CHAPTER 9 Nang makarating kami sa nasabing mall ay agad kaming bumaba at pumasok sa loob at subukang hanapin kung nandoon nga si Papa. Kinakabahan ako mukhang kinukutoban ako pero hindi pa ako sigurado kung nandito nga si Papa, hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nakikita. Nag-ikot kami sa buong mall, sinamahan ako ni Franzen at pinasok naming isa isa ang mga restaurant kung saan pwede naming silang makita. “Mukhang wala sila dito,” ani Franzen. Hindi naman ako napanghinaan ng loob nagpaatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa natigilan kami pareho ng pumasok si Erika sa isang restaurant. Dali-dali naman kaming sumunod ni Franzen. “Sabi na eh, kung nandito si Erika ibig sabihin nandito din si

