Nang magising ako kinaumagahan ay agad akong tumayo ng mapansin kung may mga ingay mula sa kabilang kwarto. Agad akong lumabas hindi pa ako nakapagsuklay at hindi ko pa naayos ang sarili ko. Pagdating ko sa kwarto ni Mama ay naistatwa ako sa nakita ko, hindi ko alam kung bakit siya nagliligpit. Lahat ng damit, gamit ay nasa bag na at wala nang laman ang buong kwarto. "Magligpit ka na rin," aniya at napalunok ako sa narinig ko. "Ma? Bakit?" kunot noong tanong ko. Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko at parang sasabog ito ng wala sa oras. Hindi ko alam pero nanginginig ako at nawawalan ng lakas. "Aalis na tayo dito, hindi na sa'tin 'to," aniya at doon ako napailing. "Ha? Bakit?" nagugulohang tanong ko. "Wala eh, pinapaalis na tayo at tsaka pinapalayas na tayo ng Papa mo," at doon ako

