CHAPTER 8

1105 Words
                                                                                        CHAPTER 8     Paglabas namin sa training room ay agad naman naming hinanap si Franzen, Saan na kaya pumonta iyon? Habang naglalakad ay nahihiya akong magtanong kay Eldrian kung ano ang plano naming dahil natatakot ako na baka hindi niya ako pansinin pero parang hindi naman ata.   “Anong plano natin?” nagdadalawang isip kung tanong sa kaniya.   “Bukas na lang natin pag-usapan ‘yan i’m tired,” sagot nito.   Hindi ko alam kung malamig na ba iyon o hindi, pero hindi ko naman naramdaman ang pagiging malamig niya kaya parang hindi naman. At sa di kalayuan ay nakita ko si Franzen nakaupo at abala sa cellphone niya.   “Mauna na ako, see you tomorrow,” pagpapaalam ni Eldrian sa akin.   “Sige ingat.”   Habang papalapit ako kay Franzen ay napatigil ako ng bigla akong hinarangan ni Erika at ng mga aso niyang gutom. Mataas ang kilay niya at mukhang galit ito.   “Ano na naman Erika?” kunot noong tanong ko sa kanya.   “Mag back-out ka sa pageant!” utos nito at napatango naman ang kasama niyang mga aso.   “Hindi na pwede, pumirma na ako ng waiver,” sagot ko at agad na umiwas sa kanila.   Ayoko ng gulo, ayoko dagdagan ang poblema ni Papa kaya mas mabuting manahimik na lang ako at umiwas sa gulo. Hanggang ngayon hindi pa kami nagkaayos ni Papa, hindi niya ako kinakausap ewan ko ba kung bakit. Eh hindi naman ganon kalaki ang kasalanan ko.   “Kumusta? Okay ba kasama si Eldrian?” sunod-sunod na tanong ni Franzen.   “Ewan, mukhang okay naman siya,” sagot ko.   “Gwapo noh? Talaga namang yayanig ang mundo ko kapag pinansin ako nun!” kilig na kilig niyang sambit.   “So ayaw mo na kay Louie? Ganon?”   “Syempre mahal ko si Louie kaso nga lang manhid ‘yon!” sagot nito at natawa pa ako.   Sumakay na ako ng trycicle at umuwi na rin si Louie, simula noong pinagalitan ako ni Papa hindi na niya ako sinusundo sa paaralan para ihatid sa bahay pauwi, nakakapanibago at masakit sa dibdib. Hindi na ata ako mahal ni Papa hindi ko na alam ang nangyayari sa kaniya.          Habang nakasakay sa trycile ay biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ko ang kotse ni Papa na lumagpas sa amin at nakita ko sa loob si Erika at nag-uusap silang dalawa. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o hindi pero parang sasabog ang dibdib ko.   Kaano-ano ba ni Papa si Erika bakit parang iba ang kutob ko? Bakit iba ang sumasagi sa isip ko? Pagdating sa bahay ay tahimik, si Mama ay mukhang tapos na sa Gawain bahay at abala siya sa pagturo kay Shirly sa mga assignments.   Tumabi ako sa kaniya, at nagulat siya ng niyakap ko siya ng napakahigpit. Hindi ko alam pero naiyak na lang ako. Si mama lang talaga ang nagpapagaan ng loob ko, siya din nagpapahin nito sa tuwing nakikita ko siyang malungkot.   “Bakit anak?” kunot noong tanong ni Mama sa’kin.   “Mahal pa kaya tayo ni Papa?” malungkot na tanong ko.   Niyakap ako ni Mama ng mahigpit at hinalikan niya ako sa noo, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero parang biglang gumaan ang aking pakiramdam. Iba talaga kapag niyakap ako ni Mama parang biglang nawawala o nakakalimutan ko ang mga problema ko. Siya lang talaga ang nakakapag pagan ng loob ko.   “Mahal tayo niyan, busy lang talaga siya sa kaniyang trabaho pero mahal tayo niyan, hindi lang natin maramdaman kasi nga wala siya dito palagi,” ani Mama.   Tumango na lang ako, siguro ramdam din ni Mama iyon kasi kung hindi kami mahal ni Papa hindi niya gagawin ‘to. Alam ko ginagawa niya ito para sa’min hindi lang para sa kaniya.   Umakyat na ako sa taas para magbihis at mamaya bababa na rin ako dahil kakain na kami at uuwi daw  si Papa, mukhang makakasama na naming siya ngayon sa hapag kainan. Nagmadali akong bumaba at iniwan ko na lang ang cellphone ko sa kwarto ko.   Pagbaba ko ay nakaayos na ang pagkain at nakaupo na sila Mama at Shirly, bumaba na rin ako at dumiretso sa kusina upang maghugas ng kamay. Pagkatapos ay naupo na rin ako at hihintayin na lang daw naming ang Papa para sabay na kaming makakain kasama siya.   Masarap ang nilutong ulam ni Mama at paborito ito ni Papa, adobong posit at pritong Bangus, halos labing dalawang minute na kaming naghihintay at dumating na rin siya.   “Papa!” sigaw ni Shirly at tumakbo ito sa kaniya para salubungin siya.   Pinaupo niya si Shirly at umakyat siya para magbihis, si Mama naman ay nilagyan na ang plato niya ng kanin at ulam at nagsimula na rin akong kumain dahil nagugutom na rin ako.  Pagbaba ni Papa ay natigila si Mama, napalingon naman ako at nakita ko na nagpalit si Papa ng damit bihis na bihis siya. Ang buong akala ko papalit siya ng pambahay na damit pero base sa kaniyang suot may ppupuntahan siyang importanteng lakad.   “Kumain na tayo,” ani Mama sa kaniya.   “Aalis ako,” malamig na tugon nito.   “Saan ka puponta? Tapos na ang duty mo diba? Out mo na,” kunot noong tanong ni Mama.   “Importante,” sagot niya at agad na lumabas ng bahay.   Hindi ko alam ang gagawin ko, naawa ako kay Mama at saan naman ang lakad ni Papa? Binilisan ko ang pagkain ko at dali-dali akong umakyat sa taas upang magbihis. Kailangan ko siyang sundan, kailangan alam naming kung ano ang pinangagawa niya. Mahal ko si Papa kaya hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kaniya.   “Saan ka puponta?” napatigil ako ng makita ko ni Mama.   “Ah may ihahatid lang sa kaklase ko Ma. Balik ako kaagad,” sagot ko.     Dali-dali akong sumakay ng trycicle para lang masundan ang kotse ni Papa, hindi pa siya nakakalayo kaya maabutan ko pa siya. “Seryoso ka na dito dumaan kanina?” tanong k okay Franzen.   “Oo kagaya ng sinabi mo inabangan ko ang kotse niya,” wika niya.   “Saan kaya siya pwedeng pumonta ngayon?” kunot noong tanong ko.   “Kasi kung dito siya dadaan iisang mall lang naman ang nandito sa direksyon na ito,” sagot pa ni Franzen,   “Mall? Anong gagawin niya sa mall?” kunot noong tanong ko.   “Nakalimutan moa tang sa mall natin siya nakita na may kasamang babae at sanggol,” sagot nito.     Tama nga si Franzen sa mall din siya naming huling nakita na bihis na bihis at may kasama kaya posibleng nasa mall din sila ngayon.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD