Nang makapasok na kami sa subdivision kung saan ang bahay nila Erika ay nakaramdam ako ng kaba at takot. Pero kailangan kong magpakatatag para kay Papa at para sa pamilya ko. Hindi ako pwedeng sumuko, ako na lang ang tanging makakasalba kay Papa at para makumpleto kaming muli. Nang makarating kami sa tapat ng kanilang bahay ay tinignan ko muna nag sarili ko sa salamin. Kailangan presentable din ako at kailangan malinis tignan, nakakahiya kapag ininsulto nila ako na marumi o pangit. "Nandito lang kami ha, hihintayin ka namin," ani Franzen. "Kapag may nangyari sumigaw ka lang, hindi ka naman siguro papasukin," dagdag pa ni Eldrian. "Tama, baka diyan lang kayo mag-uusap sa tapat ng gate," si Louie. Tumango lang ako sa kanila at agad na binuksan ang pintuan ng kotse at agad na bumaba

