Tinignan ko sila isa-isa at niyakap ko sila sa loob, ngumiti pa ako sa kanila at doon na ako napaluha at hindi nila alam ang ginagawa ko. Napanganga na lamang sila at nagtinginan sa inasal ko, hindi nila alam na ito na ang huling minuto na magsasama kami. Hindi nila alam na bukas wala nang Jona na manggugulo o magpapasama sa kanila. Wala na silang kaklase na Jona at wala nang may magtatanggol kay Franzen. "Ano 'to? Ba't ka umiiyak?" kunot noong tanong ni Franzen sa akin. "Ano baaa! Naiiyak din ako! Anong nangyayari?" reklamo pa niya. "Maraming salamat sa inyo ha, maraming salamat dahil nandito pa rin kayo hanggang ngayon, hindi niyo ako pinapabayaan at tinutulongan niyo pa ako," pagpapasalamat ko sa kanila habang pinapahid ang luha. "Maraming salamat, sobrang saya ko at hindi ako nag

