JONA'S POV. "Nasaan na ba tayo?" kunot noong tanong ni Louie habang nakasunod kami sa taxi na sinakyan ni Erika. "Ewan ko, baka ilang oras pa tayo babyahe bago makarating sa bahay nila," sagot pa ni Franzen. Kanina pa namin ito sinusundan pero parang hindi pa rin kami nakakarating sa bahay nila at mukhang may dadaanan pa siya bago umuwi. Masyado pa namang maaga pero kailangan namin magmata baka biglang mawala siya sa direksyon namin. "Baka may dadaanan pa siya," wika ko sa kanila. "Kalma lang muna tayo," dagdag ko pa. Ilang mall pa ang dinaanan namin bago huminto sa isang malaking mall at nakita ko siyang bumaba sa taxi. Huminto naman kami at agad na sinundan siya sa loob ng mall. Kasama ko si Franzen at Louie si Eldrian naman ay naghanap mg parking lot para iparada ang kaniyang

