pagpasok ko sa bahay ay bigla akong naistatwa, iyong ngiting dala-dala ko papasok ay biglang napalitan ng takot, kaba at pangamba. Hindi ko a

