Pag-alis ng kotse ni Papa ay dali-dali namam akong lumabas at hinintay si Eldrian. At hindi pa nakakalayo si Papa ay dumating na rin si Eldrian at dali-dali akong sumakay. "Seatbelt," aniya at isinuot ko naman ang seatbelt niya. Gabing-gabi na kaya walang masyadong mga kotse sa daan at kailangan naming dumistansya para hindi kami mahalata na sinusundan namin si Papa. Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay biglang tumigil ang kotse ni Papa sa isang convenient store. Hindi naman namin inaasahan na titigil siya doon kaya lumagpas kami at tumigil na muna sa gilid at binantayan lang siya na makabalik sa kaniyang kotse. Pinagmamasdan ko lang na bumibili si Papa at nakangiti pa ito sa kahera na parang walang problema. Hindi ko alam kung bakit nakakaya pa niyang gumanto hindi ko alam kung bak

