CHAPTER 47 Sabay kaming pumasok ni Yuan at dahil late kami nagmamadali kaming makapasok upang hindi mapagalitan. Nataranta ako ayoko pa naman na pinagagalitan ako pero may kasalanan ako kaya wala akong magagawa. "Mr. Salvatierro and Mr. Fajardo tatlong araw kayong absent and now late?! Tell us kung bakit kayo absent?!" Napatigil kami sa paglalakad at nagtinginan. Binigyan ko ng malaking kunot na noo si Yuan dahil nalaman ko na tatlong araw din siyang absent. Nagtataka ako tatlong araw din siyang absent? Anong ginawa niya? "S-Sir kailangan ko pong magtrabaho kasi ako lang ang maasahan sa bahay." Paliwanag ko. "Edi sana nag-text ka or may sinabihan ka sa mga classmates mo?!" Singhal niya. "Ikaw Mr. Fajardo?" Napatingin ako kay Yuan nang tawagin siya ni Sir. "S-Sir masama po pak

