Sa kalagitnaan ng byahe ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat, parang nabingi ako ng sabihin sa akin ang lahat at ng malaman ko ang katotohanan. Pero hanggang ngayon naniniwala pa rin ako na hindi iyon totoo. Kami lang ang pamilya at wala nang iba pa, isang masamang panaginip lang ito. Tahimik lang ang byahe at hindi ko pa rin mapigilang lumuha. "Kain muna tayo," ani Eldrian. "Yes! Gutom na kami diba Jona?" si Louie na pinapakalma ako. Kanina pa nila ako gusto patawanin pero wala eh, sobrang sikip ng dibdib ko at nakatatak sa utak ko ang mga sinabi ni Lola sa akin kanina. Hanggang ngayon natutulala pa rin ako, hindi ko makakaya na makita ang pagsira ng pamilya ko. "Tara Jona," at hinila ako ni Franzen palabas ng kotse. Pagbaba ko ay agad niya akong niyakap ng napakahigpit.

